"A-ARAY! OO NA! ANNE NA!"

"Yan! Umayos ka kung ayaw mong dagdagan ko yang galos mo!"

"Oo na!" ginamot ko na yung galos nya.

After ng nangyaring ito naging magkaibigan naman kami, yun nga lang medyo mataray pa rin talaga sya. Napag-alaman ko rin na same school kami nag-aaral, Richford din sya. 3rd day na simula nung nakita ko sya sa daan, nandito ako ngayon sa bench ng garden, maganda dito, relaxing, nagbasa ako ng libro pero bigla ko namang naalala yung si Jiro na nagtataray kaya ako napapasmile, para kasi syang may dalaw. Dinaig pa ako. Ahaha. Nagulat naman ako ng bigla syang sumulpot sa tabi ko habang iniisip ko palang sya.

"Oh?" sabi ko ng may gulat na tone.

"So, Can I ask you something?" tanong naman nya.

"Eh? Parang nung isang gabi lang ang yabang mo, ba't parang nag-iba ka ata ngayon? May lagnat ka ba?" tanong ko naman sa kanya sabay lagay ng kamay ko sa forehead nya.

"Ano ka ba, sinabi ko lang na can I ask you something may lagnat agad?"

"Eh ano mga ba yun?"

"I Like you, pwede ba tayong mag-date?"

"Eh? Seriously?" Napakastraight forward nya.

"Yeah."

"Hmm... In one conditon!"

"Ano yun?"

"Lumayo ka na sa kahit anong away or gulo please? Ayoko kasi ng pasaway."

"Sure! Para sayo I'll avoid those harmful things and pakikipagbasag ulo." mukhang agree naman sya sa condition ko kaya binigyan ko nalang sya ng isang smile! Ahaha.

1 month din syang nanligaw sa akin, malaki naman ang naging improvements nya, di na sya naging basagulero, pinakilala pa nya ako sa mga friends nya na known as G6, naging friend ko naman agad sila, madali lang naman pala silang pakisamahan eh. Sinagot ko si Jiro habang nasa Ferris Wheel kami. nakakatawa sya kasi di nya alam ang tawag dito, malaking wheel lang ang tawag nya dito dahil kwento nya, never pa syang nakapunta sa ganitong lugar simula pagkabata nya.

Romantic para sa akin iyon kasi nasa taas kami nagstop, kitang-kita ang magandang City lights, gabi kasi ito. Dito na sya nagtanong kung pwede nya raw ba akong maging girlfriend, nag-oo naman ako sa kanya, and he look so cute while he's smiling. Dito ko na sya minahal ng todo! Yeah! Todo talaga! Ahahaha.

Until the day na kaylangan kong bumalik sa New York, dun na kasi ako nilipat ng Dad ko ng School mga bata pa kami at wala pa akong kakayanang magdecide para sa sarili ko sabi ng mga magulang ko at napag-alaman din kasi nila ni Mom na may boyfriend ako, nagresearch kasi sila kay Jiro at napag-alaman nilang basagulero sya, I tried na magpaliwanag sa parents ko kaso sarado ang tenga at isip nila!

To be honest! Di kami legal ni Jiro sa parents ko lang, ayaw kasi nila Mom eh? Only child lang kasi ako kaya siguro masyado silang protective sa akin. Kaya sa ayaw at sa gusto ko, kaylangan ko talagang makipaghiwalay kay Jiro kahit na mahal na mahal ko pa yung tao! My Parents also known Jiro's Family, and they don't want us na marelate sa matataas na tao dahil na rin siguro sa mga balitang napakamanipulative at sa laki ng influence ng Cliffords dahil sa Grandfather ni Jiro way back nung buhay pa ito.

Jiro told me na susundan nya raw ako sa New York, but no! Hindi ko sya pinayagan. Nag-isip nalang ako ng dahilan para hiwalayan sya kahit na ayoko! Sinabi ko sa kanya na hindi ko na sya mahal at ginamit ko lang sya, hindi sya naniwala sa umpisa pero later on naniwala na sya, pinilit ko ang sarili ko na di umiyak sa harap nya. He told me na bawiin ang sinabi ko na di ko na sya mahal pero NO! Di ko binawi, kahit na deep inside parang dinudurog ang puso ko. I tried hard na pigilan ang sarili ko at ang nararamdaman ko, alam kong masama ang loob nya sakin that time dahil sa mga nasabi ko.

Gorgeous Six Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon