Ikalabing- Anim na Bahagi: Ang Sistema at ang Tao sa Likod ng Sistema

107 3 0
                                    

Ika-17 ng Disyembre, 2014

Ang bahaging Ito ay matagal ko nang nasulat hindi ko lamang matandaan kailan. Obviously ang bahaging ito ay may kinalaman sa lipunang ating ginagalawan.

Halina at ating tunghayan kung ano nga ba ang nilalaman ng bahaging ito.

ANG SISTEMA AT ANG TAO SA LIKOD NG SISTEMA

Hindi ko alam kung anong aspeto nitong ating lipunang ginagalawan ang may problema. Ang sistema ba, o ang tao sa likod ng sistema?

Ang sistema ang basehan, ngunit ang tao sa loob nito ang nagpapagalaw. Kung maayos ang sistema ibig sabihin magaling ang namamahala, ngunit kung bulok ang tao sa likod nito ibig sabihin bulok na sistema ang iiral dito. Sabi nga ni Gat. Jose Rizal "Tal pueblo, tal gobierno", sa makatuwid walang kinalaman ang sistema pagkat hindi naman ito kikilos kung wala ang mga tao sa likod nito. Kaya hindi natin dapat sabihin na bulok ang sistema ng ating lipunan, bagkus bulok ang tao sa likod ng sistema. Para silang mga kalawang at anay na unti-unting sisira sa pundasyon ng ating lipunan, ng ating bansa. Madalas maririnig natin na sinasabi nilang dapat nang baguhin ang sistemang umiiral sa ating bansa upang higit tayong umunlad, ngunit hindi ba nila naisip na hindi naman dapat ang sistema ang binabago? Higit at mas nararapat na ang mga tao sa likod ng sinasabi nilang sistema ang magbago?

Paanong uunlad ang ating bansa kung ang mga tao mismo sa likod nito ang pilit na naglulugmok dito sa putikan? Walang masama na maghangad ng maganda para sa sarili at para sa bayan, ngunit ito dapat ay sa maganda paraan.

Tandaan anomang bagay na ginagawa mo o ginawa mo ay babalik din sa 'yo..

Madaling magkailang wala ka ngang kinalaman, pero ito ang tatandaan mo lalabas at lalabas ang katotohanan. 'Di man ngayon, pero sa takdang panahon.

Hanggang dito na lang, ayoko nang magsalita, este magsulat pala mahirap na baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong maglahad ng aking opinyon, pero alam ko naman na nakuha n'yo ang punto ko at sa ngayon may mga bagay na naglalaro sa inyong isipan lalo na at tila napapanahon ang paksang ito.

Aklat ng BaliwWhere stories live. Discover now