"Daddy!" Kaagad naman nilapitan ng tatlo niyang anak sina Jordan nang nasa baybayin na ang bangka nito. Bumaba na ang tatlo mula sa bangka. May dala-dala namang isang balde ng nahuling isda ang asawa niya.

She smiled as she also carefully walked near him. When Jordan noticed her, he smiled at her as well.

"Taylor, Adam, dalhin niyo na 'tong nahuli natin sa loob." Utos ni Jordan sa dalawa, "Mauna na kayong pumasok na magkakapatid sa bahay."

"Opo, Daddy!" Sabay-sabay pang sabi ng mga anak nila. Kinuha naman nina Taylor at Adam ang hawak niyang balde. Magkatulong ang dalawa sa pagbubuhat. Nauna na nga ang lima sa pagpasok sa bahay.

"Hey," Inakbayan naman agad ni Jordan ang asawa at hinalikan ang gilid ng noo nito, "Okay na ba pakiramdam mo?" He asked her softly. Julia also wrapped her arm around his waist.

She nodded, "Oo. Effective iyong pinainom na herbal tea ni Nanay Agnes sa 'kin." Bumalik na naman kasi kahapon ang morning sickness niya. Magwawalong buwang buntis na kasi siya. Last week pa kasi ang huling pre-natal check-up nila sa doktor at nasa England pa sila 'non.

And she's pregnant again - with their sixth child.

Bigla naman itong yumuko at hinaplos ang tiyan niya, "Baby, huwag mo masyadong pahirapan ang Mommy mo. Nagiging masungit pa naman 'to pero okay lang, sexy pa rin naman siya." Kinausap pa nito ang anak nila sa tiyan niya.

Hinampas naman ito ni Julia sa braso, "Zachariah nga! Last mo na talaga 'to sa akin! Ang sakit umire!" She complained. Umayos naman ng tayo si Jordan at tinawanan siya. Jordan then kissed the corner of her forehead again.

Buong akala nga niya, after kay Cameron, hindi na siya mabubuntis pa. She was really religiously taking contraceptive pills - kaya laking gulat niya after two years ay buntis na naman siya. Dahil sa sobrang kaharutan nito, anim na anak nilang dalawa.

"Magpavasectomy ka na lang!" Naiinis na dagdag niya. Iyon na lang talaga ang madaling paraan para huminto na ito sa kalandian nito sa kanya. Kahit nga siguro magpaligate siya, mabubuntis pa rin siya dahil malakas ang kapit ng libido nito.

"Promise, last na. Magwiwithdrawal na talaga ako sa susunod." He answered, chuckling. Nanlaki naman ang mga mata ni Julia sa sinabi nito.

Imbis na mainis lalo ay natawa na lang siya. Kahit malandi ang hari na 'to, mahal na mahal niya eh, "Pa, ang bibig mo! Marinig ka ng mga bata!" Aniya sabay kurot sa tagiliran nito.

Jordan stifled another laugh and just gave her a peck on her lips.

●●●

"Hali na kayo," Ani ni Julia sa mga anak niya nang matapos na ang misa sa simbahan ng bario nila. Nagsimba kasi silang lahat sa hapon.

"Mr. Knight," Bago pa man sila makaalis ay biglang lumapit sa kanila ang parish priest ng simbahan.

"Father," Jordan greeted, "Bakit po?"

"Kakausapin sana kita pati iyong mga bata para sa Flores de Mayo sa susunod na linggo, pwede lang ba?" The priest asked formally. Ngumiti naman si Julia rito at tumango.

"Sige. Pa, kausapin niyo si Father. Maghihintay lang ako dito." She said softly. Baka kasi importante ang pakay ng pari para kay Jordan at sa mga bata. Baka gusto siguro ipasali ng pari ang mga anak nila sa Flores de Mayo sa susunod na buwan.

Jordan smiled back and kissed her forehead, "Okay. Just wait for us here." She nodded. Umalis na nga ang mga ito kasunod si Father. Julia just rested her hands into her huge belly as she sat again on their seat. Konti na lang din ang mga tao na nasa loob ng simbahan sa mga oras na iyon.

Ilang minuto naman ay napansin niya si Jordan na naglakad papunta sa harapan. Nasa gitna ito ng altar na may dala-dalang gitara. Inayos nito ang stand ng mic. He suddenly smiled at her.

"This is for you, my beautiful wife," He said as he started strumming his guitar. He then started to sing. (Perfectly Perfect by Simple Plan)

"You might not think you're a supermodel but you look like one to me. I'd rather have your picture on my phone than on the cover of a magazine."

"It's hard to think that a girl like you could have any insecurities. It's funny how all the things you would change are all things that are cute to me..."

"And I know you don't believe me. And you think that I'm a fool but I don't care..."

Bigla namang nagsilabasan ang mga anak niya na may mga dala-dalang pulang rosas. Nilapitan naman siya nito isa-isa. She was surprised at their act.

"Maybe. You'll never see in you what I see... The little things you do that make me go crazy. I'm not crazy. You're perfectly perfect to me..."

"Mommy, pinabibigay po ni Daddy!" Her kids were even giggling and cheerful. Naiiyak tuloy siya.

"Thank you, mga anak." Aniya at isa-isa ring niyakap ang mga ito.

She was really touched. Especially with her husband's sudden serenade to her. Parang tuloy siyang teenager na kinikilig dahil sa pagkanta nito.

"You brush it off every time I tell you. Your smile lights up the room and I'm guessing that you don't even notice. The whole world notices you."

Bigla namang nagsitakbuhan ang mga anak niya papunta kay Jordan sa harap.

"Babies, careful!" She said to them. Bigla naman silang sumabay sa pagkanta ng Daddy nila.

She giggled. Kailan pa tinuruan ni Jordan ang mga ito sa pagkanta? She didn't even know her little kids could sing very well the song.

"Maybe... You'll never see in you what I see. The little things you do that make me go crazy. I'm not crazy. You're perfectly perfect. Someday, you're gonna see you're beautiful this way and that you're always gonna make me go crazy. I'm not crazy..."

"You're perfectly perfect to me," Jordan finally finished the song. Nagsimula naman itong maglakad papunta sa kanya. Nakabuntot naman dito ang mga anak nila.

Jordan suddenly kneeled down in front of her and held her two hands, "Be with me again for fifty more years or so, my Queen?" He proposed. Natawa na lang ulit si Julia sa sinabi nito.

"Of course! Basta, last mo na talaga 'to sa akin, Zachariah." She playfully answered.

"Sure. Withdrawal na talaga ako. Mamaya ba?" He joked, even wiggling his eyebrows. Nanlaki na naman ang mga mata niya sa sinabi nito.

"Isa, Zachariah!" Sinabunutan niya kaagad ang asawa.

Naglalandi na naman!




THE END.

//

Thank you and God bless!

Scarlett's story is already posted too. It's titled 'Not So Princess'. Second gen naman tayo. Sa Not So Princess at Fourth The Devil muna ang ifofocus kong mga stories sa ngayon. Check them out guys.

---Copyright (c) June 11, 2017 by Eurekaa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---
Copyright (c) June 11, 2017 by Eurekaa. All Rights Reserved.

Bleeding Royalty (Finished)Where stories live. Discover now