Ika-Dalawampu't Limang Bahagi: Why You Single, Girl?

24 1 0
                                    

Ika-12 ng Pebrero, 2021 (12:00 - 1:00 am)/
Ika-27 ng Abril, 2021 (12:20 - 12:55 am)

In this generation, parang malaking kasalanan na kapag tumuntong ka ng edad na 30 ay single ka pa rin at parang mas kasumpa-sumpa pa kung NBSB kang matuturingan sa edad na tatlong dekada.

Why are you still single ba kasi, girl?

Tuwing tatanungin ka nila parang gusto mo na lang kainin ng lupa kasi 'di mo alam kung saan ka pupulot ng isasagot. Kahit na sabihin mo pa ang totoo, alam mong nandoon ang pagdududa sa mga mata at himig nila. Na parang kasalanan mo pa kung talagang walang dumating at nagparamdam.    Uso pa rin naman kasi si "Maria Clara" sa kabila ng marami na ang "Dalagang Pilipina, yeah".

Kasalanan ba talagang maging NBSB ka sa panahong mabilis at madali na ang lahat? Bakit, bawal ba ang magpa-demure? Kasalanan bang maging hopeless romantic? Mali ba na iba ang pananaw mo sa love kumpara sa karamihan? It's not about setting high standards, e. It's about how you feel. It's all about yourself, your future indeed kaya marapat lamang na maging maingat ka. Marapat lamang na alagaan mo ang puso mo at i-reserve mo ang sarili mo to the most deserving one--to the one who is destine to be part of your life for a life time.

I know that fantasy or fairytale is far different from reality, that there is no prince charming that will sweep your feet of the ground. But I do believe in the magic of love--something that you can't explain, an emotion that you can't contain.

E, bakit nga single ka pa rin, girl?

Once a upon a time, sa malayong pook ng Babylonia...charot!

I had witness a lot of failed relationships...I had witness some infidelity. I had witness lots of broken hearts. There are a lot of reason to loose hope for love or never believe on it, but I never did I. Yes, I am indeed afraid of it, but deep inside my heart I know that I am longing for it, but never will I beg for it.

E, bakit nga single ka pa rin, girl?

It is by chance, but will never be a choice. Yes, everybody wanted to be loved, so do I. It is just so happen that he haven't found my way back home. Este, 'di pa nagtatagpo ang landas namin. I still believe in spark, in butterflies and the unexplainable feelings. Yeah, it's kind old school in a generation that most people are being practical--that they choose someone for companionship, but at the end they will not end up together. Or some will choose someone, because of shallow emotions or the "let me be on in a reationship" thinking just to be in. Or the thinking that they don't want to be alone in the future. Yeah, I know that I may sound bitter, but mind you, I'm not bitter melon.

Why are you still single and not ready to mingle?

Hinihintay ko kasi siya. Siya na 'di ko kilala. Siya na 'di ko alam kung alam niyang may isang ako ang nag-e-exist sa mundong ito. I know, I'm kinda pathetic for still believing that love will comes along my way at the most unexpected way. Hirap talaga kapag laking PHR. Charot! Hirap talaga kapag frustrated romance writer ka. Pero never akong nag-set ng standard, I just wanted to feel the magic; 'yong pag-slow-mo ng paligid, 'yong parang may kabayong naghahabulan sa dibdib mo dahil sa bilis ng tibok ng puso mo. 'Yong para kang ice cream na natutunaw sa mga titig niya, 'yong panghihina ng tuhod mo kapag nasilayan mo siya. I just wanted to feel the magic again.

Yes, again... 14 years ago, when I was 16 years old that was the first time that I felt that strange feelings. Weird, but I felt so much joy and I can't contain my feelings whenever our world...way collided. Ito 'yong unang beses kong makaramdam ng ganoon. Ayon in-enjoy ko lang 'yong feeling, but never gumawa ng move. Alam kong alam niya pero never naman siyang umiwas dahilan upang mas mahulog ako at mahirapang makaahon. Charot! Wala nga kasing dumating. Huwag asyumera, matagal na akong naka-move on, este wala nga pala akong dapat ika-move on.

Bakit hindi mo subukang mag-move on, girl?

Matagal na panahon nang ang puso ko ay nakalaya. Ni katiting na nadarama para sa kaniya ay wala nang natitira pa. Matagal ko nang tanggap na ang lahat sa amin ay imposible kaya yaring puso, sa pag-ibig sa kaniya ay pinalaya na.

Ang hirap kayang mag-move on na wala ka namang dapat na ika-move on. Char! Mas madali pala 'yon kasi wala ka namang pinanghahawakan, wala ka namang alaalang patuloy na babalikan pagkat ang lahat ay isang ilusyon lamang.

Matagal na akong naka-move on pagkat gusto kong umusad dahil kung patuloy kong itatali ang puso ko sa pagmamahal sa kaniya, hinding-hindi ako magiging masaya pagkat alam kong walang katugon ang nadarama. Masakit man ang katotohanan dapat at marapat itong tanggapin dahil ito ang magpapalaya sa atin.

Why nga kasi you're still single pa rin, girl?

Una sa lahat, bago ang huli, iyan din ang tanong ko sa aking sarili...bakit nga ba?

Ang hirap namang sagutin ng tanong na 'yan. Charot!

Wala nga kasing dumating, wala ring nagparamdam. Hindi ko pa ulit naramdaman ang kakaibang damdaming lumulukob sa akin noon tuwing nasisilayan ang aking unang sinisinta. Sa madaling salita, wala 'yong magic.

Para kasi sa akin, napakalaking bagay ng nadarama at isa ito sa unang-una kong ikokonsidera kung sakali mang may dumating at magparamdam. Ayoko kasing pumasok sa isang relasyong walang kasiguraduhan dahil para sa akin ito ay life time commitment at kasiyahan ko ang nakataya.

Afraid ka ba na maging single forever, girl?

To be honest, half-half. Actually, a long time ago tuwing tinatanong nila ako tungkol sa bagay na iyon, never akong nag-worry. Sabi ko pa, bata pa naman ako. Pero ngayon, ang tanda ko na pala.  Parang kailan lang, 'di isyu sa akin ang bagay na iyon dahil nandiyan naman ang mga kaibigan ko. But when the time na unti-unti na silang magkakapamilya isa-isa, parang unti-unting nagkakaroon ng tanong na, kailan kaya ako?

But I still believe that God have a better plan for me, he's still writting the best plot for my love story. Charot! Pero kung anoman ang kalooban niya, buong puso ko itong tatanggapin. Kung tumanda man akong mag-isa, alam kong maraming nagmamahal sa akin. I still have my family, my friends and my students. O, 'di ba, ang taray lang.

Why don't you try to look for him na lang kasi, girl?

Naniniwala kasi ako na ang pag-ibig ay hindi hinahanap, na ito ay kusang dumadating. I know it's kind'a sound a fairytale which is untrue in this world, I still believe that there is someone who is destine to be part of my life. Kung sinoman siya, aba, pakibilisan niya. Charot!

Pero minsan naisip ko, hindi kaya naglalaro kami ng hide and seek na dalawa? Hindi kaya pareho kaming takot na sumugal? Kaya ayon, nagpapakiramdaman na lang at humahanap ng tamang tiyempo. Pero chicka lang 'yon baka naman kasi na-traffic lang siya sa EDSA kaya 'di pa nakararating sa aming tagpuan. Charot!

Kung sino ka man, napalilibutan na kita, kaya umamin ka na pagkat hawak ko ang kaligayahan mo. Charot!

--
Finally, nadagdagan na naman ng bagong bahagi ang ANB.

Dear Sus,

Sana, nawala na po ang Covid 19 at bumalik na po ang normal sa lahat.

Amen.

Aklat ng BaliwWhere stories live. Discover now