Tinapos na lang muna namin yung pang-individual na steps. Bukas na lang daw yung by partners dahil late na masyado. 5:30 na ng hapon kaya naman kailangan na naming umuwi.

Pagkalabas ko ng dance studio ay nakita kong nakasandal si Aeiou sa pader na nasa harap mismo ng pintuan ng DS. Natigil ako sa paglalakad pero pinilit ko ang sarili ko na maglakad na papalayo.

"Hey!" Makakalayo pa lang sana ako nang biglang umimik si Aeiou dahilan para matigil na naman ako sa paglalakad. Hindi ko siya nilingon pero ramdam kong naglakad siya papalapit sa akin.

"Pwedeng sumabay??" Ani Aeiou kaya gulat ko siyang nilingon.

O_o

'Masyadong FC! Di man nga niya ako kilala eh!'

Pero wala akong balak magpakilala! Nyeta kang Aeiou ka! Hindi kita mapapatawad! Bugok!

Naglakad na akong muli na hindi na sinagot pa ang tanong niya. Bastos na kung bastos pero hindi ko yata maatim na kausapin itong malanding 'to!

"What's your name, partner??"

Seriously?! Sumunod pa siya? Hindi niya ba mahalatang ayaw ko siyang kausap?! At mas lalo ko siyang ayaw makita!!! Tangna neto!!

"Hey partner. What's your name?" Nakasabay na ulit siya sa paglalakad sa akin kahit pa kanina ay nauuna na ako sa kanya.

'Hindi ko inaasahan na kakausapin ako nitong kumag na 'to! Masyado siyang tahimik nang una ko siyang makita! Akala ko ay anti-social siya!'

"Secret." Walang emosyong anas ko na hindi man lang siya nililingon.

Bwisettt! Pakisapak nga siya!!

"Really? Nice name you've got." Taka akong napalingon sa kanya at pinukulan siya ng masamang tingin.

O_o?

"What? You said your name is Secret, right?" Pa-inosenteng tanong niya habang nakangiti.

"What?! I never said that's my name!" Inis na inis at nagagalit nang pigil sigaw ko. Tumawa siya kaya lalong nag-iinit ang ulo ko. Pakiramdam ko sasabog na ako ano mang oras sa sandaling ito!! "I said secret because I don't want you to know my name!"

Nyemas!!! Kitilin niyo ang isang 'to! Ngayon na! Bwisettt!!! Mas tanga pa yata 'to kaysa sa akin! Secret?! Saan ka naman makakahanap ng taong pangalan ay secret?! Nyeta!

"You know what? You're beautiful. But if you continue to be like that your beauty will fade away. Now smile." Utos niya!

Tangina niya! Sino siya para pagsabihan at utusan ako?!

"I'm just smiling if the person in front of me is worth smiling for. So, for your information, you're not worth any of it." Mataray na diretsong sabi ko na walang pakundangan kung ano man ang iisipin niya tungkol sa akin. Inirapan ko siya at saka mabilis na tumalikod kasabay ng mabilis na paglakad papalayo.

Nag-iinit ang ulo ko! Kailangan kong makita ang asawa ko! Ang hubby ko! Ang knight in shining handsomeness ko! Ang Versace ko!

'Versace, my labs! Where are you now?! I miss you so much! Huhuhu!!'

T.T

Sa sobrang bilis ng lakad ko ay hindi ko namalayang nasa labas na pala ako ng campus. Bumagal na ang paglakad ko dahil sa tingin ko ay malayo na rin naman ako kay Aeiou.

Palipat na ako ng daan at nasa kalagitnaan na nang mapansin kong may paparating na mabilis na truck.

'Jusko! Mahal ko pa ang buhay ko!'

"Secret!!!" Dinig ko ang sigaw ng isang lalaki at alam kong si Aeiou yon. Hindi ko na siya nagawa pang lingunin dahil natuon ang paningin ko sa papalapit nang papalapit na truck. Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang gulat sa maaaring mangyari. Alam niyo yung feeling na parang nawalan ka ng kaluluwa sa isang sitwasyon na dapat ay meron kang gawin para mailigtas ang sarili mo?

Unti-unti ko na lamang naipikit ang mga mata ko dahil alam kong ano mang oras ay mababangga na ako.

'Lord, kayo na po ang bahala sa akin.'

Hinihintay ko ang pagtama ng truck habang nakapikit. Dama ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko na wari'y kumakawala na sa aking dibdib. Alam kong ilang sandali na lang at maaari nang mawala ang buhay ko. May posibilidad na malagutan ako ng hininga at dito na magtapos ang istorya ng aking buhay. Ngunit, imbes na ang truck na paparating ang maramdaman kong tumama sa akin ay isang yakap ang naramdaman kong nabalot sa ibabaw na bahagi ng aking katawan. Naramdaman ko ang pagpapagulong-gulong namin kasabay ng patuloy na pagkakayakap ko sa taong hindi nagdalawang isip na sumagip sa akin.

'Kung sino ka man. Utang na loob ko ito sayo.'

~Hoooooooonk!!!~
(Busina ng truck mga bes ha? Wag kayong ano dyan!!!)

Umalingawngaw pa rin ang malakas na busina ng truck habang patuloy kami sa paggulong nitong kung sino man na ito.

"Are you okay?" Halata ang pag-aalala sa boses nitong lalaking nakayakap pa rin sa akin.

O_O

Teka!!!

S-Si...

Si Aeiou?

Si Aeiou ang savior ko??

Oh. My. God.

Umalis ako sa pagkakayakap at nakita nga si Aeiou sa aking harapan, halatang nag-aalala.

'Si Aeiou nga!!! Waaaaaah!'

Sandali kaming nagtitigan ngunit nakaramdam na naman ako ng ilang kaya iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Pagbaling ko naman ay saktong tumama ang mga mata ko sa nakatitig nang si Versace.

Oh. My. God.

'That feeling na nakatitig ang crush mo sayo! Oh. My. Goodness!! This can't be!! Yieee!'

Imagine me! Kumekerengkeng ang lola niyo! No Charots! Haha!!

O_O

What?!

He left??

Noooooooooo!!! Versace, my labs! Come back to me beybe!!! Huhuhu!!

T.T

The Ultimate Crush: The Kiligity of Schaz [Slow UD]Where stories live. Discover now