Ikalawang Bahagi: I Want Fruit Salad

284 5 0
                                    

I WANT FRUIT SALAD (version 2.0)


Ika-15 ng Nobyembre, 2013 (12:50-1:40 am)


Hindi ako nakapagsulat kahapon, masyado kasi akong naging abala. Joke! Nag-cramming pala, alam niyo na naman ang tamad sumisipag lang kapag malapit na si Judith (due date). Kagabi pagdating ko ng bahay bagsak agad ako, as in tulog. 'Di kinaya ng powers ko ang manatiling mulat. Pero nagising din ako ng mag-a-alas-12 ng hating gabi, ilang sandali lang ginawa ko na ang dapat na gawin at alas kwatro na 'ko nakatulog ng madaling araw.


Maalala ko, paanong hindi bibigay ang katawan at isip ko, eh 21 hours akong gising noong isang araw. Kahit gusto ko nang matulog 'di ko magawa, kasi panay ang pagragasa ng idea sa aking isipan. Wala nabaliw na naman kasi ako. Sinasaniban na naman ng masamang espirito, balik tayo sa usapang baliw.


****

'Di ko alam kung bakit ganito akong tratuhin ng mundo? O ito 'yong gusto kong paraan ng pagtrato niya sa akin? 'Di ko alam 'yong sagot, ikaw alam mo ba? Pakisabi na nga at para 'di na ko nag-iisip mamaya mabaliw pa ako rito, bahala ka madadagdagan na naman ang mga baliw sa mental.


Kung tutuusin hindi naman natin dapat sisihin ang mundo, kasi malay ba naman niya sa nangyayari sa atin. Para lang 'yang bahay, nakikitira ka lang. May sanib na naman ako? Hay naku! Pero, seryosong usapan 'to mga kapwa ko baliw. 'Di ba tao ang magbibigay ng hint kung paano tayo tra-tratuhin? Pero minsan, kahit na hindi iyon ang paraan ng pagtrato na gusto natin, 'yon pa rin ang natatanggap natin. Alin lang 'yan, pinapakita kasi natin na dapat ganoon tayo tratuhin, o sadyang mas baliw at mas maluwag lang ang turnilyo nila kaysa sa atin, kaya ganoon na lamang nila tayo tratuhin. Tao nga naman, human!


What kind of creatures they are? Patapon ko na kaya sila sa Timbuktu? Saan 'yon? Kumuha ka kaya ng mapa at saka mo hanapin. Tapos sabihin mo sa'kin kung saang bansa matatagpuan. Baka kasi nandoon ang kapalaran mo, sasamahan lang kita at baka maligaw ka pa. Alam ko naman na mahina ang sense of direksyon mo.


Gusto mo patunayan ko? Ituro mo kung saan ang direksyon na Hilaga, at ang Timog. Sigurado ako na ang tinuro mo ay walang iba kundi ang langit at impierno. Tama ako, 'no? Absent ka siguro nang ituro ng teacher mo AP ang tungkol sa direksyon, kaya kung anu-ano ang tinuturo mo. Sino ba ang may sabi na ang langit ang Hilaga at ang lupa/impierno ang Timog? Pakituro nga lang at nang makotongan.


Minsan talaga mahirap lumiban sa klase, kasi hindi natin alam na sa pag-absent natin ay ituturo pala ang isa sa pinakamahalagang bagay na maaaring magamit natin. Wala sadyang ganiyan ang buhay, kahit kumayod pa nang husto ang magulang mo, kung marami kayo, wala talaga. Kaso ang masakit diyan, nagkakandakuba na nga ang mga magulang niyo puro pagpapakasasa at pagpapakasakit pa kayo, pinapapasok at pinag-aaral kayo, sinasayang niyo lang. Physically present, but mentally absent. Kung minsan pa nakukuha niyo pang magcutting classes...mga anak talaga kayo ng ewan. Bakit nga ba ang mga kabataan ngayon, walang pagpapahalaga sa edukasyon, walang pagsisikap. Mga walang pangarap sa buhay, nakakadismaya!


Paano na lang ang winika ng ating Pambansang Bayani na si Gat. Jose P. Rizal isang siglo na ang nakalilipas. Tsk! "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan". Weh! 'Di nga? Para tuloy gusto kong itanong, "kabataan, saan ka patungo?" Heto mapa, baka maligaw ka pa. Kasalanan ko pa kapag 'di ka makarating sa paroroonan mo. Pero sigurado akong may kalalagyan ka. Kung 'di man sa rehab, baka sa Munti, kung mamalasin sa loob ng maliit na kahong napipinturahan ng puti. Ganiyan na nga ang sitwasyon mo, mas pinapakita mo pang dapat at nararapat kang manatili sa ganiyang katayuan. Ano ba naman yan! Pagna-inis mo ko, iuuntog kita sa muscles ko nang makita mo ang hinahanap mo. Pero kung si kamatayan ang hanap mo? Sorry, mali ka ng taong nilapitan, 'di ko siya kilala, lalong 'di kami close. Kaya humanap ka na lang ng iba na magtuturo kung nasaan siya. Pero siguraduhin mo lang na 'yong pagtatanungan mo ay walang balak na unahan ka, kasi mamaya iligaw ka pa niya. Wawawa naman you kung nagkataon.


Kaya kung ako sa iyo umayos ka. 'Di na nga matino ang pagkakakilala sa iyo, pinatutunayan mo pang lalo. Hay naku! Bakit ba 'ko nag-aabalang sermunan ka. 'Di naman tayo close, at 'di mo rin naman ako magulang. Wapakels na nga si ako at baka uminit na naman ang ulo ko at mainis mo ako, baka 'yong dormant mood ko ay biglang mag-erupt. Umayos ka, kapag ako nalapit sa iyo, kokotongan kita! Anong ngini-ngiti-ngiti mo d'yan, nang-iinis ka ba? Tara rito at may kalalagyan ka!


Hay, ayoko na nga ang daya naman kay aga kong dinalaw ni antok. Bukas na nga lang ulit. Yehey! Friday na tom, kaso sad 'di ko naman masisilayan sa loob ng dalawang araw ang mga baliw kong estudyante na kahit araw-araw yata akong pinapagalit, 'di kumpleto ang araw ko nang 'di sila nakikita. 'Yong tipong inis na inis ka, pero at the end of the day, napapangiti ka naman tuwing maaalala ang mga kakulitan at kabaliwan nila. Hay! Sira-ulo lang talaga.


There's something in your eyes. 'Di ka man magsalita nakikita at nararamdaman kong may tinatago ka. Darating ang oras pakakawalan at palalayain mo rin 'yan at paghanda ka na text mo lang ako o i-message. Tapos, habang nagsesentimiento ka aasarin lang kita, kasi ako napagdaanan ko na lahat 'yan. Okay lang 'yan! Tawa ka lang, ay h'wag pala, ngiti ka na lang kahit na konti lang. Isipin mo na lang tinanong kita, "kumusta crush mo?" Ui! Kinikilig, ano ka naiiyi? Tawa uli kayo joke 'yon. Ang 'di tumawa, babaho ang hininga! Uutot na amoy ampalaya. Wahahaha! Ang bad ko talaga.


S'ya sige na. Iniimbitahan na ako ni antok papasok sa kaharian ng dreams and fantasies. Ikaw din, matulog ka na. Bahala ka, may magic 'to. 'Di mo mababasa ang kasunod nito kung 'di ka matutulog ngayon, dahil mababasa mo lang ito sa paggising mo. H'wag nang magreklamo. Buti nga pinapatulog na kita, 'di pa naman ako gan'ong kasama. Kaya matulog ka na, wala namang magnanakaw nito at kukuha sa gamit mo, dahil 'di nila pag-iintirisan 'to. Bakit? Kasi, alam nilang pangit to, bukod doon alam din nilang walang kwenta 'to. Sino ba naman ang magkaka-interest na basahin ang Aklat ng Baliw? Tanging mga baliw lang din. Pero kung sa tingin mo ay may kaibigan o kasama kang baliw sa bahay, aba mag-ingat-ingat ka, baka nakawin nila 'to. Wahahahaha! Sige na bilang ulit tayo, pagbilang ko ng tatlo...


Nakatago na kayo..


Isa....


Dalawa...


Tatlo...


Game?


Kakulet man dung? Hirap bang unawain?


Isa na lang, h'wag ka na kasing makulit. Ang mga baliw, talaga pasaway..


Ito na talaga.........................................................................................


Shungek, 'di pa ako tulog...baliw lang...


"Thank you SUS, for this wonderful day. Thank you for not letting me go. Thanks for keeping and holding my hand so tight, I love you and thank you so much, especially for lifting me up and for lightning the dark path where i am walking. Thanks for everthing, you know what are they and who they are. Amen"

Aklat ng BaliwWhere stories live. Discover now