Ikalabing Limang Bahagi: Beg-g-ing-ar

116 4 2
                                    

Ika-15 ng Disyembre, 2014 (9:50-10:10 am)

Ano ba ang mayroon sa bahaging ito? Kagaya ng dati walang tiyak na patutunguhan, walang tiyak na pinupunto 'di nga kasi ako nagpla-plano. Isipin mo na lang nagbabasa ka talaga ng aklat, ano ba ang rason ng pagbabasa mo, ang malibang ba o ang may mapulot na aral at maliwanagan sa mga bagay-bagay? Aba aba, wala lang, pero natutuwa ako at patuloy mo pa ring sinusubaybayan ang kaweiruhan kong taglay at pinagt'ya-t'yagaan ang walang ka-sense-sense na akdang ito.

Bago tayo maligaw, paalala lang po uli lahat po ng nilalaman nito ay base sa aking mga perspektibo at mga opinyon sa mga bagay-bagay. Oo na ito na nga, alam kong na-iinis ka na sa dami ng mga introduction ko, e sa mahilig akong magpasakalye. Ito na simulan na natin.

BEG-G-ING-AR

Nilalayuan pinandidirihan, iniiwasan 'yan ang mga taong grasa, mga taong tila kinalimutan at tinakwil ng lipunang kanilang kinabibilangan. They even thought that those people are crazy, while the truth is people that surround them is one of the factor why they become like that.

Ang lipunang ating ginagalawan ay masyadong mapanghusga, Hindi sa nagmamalinis ako, pero iyon ang naghuhumiyaw na katotohanan. Marami sa 'tin ang nabubulag sa nakikita kung baga judging the book by it's cover without knowing it's content. Umamin man tayo o hindi bahagi 'yan ng buhay at pagkatao natin. People now a days are too judgmental, 'di ba totoo naman? Gan'yan tayo eh, humuhusga kung ano ang nakikita at naririnig, ang tanong inalam ba natin ang rason sa likod nito?

Hindi ako perpekto, pagkat wala namang taong perpekto hindi naman masamang magkamali, nagiging mali lamang ito kung hindi mo itatama lalo na kung nabigyan ka ng tsansang itama ang lahat.

Ewan ko ba ang dami kong maling napapansin sa lipunang ating ginagalawan, mga pagkakamaling walang nagtangkang itama. Alam ko nagtataasan ang kilay n'yo ngayon while saying at the back of your mind "Sino ka ba?" Hindi ako isinuka ng Nanay ko sapagkat iniri n'ya ako. Heto na naman ako nanggugulo ng usapan mabalik tayo.

Oo alam ko tila wala ako sa lugar upang magsalita ng ganito, I'm just stating everything na nakikita at napupuna ko. Oo, 'di nga ako perpekto at wala sa lugar, pero ayokong manahimik na lamang sa isang tabi habang ang dami kong nakikitang mali. Ayokong iimbak na lamang sa puso at isipan ko ang mga bagay na napupuna ko -- ang naghuhumiyaw na katotohanan.

Sino pa ba ang kikibo, sino pa ang magsasalita. Wala naman 'di ba? 'Pagkat mulat tayo sa kasinungalingan habang nagbubulagbulagan sa naghuhumiyaw na katotohanan.

Kailan tayo kikibo? Kailan tayo magsasalita, kapag huli na ang lahat? Sige lang pagpatuloy pa natin ang mga gan'yang gawain nakakatuwa kasi masyado.

Walang masamang maglahad ng mga bagay na napupuna, walang masamang magsalita as long as hindi ito makakasama, makakasakit at makakasira ng kapwa mo. Para saan pa ang freedom of speech kung ititikom mo naman ang bibig mo? You have your right to speak out and let the whole world know about everything you have in your heart and in your mind, bakit hindi mo kaya subukang ibahagi malay mo may mapulot kami mula sa 'yo o may mga taong matauhan dahil sa mga sasabihin mo.

Nasaan ang pagbabago? Kailan magsisimula ang pagbabago? Kailan ka kikilos para sa pagbabago? Hindi ba pwedeng ngayon na h'wag mo nang hintayin pang mahuli ang lahat.

Speak for the truth fight for what is right, be enlighten be fair.

I'm begging you guys, 'cause I'm beggar. Chos!

Ako'y isang pulubing salat sa pagmamahal at atensyon, tinalikuran ng lipunang akala ko'y masasandalan ko hanggang dulo. Pero nasaan na sila ngayon ikinatwa lamang ako. Mga tao nga naman sadyang mapanghusga, nagtatago sa anino ng mapagbalat-kayo nilang anyo.

Nang kailanganin n'yo ako, ako'y agad na dumulog ngunit nang kailanganin ko kayo agad kayong nagsipagtago. Ako ay iniwan bigla na lamang nilayuan kasabay ng pandidiri at kapag kuwan ay tinalikdan. Ganyan ba ang tamang pagtanaw ng utang na loob? Ganyan ba ang tamang pakikitungo sa kapwa, o sa paningin n'yong tama kayo kahit na ang totoo'y hindi naman.

Mga tao sa lipunan sadyang mapang-mata't mapanghusga't mapang-api sa nakikitang kakaiba, anong akala nila mga perpekto sila, walang kapintasan, ni bangid dungis ay wala rin. Isang malaking kalokohan, isang nakaka-inis na pagpapanggap, isang nakaka-inis na katotohang bumabalot sa mapagbalat-kayong lipunang kinabibilangan ko. 'Di ba mas nakaka-inis at nakakadiri sila kumpara sa akin/sa amin, panlabas na kaanyuan lamang namin ang marumi, ngunit hindi ang aming puso at pagkatao. Ligo at paglilinis lamang ang katapat nito, pero sila/kayo kahit magbihis pa kayo ng maganda, kahit paliguan n'yo pa ng mamahaling pabango ang buo n'yong katawan mas mabaho, marumi at kasulasulasok pa rin ang pagkatao n'yo. 'Di namin kailangang magsuot ng maskara, 'di namin kailangan pang magpaggap sapagkat kami ay kami, walang bahid ng kasinungalingan. Ito ang mundo ko, ang mundo namin malayo sa mapagbalat-kayong lipunang kinabibilangan nating lahat.

Hindi ako baliw, hindi ako basura ninais ko lang tumakas sa mundong hindi ako tanggap.Isipin n'yo na ang gusto n'yong isipin, pero tumingin muna kayo sa salamin bago manghusga. Sino ba sa atin ang mas kahabag-habag? Sino ba sa atin ang mas katawa-tawa? ako ba na nagpakatotoo o ikaw na nagpapanggap? Ako ba na marumi o ikaw na nagmamalinis?

Hanggang dito na lang at sana ay may naunawaan kayo sa mga sinabi ko kahit na ako ay walang naintindihan. S'ya h'wag nang kumunot ang noo, h'wag nang mainis sa 'kin 'di ko kasalanan na binasa mo pa 'to. Gusto ko lang ipahayag ang aking opinyon kaya h'wag mo akong tingnan nang ganyan.

Hanggang sa susunod.

Note: Natype ko ang bahaging Ito habang nasa byahe papasok ng school. Why did I come up with this one, may nakita kasi akong beggar na naglalakad.

'Yong huling bahagi nito ay bigla ko na lamang na-isip na idagdag sa 'di ko mawaring dahilan, sinaniban na naman yata ako habang nagpro-proof read kaya na-uwi sa editing.

Aklat ng BaliwWhere stories live. Discover now