Chapter 7

24.5K 770 59
                                    


Typo errors are a lot.

Chapter 7
Mystery lover

Chapter 7Mystery lover

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ms. Silva, pwede pa rin po bang makapasa ng assignment bukas? May sakit po kasi ako 'nung last meeting natin." Napahinto naman si Julia mula sa mga yapak niya nang may lumapit sa kanya na estudyante. Papunta na rin kasi siya sa faculty ng mga oras na iyon nang bigla siyang nilapitan nito. Katatapos lang din kasi ng klase niya.

Julia forced a smile at the female student, "Sige, bukas na lang. Ipasa mo na lang sa 'kin sa faculty room." She said instead. Sumilay naman ang ngiti sa mukha nito.

"Maraming salamat po talaga, Miss! Ang bait niyo po talaga! Sige po." Ningitian lang ito ulit ni Julia pagkatapos. The student was finally out of her sight.

Napabuntong-hininga na lang siya. Pumasok naman agad siya sa faculty room. Parang nawawalan talaga siya ng gana sa araw na iyon.

"Hi, Jules!" Bati naman ng isa co-professor ni Julia doon sa faculty room. Ngiti naman ang ibinalik ni Julia dito at kaagad pumunta sa office desk niya. She sighed as she sat down.

"Kilala na ba ng mga tao kung sino 'yung mystery lover na pinuntahan dito ni King Jordan sa Pilipinas?"

"Hindi pa nga eh. Naiintriga nga ako! Kahit daw 'yung mga taong tinanungan nila sa isla, wala daw nakakaalam sa mystery lover ng hari."

"Oh my god, ang swerte 'nung babae!"

Napabuntong-hininga na lang siya ulit matapos marinig ang pagchichismisan ng mga guro doon sa faculty. The King of England's mystery lover in Phil is really circulating around the world right now. Kahit sa mga social media at mga newspapers ay laging laman ng mga kanilang headline ang mystery lover ng hari ng Britain. Everyone was gushing about the mysterious identity of the woman. Ang babae daw kasi ang dahilan kung bakit pumunta doon ang hari hindi dahil sa state visit.

The headlines of the tabloids were all about the King. May mga pictures pa nga ang mga press at media na nakunan ang pagpunta ng hari sa isla. There were also pictures when King Jordan helped a fisherman on his boat. But the pictures and identity of the mystery lover were never known. She didn't even know that some paparazzi have followed the King.

And the mystery lover that everyone talked was no other than her...

If the people only knew... she is even the wife. But that was before... because her husband, Zachary Knight is already dead.

Because Jordan and Zach are both different persons... And Jordan is no longer Zach.

Mahigit dalawang linggo na rin ang lumipas magmula 'nung huling pagkikita nila ni Jordan sa isla. Dalawang linggo na ang lumipas magmula 'nung masaya pa silang nagsasama na dalawa... But it ended so early. She couldn't handle anymore the secrets that the King was hiding. Gulong-gulo na siya sa gustong mangyari nito.

Bleeding Royalty (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon