Ikalabingdalawang Bahagi: Magulang

159 5 0
                                    

Ika 20 ng Hulyo, 2014 (1:10 – 3:15 am)


I'm still awake, obviously sinipag na naman kasi si braincells magsulat, ngayon lang kasi uli ako nagkaroon ng time para mapagtuunan ng pansin ang aking pagsusulat. Ngayon nga ay panibagong bahagi na naman ang ating matutunghayan. Well, how did I come up with this? 'Yong totoo wala uli ito sa plano, you know what I mean. Hindi ito kasama sa mga nagawa ko before, ngayon ko lang iisipin ang bagay na' to. Ang totoo niyan, I am about to sleep na, kaso may naglalaro sa isipan ko...kaysa makalampas, bakit hindi ko kaya subukang habulin. Kaya heto na naman akong muli.


Bago ko simulan ang bahaging ito, may mga tanong akong kahit alam ko na 'yong sagot madalas pa rin akong naguguluhan. Pero sabi ko nga sa lesson namin sa values; laging dalawang bagay lang 'yan at laging magkasalungat, kaya marapat na magmeet half-way para mabigyang linaw. At dahil nga opposite madalas, may misunderstanding and misleading. Lahat gustong magsalita walang balak na makinig. That's part of life and part of being a human—Filipino.


Ang lahat ng bahagi ng aklat na ito ay pawang mula sa perspektibo ko lamang, kaya malamang marami rito ang napapataas ang kilay, nagtatanong o naiinis, pero mas malamang marami ang naiinis, kasi ang gulo ko at ang gulo talaga ng mga gawa ko. Well, h'wag ka nang magreklamo nakikibasa ka na nga lang, at least ako ito sinasabi 'yong mga napapansin ko, ikaw ano nakaupo sa isang tabi walang pakialam may mga napupuna kang mali, ngunit wala ka namang ginagawang aksyon. Well it's your choice, habang ako ito ang choice ko.


'Yong totoo ginugulo at inililigaw ko na naman kayo. Aaminin ko, maging ako naguguluhan ngayon pagkat dalawang ideya ang naglalaro sa aking isipan at hindi ko alam kung ano ang uunahin kong gawin: 'yong dahilan ba kung bakit ako 'di makatulog o 'yong lesson namin no'ng nakaraang araw?


Okay, bahala na kung ano 'yong ita-type ng kamay ko, bahala na kung anong iniisip ng aking hypothalamus. Let's get ready to rumble.



MAGULANG



"Madaling maging magulang, pero mahirap magpakamagulang," isa 'yan sa madalas nating naririnig mula sa karamihan, na sadyang totoo naman. Ang pagiging magulang madali lang 'yan, bakit? Well, nanay at tatay ka lang nothing more nothing less. Pero ang pagpapakamagulang mahirap 'yan, bakit? Kasi in-a-assume o ginagampanan mo 'yong responsibility mo as parent, you are doing your part to raise your child/children on the best way that you can. Nakita n'yo ang differences?


Magulang ka lang, kung matapos mo silang iluwal sa mundo ay wala ka nang paki-alam sa kanila, magulang ka lang, kung ibinibigay o tinutugunan mo lamang 'yong kaniyang basic needs without having any commitment on it. Samakatuwid ginagawa mo lang ang bagay na 'yon kasi dapat at nararapat na pakainin mo sila, bigyan ng damit at tirahan, idagdag pa ang pagpapa-aral. Pero kung wala ka namang pakialam sa kanila, matatawag mo bang isa kang tunay na magulang?


Ikaw ang tinatanong ko, h'wag mo 'kong tingnan nang ganiyan.


Ang pagiging magulang mo ay hindi natatapos sa pagluluwal mo sa kanila, hindi rin sa pagbibigay at pagtugon sa mga pangangailangan nila. Tandaan mo: tao ang anak mo, kahit nga hayop nangangailangan ng pagkalinga, pagsubaybay at pag-aalalaga mula sa kanilang mga magulang, ang kaibahan lang natin sa kanila may damdamin tayo. Damdaming naghahanap, damdaming nasasaktan. Kaya nga marahil maraming kabataan sa kasalukuyang panahon ang naliligaw ng landas ay dahil na rin sa aspeto o dahilang iyon, kulang sa paggabay at pagkalinga na nagmumula sa kanilang mga magulang. Ang mga bata kasi mapaghanap, naghahanap ng mga bagay na hindi nakikita at hindi nahahawakan, kundi bagay na nadarama: ng pagmamahal at atensyon, habang sa paningin ng mga magulang akala nila sapat na ang pera o gadgets para ipakita o iparamdam ang pagmamahalan nila, pero ang totoo dahil dito mas pinalalayo nila ang loob ng kanilang mga anak. Sasabihin ko iba ang mentalidad ng kasalukuyang kabataan ng ating henerasyon ngayon. Kita naman ang ebidinsya, 'di ba mga dung?

Aklat ng BaliwWhere stories live. Discover now