Dapat noon pa!

Dapat sinabi na niya nung umalis siya.

Maiintindihan ko naman.

E 'di sana hindi ganito kagulo ngayon.

E 'di sana di kami nasasaktan nang ganito.

E 'di sana...

baka...

kami pa rin.

Pero alam kong nandiyan na rin si Ian.

He's been there when I was in my darkest days.

Siya yung nag-alaga sa akin nung mga panahong wala si Erik.

And alam ko, ramdam ko, mahal na mahal ako ni Ian.

Posible bang magmahal ng dalawang tao?

Oo, posible.

Pero siguradong meron at merong mas matimbang.

Ang tanong lang...

Sino?

"Alexa?" Tawag ni mama, sabay pasok sa pinto. Ngumiti ito nang bahagya. Alam niya yung sitwasyon ko.

I smiled weakly.

Hinawakan niya ako sa balikat. "May bisita ka sa labas." 

"Sino po?" Tanong ko.

"Si Erik." Mahinang sagot ni mama. "I think it's time para magkausap na kayo."

Tumango ako. Hinigpitan ni mama yung hawak niya sa akin at umalis na.

Ilang sandali pa, bumaba na ako at lumabas. Nakita ko si Erik sa may terrace ng bahay, nakatayo at nakatingin sa malayo. Naramdaman niya ata na nandun na ako kaya humarap siya sa akin.

Ngumiti ito nang makita ako. Tumango lang ako.

Umupo kaming dalawa. Tahimik lang kaming dalawa, naghihintay sa galaw ng isa't-isa hanggang sa nagsalita na ako.

"Alam ko na lahat." Sabi ko.

"Sorry." Sabi naman nito.

"Bakit ngayon lang?" Tanong ko.

"Natakot kasi ako. Nung umalis ka sa resort, gustong gusto kitang habulin. Kaya lang baka kako galit ka pa rin sa akin dahil sa nangyari. Hindi kita pinaglaruan Alexa. Oo, sa pustahan lang nagsimula lahat pero nung makilala na kita, nag-iba na. Itinigil ko na yung pustahan mula nang ma-realize ko na nahuhulog na ako sa'yo." Sabi niya.

Huminga ako ng malalim. Pinipigil kong wag umiyak.

Ang hirap.

Ang sakit sa dibdib.

Pero totoo lahat.

What we had was real.

"Sorry rin. Sorry kung 'di kita nabigyan ng chance mag-explain." Sabi ko.

Napansin kong medyo namumula na rin yung mata ni Erik. 

Yumuko ako. Pag nakikita ko si Erik, mas lalo akong nahihirapan.

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Where stories live. Discover now