MUCC21: Small World

Magsimula sa umpisa
                                    

"Gaga akala ko ba updated ka lagi kay Rad? Nag-post siya ng story at kasama niya si Joshua doon at naka tag ang pangalan." paliwanag niya.

I bit my lower lip. I forgot to open last night dahil nag-movie marathon kami ni Dad. I didn't realize it hanggang sa makatulog ako.

"Curious lang naman ako kaya stinalk ko ang account niya, but look what I found out," she said. Scrolling from his photos at tumigil ito sa isang larawan. She showed it to me.

Nakita ko ang mukha ni Joshua, he was wearing a formal attire, mukhang nasa isang gathering ito. From his side, naningkit ang mata ko nang makita si Kyline. She was wearing a cocktail dress. Nakangiti silang dalawa sa larawan.

"Mukhang magkakilala na ata sila bago pa siya lumipat dito. Small world, o baka dahil kaibigan siya ni Rad?" She said.

I don't know much about Joshua. I just met him and that's it. Maliban sa alam ko na pinsan siya ni Rad, ay wala na akong iba pang alam sa kanya.

"Hindi ko alam. Baka gano'n nga," sambit ko.

"Hindi kaya close ang family nila ni Rad at Kyline?" Tanong ni Amara.

"Ang alam ko lang na parehong nasa business ang pamilya ni Rad at Kyline. Baka ganun siguro." ani ko.

"Hmm, mukha rin silang close ni Josh. Ang angas niya naman, malapit pala sa mga Sullivan. Kabahan kana!" Sinamaan ko siya ng tingin.

I know she's just joking. But she's right, mukhang close nga ito sa dalawa. Kahit na nung pumunta ako ng bahay nila Rad. Sinasabi na maliban daw sa akin, si Kyline pa lang ang nadadalang babae ni Rad sa kanilang bahay. I shook my head from that thought.

I was also taken a back when our leader spoke in front. Mukhang natapos na ang 5 minutes na water break namin kaya tumayo agad kami at bumalik sa field para mag ensayo ulit.

Thank God and we finally finished our routine, konting formation na lang gagawin namin at 'yung mga stunts na kailangan e practice.

Buti na lang din at early dismissal ulit kami. Nagkataon na may general meeting ang teachers kaya nagdiwang ang lahat ng mga students sa nalaman.

"Kain tayo sa labas! Libre ko kayo, maaga pa naman para umuwi." si Arkie.

Agad akong napanguso dahil sa sinabi niya. Anong meron sa kanya ngayon? Sinasanay niya talaga kami sa libre.

"Oh? Saan? Nakakahiya naka pe uniform pa tayo!" Si Amara.

We already changed our clothes, pero naka pe pants pa rin at sapatos. I adjusted the strap of my bag on my shoulder before looking at him.

"So? Kakalain lang naman tayo, hindi naman natin sila sasayawan." aniya pa.

"KFC lang naman, malapit lang dito sa atin."

"Sige na nga," at the end of it, pumayag din kami sa sinabi ni Arkie. I texted my Dad na sasabay na ako kina Arkie uuwi mamaya. I told him that we'll eat somewhere, hindi nagtagal ay pumayag din ito.

"Tara na!" Sambit ko.

We were on the parking lot, ngumisi naman kami nang makita ang sasakyan nila ni Arkie. Nandoon din sa loob ang driver nila kaya binati namin ito.

"Kuya Jo, sa KFC muna tayo." sambit ni Arkie rito.

We were at the back seat, kasama ko si Amara habang si Arkie ay nasa harapan. We were lucky na hindi masyadong traffic ngayon sa daan, hindi pa naglilimang minuto ay agad kaming nakarating sa lugar.

Mabilis kaming lumabas at pumasok ng KFC. Medyo marami-rami ring mga tao ngayon kaya agad kaming sinabihan ni Arkie kung ano ang gusto naming e order.

My Ultimate Campus Crush(REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon