Ikalabing-Isang Bahagi: Ba-Lat

127 5 2
                                    

Ika-06 ng Hulyo, 2014 (5:45-6:20 pm)

Are you a writer or a reader?

Mahilig ka bang magbasa, o mas gusto mong magsulat?

Hi, Ako nga pala si ElEstranghero, also known as Naej sa Wattpad world kunwari sikat lang pero ang totoo hindi naman talaga. Isa akong reader noong bata pa lamang ako, pero nung naghigh school na ko mula sa simpleng mambabasa unti-unti ay lumikha ako ng sarili kong mga katha. Mula sa mga tula, hanggang sa ito’y maging sanaysay na kalaunan ay naging kwento at ngayon ay nagsisimulang gumawa ng nobela. Mahilig kasi akong magkwento at gumawa ng kwento. Di naman halata di ba?

Heto na naman ako dahil may bagong bahagi na naman ang Aklat ng Baliw, but this one should be the first part ng book pero dahil sa nakalimutan ko before kung saan ko naitago yung papel na pinagsulatan ko nito kaya ilalagay ko na lamang ito sa ikalabing isang bahagi. But hopefully kalaunan ay maa-ayos din ang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi nito para maging smooth yung flow.

I entitle this part as BaLat, BA for Basa and LAT for sulat. Pero kung titingnan sa ibang konteksto BALAT means the over all package or the presentation of a product.

So, simulan na natin ang bahaging ito.

BALAT

Anong pinagkaiba ng pagsusulat, sa pagbabasa?

Reading is boring while writing is exciting or the other way around dahil iyon ay depende sa tao.

Sa pagbabasa you will discover lot of things and you will learn a lot from it. Pero sa pagsusulat, you will discover lots of things inside you and you will learn something new about yourself. The same with people will learn with what you have written especially if your work make sense.But both of it has commonality, you have used your imagination when you are writing the same with when you are reading.

Madali lang ang magbasa, ngunit hindi ang magsulat. Kasi pag tinamad kang magbasa pwede mong itupi o tandaan ang page kung saan ka huminto at maaari mong ituloy kapag sinipag ka na. Ngunit kapag tinamad kang magsulat at mag-alsa-balutan ang mga braincells mo ibang usapan nay an, bukod sa hindi mo na alam kung paanong dudugtungan problema pa ang incoordination ng mga braincells mo.

Sa pagbabasa isang upuan lang pwede ka nang matapos, sa pagsusulat inabot ka na nang siyam-siyam kapos pa rin sa oras.

Sa pagbabasa iniimagine mo ang mga karakters at iniisip na sila ay ikaw. Pero sa pagsusulat pinagpapalagay mo na ikaw mismo ang karaters.

Sa pagbabasa katamaran ang kalaban, habang sa pagsusulat oras at pagkawala sa momentum ang pinakamahigpit na katunggali.

Sa pagbabasa ilang oras lang ang ginugugol mo, pero sa pagsusulat tila buong buhay mo handa mong igugol.

Sa pagbabasa matapos basahin ang akda, deadma na at ilalagay na lamang sa isang tabi. Pero sa pagsusulat kapag tapos na nakukuha pang yakapin at halikan ang mga ito.

Sa pagbabasa nakakarelate ka mismo sa kwento. Pero sa pagsusulat inere-relate mo sa iba o ibinabahagi ang mga karanasan mo.

See the difference between the two?

Ang buhay parang kwento lang yan tayo ang gumagawa nito, minsan tayo rin ang taga-kwento.

What do you want, to be a reader or a writer?

Basta kahit ano pa yan suportahan taka, but always remember do not push yourself into something that you’re not capable of.

Ano daw? Ewan di ko rin naintindihan. Basta laging tatandaan do everything that makes you happy, life is a long journey you really don’t know where it goes and how long that it takes. Sumabay ka lang sa agos ng buhay dahil kahit kailan hindi ka nito sasabayan.

Dito na nagtatapos ang bahaging ito, may naintindihan ka ba? Ako kasi wala. Anong klaseng balat ba ang meron ito? Sana ay hindi ito isang mapag-BALATkayong akda.

“Thank you SUS for this wonderful day, please guide me and lead me always to the right track. Amen.”

Aklat ng BaliwNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ