MUCC19: Eavesdrop

Start from the beginning
                                    

"Mukhang height lang naman lamang nung lalake sa akin, kaya anong pinagsasabi niyong gwapo?" He confidently said while watching Josh from the field.

Napairap ako sa kanyang sinabi. Mas gwapo si Rad, hindi magbabago 'yan.

"Mabait kasi si Josh ikaw mayabang," prangkang sinabi ni Amara kaya napangisi ako.

"Ang salbahe niyo, matapos ko kayong ilibre at alagaan simula bata ganito ang igaganti niyo sa akin?" maarteng tugon ni Arkie habang umiiling.

Tumawa ako sa naging reaksyon niya. I was about to talk when our teacher called us. He instructed us to do the proper warm up first kaya sumunod kami sa kanya.

"Ang gwapo talaga ng bagong transferee lalo na sa malapitan!"

Napalingon ako sa mga babae kong kaklase na nakatingin sa kabilang side ng field, napagtanto ko na halos ilang metro lang ang layo namin sa kanila. They were already doing the basic routine, I saw Joshua at the back and becoming so attentive to their teacher. Habang ang mga kaklase ko naman ay halos tumili na dahil sa kakatitig dito.

"Mukhang mabait din, halatang kaibigan na lahat ng kaklase niya tingnan mo!" They squinted.

Umiling na lang ako at mas tinuon ang atensyon sa harapan. We were said to make a line. Halos magtagpo ang kilay namin ni Amara dahil alam naman namin na sa harapan kami pupwesto, nasa kaliwa ko si Amara habang may tatlong kaklase ako sa kanan ko. The rest was behind us lining up as well.

We know that Arkie will bully us again, likas na gawain niya ito kaya halos suntukin namin siya nang magsalita ito.

"Ang cute ng mga bata," panunukso niya bago pa siya tuluyang pumunta sa likurang parte, kung saan nakapwesto rin sina Miro at ni Rad.

As soon as we finished our warm up, agad na dinemonstrate ni sir sa harap ang mga basic routine at stunts ng cheer dance.

"As part of your final performance task this grading, kailangan niyong makabuo ng sayaw including the basic routines and stunts na tinuro ko, excluded 'yung paghagis-hagis, okay na 'yung itatas lang ang flyer para hindi mahirap sa inyo." Our teacher explained.

Agad naman akong kinabahan dahil alam ko kung ano ang magiging role ko rito sa cheer dance.

"Minimum of five minutes and maximum of ten dapat 'yung gagawin ninyo. You will perform this after three weeks, I will give you the copy of the criteria. And take note! Kasabay niyong magpepeform ang kabilang section, including them."

Halos mapasinghap ako ng ituro ni sir ang direksyon nila ni Joshua. Does that mean makikita nila kaming sasayaw? Nakakahiya!

"Maliwanag ba?" He said as we both answered in unison.

"Yes sir!"

"Now decide who will be your leader and start making your routine,"

"Mace! Ikaw leader." agad na tinuro 'yung isa naming kaklase. She is also one of my classmate before, magaling ito sa cheer dance since may experience siya na sumali noon. We agreed on it, at pumayag din naman siya.

"We need four flyers, habang tatlo naman ang susuporta. Sino ba ang pwede?"

Now we are sitting on the ground, nagmemeeting kung ano ang gagawin. Agad namang tumaas ng kamay si Arkie at Miro kaya nagtawanan ang lahat.

"Maawa naman kayo sa magbubuhat sa inyo," nakangising tugon ni Mace na leader namin.

"Hindi 'yan! Promise magaan lang kami." dagdag pa ni Arkie na siyang nagpailing sa amin.

"Si Wendy! Pwedeng flyer 'yan tiyaka si Amara!" sabi ko na nga ba.

Agad na napasulyap si Mace sa amin. Mukhang nangungusap ang mga mata na tumingin sa amin.

My Ultimate Campus Crush(REVISING)Where stories live. Discover now