Ikadalawampong Bahagi: Forever

111 4 0
                                    

Ika-12 ng Hulyo, 2015 (11:00-11:45 pm


Matagal din no'ng huli akong nakapagsulat, at ngayon nga ako ay muling nagbabalik. Ipagpaumanhin abala lamang ako ngayon at iba ang buhay ko kapag may pasok.


FOREVER


Lately naging trending sa social media ang #walangforever at #mayforever. Pati ang nananahimik na si forever idinamay nila sa ka-bitter-an at kadramahan nila sa buhay. Inaano ba sila ni forever? Does forever exist? Or it is just an illusion for those who are not sure about it? May forever nga bang talaga o isa lamang ilusyon ang lahat. Seriously speaking, kung literal na forever ang hanap ng tao siguradong malabo nilang mapatotohanan kung mayroon nga nito. But I'm not saying na wala talagang forever, because for me, "forever is a feeling that it will last forever". Ang pagkakaroon o kawalan ng forever ay isang mahabang diskusyon, kumbaga isang pagtatalong walang patutunguhan pagkat bawat isa sa atin ay may iba't ibang paniniwala o pananaw sa buhay ukol sa mga bagay-bagay. Kumbaga para ka lang nag-ubos ng lakas sa isang bagay na walang pinatunguhan.


Kapag bitter o taong sawi sa pagmamahal—mga ka-bre-break lang, niloko, binasted, lihim na nagmamahal sa taong may iba namang mahal—ang tinanong mo tungkol sa forever, naku sigurado nang WALANG FOREVER ang itutugon nila, baka nga ibalik pa nila sa iyo ang tanong. Kundi man baka kwentuhan ka pa ng dahilan kung bakit walang forever.


Kung mga inlababo o mga taong committed naman ang tatanungin mo, well huwag ka nang magtaka kung MAY FOREVER ang magiging tugon nila. Huwag ka, may matching tanong pa 'yan sa ka-partner na, "'Di ba bhe, may forever tayo." Pero huwag ka, kapag dumating sa punto na tapos na ang lahat sa kanila—particularly those teens na kagagaling lang sa heart break—#walangforever ang isa sa una mong mapapansin sa status nila. Ano 'yon galawang bitter-an lang. No'ng sila pa #mayforever, nag-break lang #walangforever agad. Tapos ano, kapag may bagong pag-ibig, meron na ulit? Sino ba talagang niloloko niyo?


Ano nga ba ang Forever? Based on my own point of view, let just say that forever is somewhat like, bagay na hindi mo nakikita o bagay na hindi umiiral—pwedeng maniwala ka, pwedeng hindi. Para rin itong hangin—nararamdaman mo pero 'di mo naman nakikita o nahahawakan. To make it clear—ang forever something na hindi nag-e-exist pero naniniwala ka. Parang ganito: pwede rin nating sabihin na ang forever ay parang isang magic, kahit maaaring ilusyon lamang ito ay naniniwala ka pa rin pagkat nagdudulot ito ng kakaibang galak sa iyong puso. Kumbaga, forever do exist in the heart of people who believe on it...it is just a matter of believing, not a matter of questioning its existence. Gaya nga nang sabi ko kanina, "forever is a feeling that it will last forever". But empirically based speaking—i just don't know if tama 'yong term ko na empirical—'yong mas naniniwala sila kapag nag-e-exist ang isang bagay malamang sa ang sabihin nila ay wala. But generally speaking, many people believe on it, minsan nga lang nakakaapekto ang relationship status nila sa paniniwala nila ukol dito.


Kung ikaw ang tatanungin ko, "Naniniwala ka ba sa forever? Bakit? Ipaliwanag." Isulat ang iyong kasagutan sa isang buong papel, 10 points ang katumbas nito kaya paghusayan mo ang iyong paliwanag. Para masaya try mo kayang mag-survey sa limampung katao ukol sa bagay na iyan—isipin mo na lang ay may mini research ka tungkol sa forever. Pero kung gusto mo na man pwede sa pamamagitan na lamang ng social media: like facebook or twitter ka magtanong, malamang sa magiging trending pa iyang post mo.


Siya, hanggang dito na lamang ang lahat, mahirap na baka maligaw pa tayo ng talakayan. Pero isa lang ang masasabi ko, "Huwag mong hayaang masapawan ng damdamin o ng mga kaganapan sa buhay mo kung anuman ang mga bagay na pinaniniwalaan mo."


Paalala: Tantanan niyo na si forever, wala namang ginagawa sa inyo, pero malimit niyong idawit sa kadramahan at pagpapabebe niyo sa buhay. Please lang huwag nang pagtalunan ang isyu kung mayroon ba talaga nito o wala—bukod sa nag-aksaya na kayo ng laway, nagsayang lang rin kayo ng oras.


Ang dikusyon sa kung may forever ba o wala ay parang isang bilog, paikot-ikot lamang at walang katapusan.

Aklat ng BaliwWhere stories live. Discover now