Ikasampung Bahagi: Pampamily

136 5 0
                                    

Ika 29 ng Hunyo, 2014 (11:05 am – 1:15 pm)

Ngayon lang uli nakapagsulat, wala lang bigla ko lang naisipang dustungan to ngayon.

Namiss ko kasi tong Aklat ng Baliw kaya yon naisipan kong basahin yung SC hanggang sa maramdaman kong gusto kong magsulat yon nga lang wrong timing pa rin ang dami ko kasing dapat gawin ngayon pero imbes na unahin yon nakuha ko pang harapin ang pagsusulat ko. Nakakapaghintay kasi yon pero yung takbo ng ideya sa isipan ko mahirap ng pigilan lalong mahirap habulin.

Itong bahagi na to ay ngayon lang huhulagpos sa isipan ko, bahala na kung anong kauuwian nito basta magtataype lang ako susundan ko lang yung takbo ng ideya sa isipan ko.

I think the reason why kung bakit biglang naramdaman kong gusto kong dugtungan ng panibagong bahagi ang Aklat na ito sapagkat ang daming nangyari nang nagdaang araw lalo na nung June 26 so malamang gaya nung ginagawa ko sa klase namin kapag values more on sharing lang.

PAM-PAMILYA

Family is the smallest yet the primary unit of our society.

Ano ang pamilya?

Sino-sino ang tinuturing mong pamilya?

Ilan lamang yan sa mga tanong na ipinukol ko sa mga mag-aaral nang magsimula ang aming aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Halos lahat sila pare-pareho ng konsepto tungkol sa pamilya. “Ang pamilya ang sandalan sa lahat ng pagkakataon, na sa pamilya dapat ay nagtutulungan at nagmamahalan” at kung anu-ano pa. Tsk. Obviously that was the kind of family they are all wishing to have “their ideal FAMILY”.

Ewan ko ba pag ito ang topic di ko mapigilang hindi magbahagi, kundi man ay magparealize ng mga bagay bagay. Naalala ko noon sabi ko nung unang araw na talakayin namin ito (June 5), “ang pamilya ang pinakamakapangyarihang yunit ng lipunan maaari itong bumuo o sumira”. Bukod pa roon sinabi ko rin sa kanila just for them to realize something ewan ko lang kung natauhan sila. “H’wag n’yong sisihin ang mga magulang n’yo kung nagkakaganyan kayo. Oo, maaaring nagkulang sila sa inyo pero ni minsan hindi nila kasalanan ang kung bakit kayo nagkakaganyan, buhay n’yo yan, kayo ang nagpapatakbo n’yan. Kaya bakit n’yo sisisihin ang mga magulang n’yo kung bakit n’yo itinatapon ang buhay n’yo. Kagustuhan at disisyon ba nila na magkaganyan kayo. Hindi, buhay n’yo yan at choice n’yo yan.” somewhat ganyan yung sinabi ko i forgot the exact line.

At sa unang pagkakataon may tatlong estudyante yung umiyak sa harapan ko sa isa kong klase, di ko inexpect yung bagay na yon I’m just sharing may experiences even my thoughts and views about family then afterwards nakita kong umiiyak na yung ilan sa kanila. Masyado talagang sensitibong lesson ang family, hanggang sa nagshare na sila. At first natulala ako sa isang nalaman ko, hindi agad ako nakapagreact. I really want to comfort him pero di ko alam kung paano una dahil ayokong isipin n’yang kinakaawaan ko s’ya though I know that symphaty is different from pity. Pangalawa ayokong isipin ng mga classmate n’ya na kaya ganoon ako ay dahil sa favourite ko s’ya. Patas akong tao at ayoko ng favoritism siguro nagkaroon ako ng empathy sa kanya alam mo yung ang bait n’yang bata, sweet at matalino pa. Di ko tuloy lubos maiisip.

From that moment naging malapit sakin yung bata pero siempre medyo distant din ako ayoko kasi ng isyu actually marami sila na lumapit yung loob sakin right after that discussion pero s’ya yung pinaka naging malapit lagi s’yang nagmamano tapos pagbreak nila binabantayan n’ya ko sa labas nung klase ko after ko sa kanila. Kung kapatid ko lang s’ya I wont allow anybody to treat him that way. Pangarap ko kasisimula pagkabata ang magkaroon ng kapatid na lalaki yon nga lang malabo puro kasi kami babae.

Akala ko doon na matatapos ang lahat, yung dramahan sa klase pero hindi pa rin pala, tapos nasali pa ko sa iyakan. June 26 to nangyari, dahil next lesson na kami pero same topic pa rin medyo iba na yung approach sa pagkakataong ito mas marami yung umiyak pero mas marami pa rin yung tila walang paki-alam though I know they are just keeping it inside their hearts ayaw nilang ipakita sa iba ang kahinaan nila dahil ang gusto nilang ipakita ay ang katigasan ng puso nila.

Aklat ng BaliwWhere stories live. Discover now