14 Glance and there...

Magsimula sa umpisa
                                    

"You're so right, Sir Uy! Sa ilang taon ba naman na pagkakaibigan ninyo lalong lalo na sa Papa ni Roman, sure na sure na hindi kayo madi-dissapoint."

Right. Nandito din pala si Howard kasama sa meeting.

"So, gabi na rin naman, wala ba kayong planong magkakaibigan na mag-bonding? Mag-party pagkatapos ng trabaho?"

"Oh! About that Sir, we have actually."

Really? Wala naman silang plano na lumabas pagkatapos nito. Gusto lang niyang umuwi at magpahinga.

Patuloy nito. "We we're going to have a good time! Sama kayo para mas enjoy!"

Tinignan niya ito ng masama. Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito sa matanda?

"Really? That sounds interesting. Well, kahit medyo matanda na ako eh, pwede pa rin ako makikihalo sa mga kabataan ngayon. So, saan ba 'yan?"

"Um, Sir Uy. I don't think alam mo kung anong tintutukoy ni Howard. You knew how much he loves hanging out, especially in the club."

"What? Of course, I know what he meant."

"Huh?"

"Kaya nga sasama ako sa inyo, 'di ba? I can still party."

Siniko siya ni Howard at binulungan siya. "Are you insane? Kaya nga tumagal 'yan sa inyo dahil sa'kin. Huwag kang kill joy. Anong akala mo wala ng karapatan na mag-party ang matanda?"

"Fine. But huwag na huwag mo akong isasali kung may mangyari sa kanya."

"I can't assure."

"What?!"

"Well, kung sasama sa amin I'm very sure walang mangyayari kay Sir Uy."

"Fine!"

"Yey!" Inakbayan nito ang matanda. "Let's go! Sir Uy, hinding-hindi ka magsisisi saan tayo pupunta. I'm very, very sure na mapapasayaw kayo doon."

Napabuntong hininga na lamang siya. Kapag nandito si Howard sa opisina, parang dumagdag pa yata ang stress niya. Now, sasama pa siya dahil isinama nito ang kanilang bisita.

Dinala sila ni Howard sa isa sa paborito nitong club. Isa din ito sa sikat na club sa city. Marami ng tao sa labas pero mas marami ang tao pagpasok nila sa loob. He is concerned because may kasama silang matanda. Baka anong mangyari nito dito.

"You like the atmosphere so far, Sir Uy?!" tanong ni Howard sa matanda.

"Sure, I am! It's so lively in here!"

Tinawag nito ang waitress at sabing igaya si Sir Uy sa kanilang magiging table.

"What is wrong with you? Gusto mo ba mapahamak pa tayo sa pinagkakagawa mo? Papaano kung malaman ito ng asawa niya?"

"Sus! Relax, will 'yah?! Kita mo naman na game na game ang matanda sa'tin tapos ikaw pa itong masyadong kill joy. Alam mo, walang makakaalam kung hindi mo sasabihin. At huwag ka ngang paranoid d'yan! Alam ng mga taohan pati ng mga customers ang rules dito. Walang kakalat na issue tungkol kay Sir Uy pati na sa ating dalawa, okay? Okay?!"

"That's not the point!"

"No point and you're pointless. Kaya nga isinama kita dito para makapag-relax. Alam mo naman gaano ka na-stress dahil sa anak ni Francisco so, this is the time to slow down. Have some drinks and also mingle with some sexy hot ladies here!"

"I'm not like you, Howard."

"Oh, shut up! You're also a prev! Halika na at hinihintay na taoy ni Sir Uy!"

'Pag may sinabi siya, babarahan naman siya ni Howard. Hays... kung hindi lang niya ito kaibigan, kanina pa niya ito sinipa sa mukha.

Umupo siya at umorder ng maiinom. Medyo maingay at marami din ang nageenjoy sa pagsasayaw. Typical club. Kita din niya na nageenjoy ang dalawa habang kinakausap ang dalawang babae. Madali lang talaga ma-influence ng ibang tao si Howard. And he's also right. Recently, naste-stress siya sa trabaho at nasali pa ang stress niya sa anak ni Francisco. He's trying to find her pero wala talaga siyang nakukuhang updates. Maybe Howard was right. Baka nakauwi na 'yun sa kanila. It's been two (2) weeks since pinuntahan niya ang abandonadong bahay ni Francisco. The last time he saw was the girl's belongings na iniwan sa bahay. That's all. He wanted to help her pero hindi niya alam anong gagawin niya.

Natigil siya sa paginom ng may nasilayan siya sa 'di kalayuan. Sa may bar counter, may nakita siyang isang babae na nakasuot ng maiksing uniform na suot-suot ng mga waitress ng club. Pilit niyang tinititigan ang babae. Pamilyado masyado ang mukha nito. Nakangiti ito habang may kausap ng dalawang lalaki. Hindi niya mawari pero bakit nakita na niya ang babae na iyon.

Oh my god. Couldn't be...?!


To be continued.

"Let the story begins..." –L.X.

If you like the story so far, kindly leave a VOTE and Comment what your thoughts about the story. See you in the next chapter!

The Billionaire's AdoptedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon