Chapter 3

26.4K 784 72
                                    


Typo errors are a lot.

Chapter 3
Kiss

Chapter 3Kiss

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Zach!!"

"Z-Zach!! Please, huwag niyo siyang patayin! Zach!!"

"Zach! Please, don't kill him! Parang awa niyo na! Zach!!!"

Julia...

...

"Zach! Zach! Gumising ka!" Nagising naman si Zach nang may tumapik sa pisngi niya.

"Uhm..." Nagulat naman kaagad siya nang makita ang kamay niyang nakaposas sa headboard ng kama. Pinasadahan niya kaagad ng tingin ang buong paligid niya. All he could see was just white. Sinubukan naman niyang kumalas mula sa pagkakaposas niya pero napamura na lang siya nang makaramdam ng sakit sa may tiyan niya. He could still feel the pain because of the gunshots he got.

Bigla naman niyang naalala ang nangyari sa kanya. Biglang sumigaw si Julia. Pilit itong kinukuha ng mga nakaitim na mga lalake. Sigaw ito ng sigaw. He tried to rescue her but it was futile. May bumaril sa kanya. Hindi lang isang beses... Maraming beses siyang binaril.

Pagkatapos tumambad sa paningin niya ang presidente... The president... Julia's father tried to kill him... Pinapatay siya ng mga tauhan ng presidente.

"N-Nasaan si Julia? Nasaan ang asawa ko--"

"Ligtas si Ms. Julia, pero ikaw, kailangan kitang itakas, Zachary." Seryosong sabi sa kanya ni Mr. Tiongzon. Ni hindi niya maintindihan kung bakit ito nandoon ngayon. Sobrang naguguluhan na siya.

"Ipapasunog ng presidente ang katawan mo. Isang milagro na nabuhay ka pa sa mga natamo mong mga bala sa katawan. The president wants you dead, Zach." Hindi naman kaagad nakapagsalita si Zach sa sinabi nito.

Gusto siyang ipapatay ng presidente... ng ama ng asawa niya.

"Akala nila namatay ka na sa pagkakabaril pero hindi. Kaya ka nandito pa ngayon dahil mamaya, ipapasunog nila ang katawan mo." Dagdag pa nito. Kinuha naman nito ang isang susi at ginamit iyon para makawala siya sa posas.

"May dala akong damit. Uniform ng PSG. Suotin mo iyon. Ako ng bahala sa katawan na magpapanggap bilang ikaw para hindi magduda sina Sir Eduardo."

Hindi pa rin alam ni Zach kung anong gagawin niya. He was too shocked...

"Bilis! Magbihis ka na! Mag-ingat ka sa pagtakas mo dito. Sa oras na malaman ng iba na nakatakas ka, walang pagdadalawang-isip na papatayin ka nila, Zach. Umalis ka na!"

Kaagad namang sinunod ni Zach ang sinabi ni Mr. Tiongzon sa kanya. He immediately wore PSG uniform with trembling hands. He was too shocked... why...

Bleeding Royalty (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon