Chapter 3: Local News

Start from the beginning
                                    

Fortunately, silang dalawa lang ang nahuli ni ma'am kanina kaya sila ang nakatikim ng mahiwagang pingot niya. Sila kasi ang nagsama. Sina Kurt at Allen, dali na umexit at inihanda ang van para sa pagtakas namin.

"Eh malay ko ba na mas malakas pala ang antenna niya kesa sa antenna ng NASA, anlayo layo na niya pero narinig parin niya? Mantakin niyo yun?" said Nathaniel, nasa likod namin sila ni Jason at papunta kami ngayon sa kabilang grocery shop using the van.

"Kapareho mo atang galing sa outer space eh" muttered Kurt.

"Pero akalain niyong may fiancé na siya? Wala naman akong nababalitaang nanliligaw sa kanya noon ah?" I said.

"I-corner nalang natin siya next time ate, gusto ko talagang malaman ang lovestory niya" said Allen.

"True, chikahin natin siya next time, humanda siya, muwahahaha!" tawa ko na parang kontrabida.

"Pare, akala ko ba matino na yang asawa mo? Lalo naman atang lumala" dinig kong sabi ni Kurt kay Bryce, kahit hininaan niya, narinig ko parin.

"Hoy Kurt, excuse me? Ako ba ang tinutukoy mo?" siksik ko't nagulat pa siya.

"Hindi" he answered, "si Nathaniel, siya yung asawa ni Bryce 'di ba?"

"Aba't--!"

"Hayan, isang patunay na ikaw ang kalahi ni ma'am Maureen. Walang nakadinig sa amin pero narinig mo." sabi ni Nathaniel kaya inirapan ko sila.

"Puregold?" tanong ni Allen, saka ko lang napansing nagpark na pala si Bryce kaya sumilip ako sa labas.

"Hindi ba bawal na tayo rito?" tanong ko habang nakasilip kami mula sa bintana ng van.

"The memories are flooding back" bulong ni Nathaniel saka tumingin sa akin at unti unting ngumiti, "Are you thinking what I am thinking?" he asked.

"Uhhh, I'm thinking that we should go to another grocery store, but I bet you are thinking of going inside and repeat the history so no, I am not thinking what you are thinking" sabi ko't nawala agad yung ngiti niya.

"Ano po ba ang nangyari dito? Nabalitaan ko lang na hinabol kayo ng mga pulis eh" tanong ni Allen.

"OA? Sino'ng nagsabi sa'yo na mga pulis ang humabol sa amin?" I asked.

"Sina kuya Jason at kuya Nathaniel?" sagot niya kaya pinanliitan ko yung dalawa ng tingin but they just smiled.

"No Allen, hindi kami hinabol ng mga pulis, mga..security guards lang..I think?" hindi kasi ako sigurado kung mga pulis nga yung mga humabol sa amin, "We kind of.. destroyed some of their merchs, kaya hayun, ban na kami dito since that night."

"Pinatanggal ko na kina Rod at Elias yung record natin sa mga establishments na bawal tayo, kaya labas na" utos ni Kurt at nauna siyang lumabas.

"So pwede na uli tayo sa Jollibee?" Masayang tanong ni Allen.

"Lahat nga" said Kurt at naghigh five kaming tatlo nina Nathaniel at masaya kaming bumaba from the van. Kung sa bagay, matagal na yung 'kaso' namin dito kaya siguro nakalimutan narin nila, and besides, we are not wearing our high school hoodies kaya hindi nila kami mamumukaan.

"No fooling around" warning ni Bryce sa amin pagkapasok namin sa Puregold.

"Got it" sagot namin sabay salute, hindi parin pala magbabago ang turingan naming lahat kahit asawa ko na si Bryce. Tingin parin namin sa kanya eh boss, yun ay kung magkakasama lang naman kami. Kung kaming dalawa lang ni Bryce eh, keri lang.

"You" turo ni Bryce kay Nathaniel, "You" turo niya kay Allen, "And you" turo niya sa akin, "Go get some snacks, kami na ang bahala sa iba".

"Sigurado ka tol? Pagsasamahin mo yang tatlong yan?" tanong ni Kurt at tumingin silang tatlo sa amin ng pababa pataas.

"Yeah, what bad could happen?" tanong ni Bryce.


Local news:

"Anim na mga lalake ang hinabol ng mga pulis mula sa Puregold na dahilan upang magkaroon ng matinding traffic sa main road. Hindi nahuli ang mga sinasabing salarin sa pagwasak ng maraming paninda sa Puregold at kasalukuyan pa silang hinahanap ng otoridad..."

"I can't believe it.." sabi ko habang nakatingin sa TV.

"Me too" sabi ni Nathaniel na nasa right ko.

"Me three" sabi ni Allen na nasa left ko.

"We're on the news!" sabay naming sigaw, pero mukang masaya pa yung dalawa.

"Mabuti nalang nabura agad nina Elias yung kuha ng CCTV ng Puregold" sabi ni Jason na naglapag ng meryenda sa center table.

Yes, nagkagulo na naman sa Puregold kanina at hinabol nga kami ng mga pulis, MGA PULIS! Kakarating lang namin 20 minutes ago at nagpahinga agad sa sala. At since madilim na, umuwi na sina Kalbo para maihatid si Danilo sa mga magulang niya.

"Kelan kaya tayo lalabas na walang mangyayaring kababalaghan?" tanong ni Kurt na kanina pa pinipisil yung side ng ulo niya, tumawag kasi si Kate sa kanya't nasermonan ng bongga.

"Muka palang ni Lexa, kababalaghan na, mga lakad pa kaya natin?" sabi ni Nathaniel, sasapakin ko na sana siya pero inunahan ako ni Bryce kaya nahulog si Nathaniel sa baba ng sofa at si Bryce ang pumalit sa dati niyang pwesto.

"We had fun, it's all that matters" he said.

"Kaya nga kuya! Grabe! Para talaga tayong nasa pelikula kanina!" masayang sabi ni Allen.

"Pero teka.." sabi ko't umupo ako ng maayos, "sinabi ba nung reporter na.. anim na mga lalake??" tanong ko't nagtinginan kami.

"Wahahahaha! Akala nila lalake ka!" tawa ni Nathaniel sabay turo sa akin.

Nope. Nothing changed.

-=-=-=-=-=-=-

Me and My Boys VOLUME 4Where stories live. Discover now