Ika-dalawampu't Isang Bahagi: Buhay nga Naman Life

70 3 0
                                    

October 03, 2015. (3:15-4:00 pm)

Gawin mong makabuluhan ang paglagi mo sa mundo, sabi nga sa aklat na Buhay na Hindi Bitin, “God made you for a reason at hindi ka aksidente.”

Our life is our choice, lahat ng bagay na nangyayari sa atin o maaaring mangyari sa atin sa araw-araw ay resulta ng ating mga desisyon at mga ikinikilos sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Walang sinoman ang maaaring kumontrol nito liban sa atin. Oo, maaaring may ibang mga elemento ang maaaring makaapekto rito, pero sa huli tayo pa rin ang nakaaalam at may kakayahang makatukoy ng mga bagay na maaaring maganap sa ating buhay...noon. ngayon at maaaring sa hinaharap.

Life is full of uncertainties...full of challenges and different surprises. Sobrang mahiwaga ang buhay at walang nakatitiyak ni isa sa atin kung ano ang maaaring maganap sa hinaharap. Pero kung anoman ang kahantungan nito pagdating ng araw, tayo pa rin ang may kakagagawan nito, pagkat anomang bagay na ginawa natin noon at ginagawa natin sa kasalukuyan ay labis na nakakaapekto sa kung ano ang mangyayari sa atin sa hinaharap—kabiguan o katuparan ng mga pangarap. Kung anoman ang maging resulta—maganda man o panget—walang sinoman ang dapat nating sisihin o pasalamatan pagkat ang lahat ng mga iyon ay tayo ang may pananagutan.

Are you a winner? Or you are a loser? Whatever life gives you do not condemn our creator. Wala siyang kinalaman sa mga pinaggagagawa mo sa buhay...He had given you your role to portray at ikaw na ang bahala sa magiging daloy nito...dahil una sa lahat ikaw ang may hawak ng buhay mo at hindi siya. Oo, sabihin na natin na may script, but still you have your free will to choose kung susunod ka ba sa plot na ginawa niya para sa iyo, o sasalungat ka rito.

Life is a long journey; you really don’t know where it goes and how long does it takes. Sumabay ka lang sa agos ng buhay dahil kahit kailan hindi ka nito sasabayan. Hindi natin hawak ang buhay natin, though tayo ang nagpapatakbo nito. Oo, we have our free will to choose and to decide, but still hindi natin kontrolado ang ibang kaganapan bungsod ng iba’t ibang entitedad—mga pangyayari, bagay o mga taong nakapaligid sa atin. Kaya nga hanggat maaari iba pa rin ang nag-iingat.

Life you’ll see is a process; it comes step by step—one at a time. Ang buhay natin ay dumaraan sa iba’t ibang proseso tulad ng isang produkto bago ito humantong sa finish product nito...mula sa mga raw materials na pinagsama-sama hanggang sa iba’t ibang prosesong pinagdaraanan nito bago makamit ang kanyuang lubos nito. Pero kakaiba ang prosesong pinagdaraanan nito—walang katapusan dahil ang ating kaanyuan, panloob o panlabas man ay patuloy na nagbabago dahil sa walang hanggang proseso ng buhay.

Life is like music. It can be loud, soft, happy or sad song...pero hindi iyon ang isyu. Maganda man o panget ang boses mo, nasa tono man o wala, handa ka dapat sumabay sa himig nito hanggang dulo. Iba-iba man ang bumubuong tunog sa musika ay nagdudulot pa rin ito ng kapayapaan sa atin puso, sabi nga nila sa pamamagitan ng kanta, naipararating natin sa iba ang damdaming pilit nating hinahanapan ng tamang salita na tanging musika ang nakapaglalarawan sa ating nadarama.

Life is love and to love is to live. God created us for one reason, “to spread love”. Why do you think God created us? Para sirain ang mga bagay na ipinagkaloob niya? Ang manakit at manira ng kapwa natin? Ang maghasik ng kasakiman sa mundo? Ang paghariin ang galit at inggit sa puso ng bawat isa? Ang mag-away-away? Hindi, he created us for one and only reason and he had created us out of love. Nilikha niya tayo nang dahil sa pagmamahal at nilikha niya tayo para sa pagmamahal.

Life is like a dance, ‘di ka man makasabay sa tunog, pareho mang kaliwa ang iyong mga paa...sabay lang sa pag-indak. Magkanda-tapilok ka man, sumakit man ang iyong kalamnan, wala ka man sa ritmo ng tugtog ang mahalaga ay hindi ka sumuko makahabol ka lang. Wala naman 'yan sa pagiging mahusay mo, kundi sa kompiyansa at pagtiya-tiyaga mo kahit na gaano pa kahirap ang isang bagay. Tandaan laging nasa huli ang pabuya, ang premyo mo sa lahat-lahat ng iyong pagsusumikap.

“Life is a race: if you don’t run, you’ll tremble”—Prof Viru S. of 3 Idiots. When you’ve reached your finish line it doesn’t mean that you are already a winner, it means that your life here on Earth had already come to its end. Life is a long race...isang walang katapusang karera na ang hangganan nito ay mararating mo lamang sa sandaling sumuko ka na sa laban ng buhay. Kaya hanggat malakas ka pa at kaya mo pa, huwag kang sumuko...nakakapagod man, pwede ka namang magpahinga. Tandaan: hindi solusyon ang pagsuko kapag tingin mo ay ‘di mo na kaya. Pahinga lang ang katumbas n’yan, samahan mo na rin ng pag-iisip ng mga taktika upang makatagal ka, pero sana lang ay huwag mong maisipang mandaya. Mas masarap namnamin ang reward na pinaghirapan, kaysa sa reward na nakamit sa mahiwagang paraan.

Aklat ng BaliwWhere stories live. Discover now