“Alright. Let me sign it then. Make sure na maraming makakasama. Para makapag-enjoy tayong lahat.”

“We’ll surely do.”

Pinirmahan ko na ang approval papers saka ibinalik sa kanya. Matapos ang meeting ay bumalik na ako sa opisina ko para ituloy ang trabaho.

3 Weeks Later.

“Head Check! Tingnan ang mga katabi baka may maiwanan!”, nagtawanan kaming lahat kay Chuchay, ang kalog na bading sa I.T. Department.

Muli naming narinig ang announcement ng flight number namin. Napatingin ulit ako sa may entrance ng airport. Wala pa sya! He should be here by now.

“Ma’am, tara na po. Baka maiwan tayo ng eroplano.”,

What should I do? Ayokong umalis na wala sya!

“Ah… You go ahead. Susunod na lang ako.”, alanganing pumayag na lang si Chuchay saka umalis.

I dialed his number again pero hindi nya sinasagot. Niloloko lang ba nya akong sasama sya? Baka naman trip trip na naman to! Lagot talaga sya sakin kapag hindi sya dumating.

I heard the final announcement of our flight again. Kinabahan na ako. Hinanda ko na rin ang phone ko para tawagan si Andrew para hiramin ang private plane nya kung sakaling maiwan ako ng eroplano.

Pero bago ko pa magawa ang nasa isip ko, I saw him from the entrance. Looking so gorgeous. Napangiti ako ng bonggang-bongga habang palapit sya sakin. He made it!

Ice

Muntik na akong mapatigil sa paglalakad ko nang makita kong si Clarisse na malawak ang ngiti. How I missed that smile! Sa halip ay lalo pa akong nagmadaling makalapit sa kanya. I cant help but smile wide also. Hindi ko talaga pinagsisihan ang pagsama ko sa team building na ito ng RCF.

Ilang dipa na lang ang layo ko sa kanya nang may lalaking nagmamadaling lumagpas sakin at dumiretso kay Clarisse. Hindi nakaligtas sakin ang pangyayaring iyon. He hugged her tightly and Clarisse hugged him back.

I felt broke. So hindi pala para sa akin ang ngiting iyon. Nagkamali lang pala ako. I just assumed.

“Ice! Hey, pare. Kasama ka pala?”, Jake greeted me. Napatingin muna ako kay Clarisse na halatang nagulat noong nakita ako. Mukhang hindi nya napansin ang presence ko kanina.

“I’m part of the company. So, yes.” I looked at her again pero nag-iwas na sya ng tingin.

“We need to hurry! Maiiwan na tayo ng eroplano!”, nagtakbuhan na kami papasok sa departure area.

CLARISSE

Mabuti na lang naabutan pa naming ang eroplano. Maiistorbo ko pa sana si Andrew para humiram ng private plane kung nagkataon. Pero hindi ko talaga inaasahan na kasama si Mr. Yelo. Bakit nga ba hindi? Masyado syang busy and I didn’t know na papatulan nya ang event na ito. Kaya hindi ako umasa na sasama sya. But here he is. Sitting beside me. Kung pwede nga lang magpapalit ng upuan, ginawa ko na. Pero magmumukha naman akong tanga kung gagawin ko iyon.

Dealing with Mr. Ice (To Be Published SOON)Where stories live. Discover now