Ika-dalawampu't Tatlong Bahagi: Things You Should Know About School Academics

84 4 0
                                    

Agosto 21, 2017 (12:46 am-3:00 am)

Alam kong napaisip kayong bigla sa pamagat ng bahaging ito. Huwag kayong mag-alala, ako rin naman ay napaisip kung bakit ito ang ipinamagat ko.

Nagtataka rin kayo marahil kung bakit school related ang topic, gayong pangkaraniwan ay buhay ang tinatalakay ko sa akdang ito. Kasi...kasi naisip ko lang bigla ngayon. Lahat naman ng laman nito bigla-biglang sumusulpot nang wala sa plano, parang buhay, na kahit gaano pang pagplaplano ang gawin mo, sa huli iba pa rin ang mangyayari--malayo sa inaasahan mo. Pero seryoso na, kasi 'di ba, malaking bahagi ng buhay natin partikular na ang kabataan natin ay umiikot sa paaralan. At sigurado akong isa sa naging litanya mo noon, "hindi ko naman magagamit 'to pagdating ng araw." Siguro nga hindi lahat, pero alam mo bang may lihim na aral na hatid ang bawat asignaturang pampaaralan, na sa sobrang dami nito baka makagawa ako ng isang aklat kung iisa-isahin ko. Pero dahil sa tinatamad ako at medyo inaantok na rin at mukhang malapit nang bumigay si braincells anomang sandali, doon tayo sa pinakamaiksi habang sinisipag pang mag-generate ng ideya si braincells.

Nakaka-miss din palang magsulat ng ANB sa gabi, kaya malamang parang may sanib na naman ang mga katagang aalpas sa kaibuturan ng aking puso at isipan--akala mo talaga, writer...feeling-era lang naman. Ahahahah! Pasensiya na, gabi na naman kasi kaya malakas ang sanib ko.

Gusto ninyo na bang malaman ang laman nito? Huwag kaying mag-alala ako rin ay exited na, pero huwag tayong atat baka kasi maunsyami pa 'yong ideya.

So, simulan na natin?

Things You Should Know About School Academics

Ano ang paborito mong asignatura?

Alam kong minsan nang may nagtanong sa iyo niyan na magiliw mo namang sinagot kung ano at kung bakit ito ang paborito mo.

Ano 'yong pinakaayaw mong asignatura?

Sigurado ako na kung hindi Math ay Araling Panlipunan. 'Yan kasi ang pinakaayaw ng maraming kabataan ngayon, may kasama pang hugot 'yan kapag sumagot

Lahat naman tayo may kinagigiliwan at may inaayawan na asignatura. Minsan pa nga dahil ayaw natin sa guro, inaayawan na rin natin 'yong asignatura. Minsan naman dahil gusto natin 'yong guro at nagagalingan tayo sa kanila, kahit ayaw natin ay nakukuha nating magustuhan dahil sa kanila. Minsan kasi may mga dahilan din kung bakit natin nagugustuhan o inaayawan ang isang bagay hanggang sa dinadala na natin 'yon kalaunan.

Tutal napag-usapan na kung ano ang paborito at pinakaayaw mong subject, itatanong ko na rin kung sino ang paborito mong guro at medyo ayaw mo?

May naalala ka ba sa iyong nakaraan? Baka naman pati seatmate mo naalala mo nang dahil sa tanong ko, lalo na kung siya pala ang inspirasyon mo?

Bago ako maligaw nang tuluyang at hindi makarating sa paroroonan dahil puro na naman ako pasakalye, simulan na natin.

Filipino, English, Mathematics, Science, Araling Panlipunan (AP), Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP), Technology and Livelihood Education (TLE) at Music, Arts, Physical Education and Health (MAPEH), ang 8 asignaturang bumubuo sa kurikulum ng sekondarya o hayskul. Ang bawat isa sa mga ito ang humahasa hindi lang sa isipan kundi sa kakayahan ng mga mag-aaral--ang tumuklas ng mga bagay na hindi nila akalaing kaya nila. Kung tutuusin, masyadong masalimuot ang landas na tinahak ng bawat asignatura tungo sa pagbabago para higit na maging globally competitive ang mga mag-aaral ng kasalukuyang panahon. 'Yon nga lang, hindi pa ganap ang pagbabago at hindi pa gaanong nagagamay ang nasabing pagbabago. Pero siguradong sa huli, magiging patag din ang daan tungo sa tagumpay.

Parang masyado ata akong seryoso, may sakit ba ako? Paano ko didiskartehang ipasok ang mga hirit ko kung seryoso ang banat?

May alam ka bang hirit o hugot tungkol sa mga asignatura? Ako kasi mayroon, malay mo pareho pala tayo.

Aklat ng BaliwWhere stories live. Discover now