I just shrugged after returning from my seat. Napansin ko din na tutok na tutok si Kelly sa kanyang libro. I can't even disturb her, mukhang inclined talaga sa binabasa.

Hindi ko tuloy alam ang gagawin. The seat from behind me is still empty. Hindi ko na din naman kasi alam kung saan pumunta 'yung crush ko.

Ah.

Baka napunta na sa iba.

Pagkatapos akong tanungin ganun na lang gagawin niya sa akin? Tutal marupok naman ako. Edi paninindigan ko ang sinabi ko sa kanya.

Tulad nga ng sabi ko. It's not a bad idea to get out of your comfort zone sometimes. It's a goal actually, it's always within us kung gugustuhing ba natin na matutunan pa ang ibang bagay.

Sa sitwasyon ko, I know that there's a lot of good things that are waiting for me. Ramdam ko na 'yun excitement dahil alam ko na magkakaroon kami ng maraming memories ni Rad.

It's my dream okay.

Hindi din naman ako masisisi kung bakit ako ganito. I'm just a person who can have feelings too. Tao din naman ako at nagkakagusto.

After all, I just want to cherish this moment of my life. Baka kasi may level up na edi masaya.

Baka dito na din kasi matutuldukan ang single life ko. Tingnan na lang natin kung hindi pa mangyari 'yun kapag sinumulan ko na 'yung ritwal.

Hay, ewan ko nalang talaga.

After a few minutes of contemplating. Agad akong nabuhayan ng makita ang bulto ni Arkie. He's now back with a slight grin on his lips. He looked at me with a proud look, napakunot noo naman ako sa kanya hanggang sa maka-upo siya sa harapan.

"Arat ml na," dinig kong sambit ni Miro ng makita ito.

He was even waving his phone. Pinapakita ang sunod-sunod niyang panalo.

"Pass muna. Mamayang gabi na lang," ani Arkie na ikinagulat ko.

"Wow himala," sambit ko sa hindi makapaniwalang boses.

He even tilted his head before meeting my gazes. Napangisi naman siya sa akin na parang tanga. He even tugged his hair.

"Ano bang meron?" Kuryuso kong tanong.

"Hulaan mo," napairap ako.

"Nanalo ka sa lotto?"

"Gago hindi," aniya.

Sabagay. Ang yaman niya ng masyado para manalo pa sa lotto. Daig pa nga niya ata si Bill Gates nito pagkanagkataon.

"Nakaapak ka ng tae?" Pilosopo ko pang sambit.

"Apakan kita gusto mo?" I punched his arms after he said that.

"Kapal ng mukha. Mas malaswa ka pa nga sa tae!" I retorted.

"Same vibes na ba tayo no'n?" Aniya at bago humalakhak.

Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin dahil mali atang bumalik pa siya dito. Kainis. Kung mambubwisit lang naman siya 'wag nalang oy.

"Ano ba kasi 'yun?" I reiterated. He then stopped himself from laughing.

"Kaya ako pinatawag kanina kasi may potensyal daw ako sa pagsusulat," he proudly said, napakunot noo naman ako sa narinig.

My Ultimate Campus Crush(REVISING)Where stories live. Discover now