Chapter 9: Kiss

250 29 6
                                    

Arah's POV

"Hi babe!"

"Ay unggoy!" Napa sapo naman ako sa dibdib ng bumungad sa harap ko si Dave na may malaking ngisi sa labi.

"Grabe. Unggoy talaga?" Kunwaring tampo nya. Napa iling na lang ako.

"Ikaw kasi nangugulat." Mahina kong bulong. Nasa library kasi ako ngayon kaya 'di pwedeng mag ingay.

Mabuti na nga lang at kaunti lang kami ang nandito sa loob.

"How's your day? Bakit ka nandito mag isa? Where's your friends?" He asked as he lean closer. Nasa harap ko sya naka upo kaya medyo napa atras ako sa upuan.

Daming questions, nakaka distract sa binabasa ko.

"Ayos lang naman. Free time ko ngayon kaya nandito ako. May klase pa sina Dina at Jelly kaya ako lang mag isa." Sagot ko saka nilipat sa kabilang pahina ang binabasa.

Hindi naman ito umimik kaya napatingin ako sa kanya at nakitang pinapanood lang ako nito.

My cheeks flushed.

"Why?" Tanong ko at nakitang napa ngiti na naman ito.

"Wala lang. Ang ganda lang ng view." Mas lalo namang uminit ang pisngi ko kaya tinakpan ko ito ng libro.

I heard him laugh. This guy.

"B-bakit ka ba nandito? Wala ka bang practice?" Tanong ko. Binaba naman nito ang librong naka harang sa mukha ko.

"Kakatapos lang kasi ng finals. Next week pa kami mag sisimulang mag practice ulit." Napa tango naman ako at sandaling napa focus sa binabasa.

Ang ganda lang kasi ng kwento ng novel na ito. Tungkol sa magkakaibigan na kahit anong nangyari, hindi iniwan ang isa't isa.

"Binabasa mo 'to lahat?" Sinulyapan ko saglit si Dave at nakitang naka nganga sa sampung librong nasa mesa.

"Scanning lang 'to. Not really reading. Ano ba kasi talaga ang ginagawa mo dito?" 'Di ako makapag basa ng maayos. Nakaka distract yung pag mumukha nya.

"Ano ba namang klaseng tanong yan. Bawal ba puntahan ang girlfriend mo kung san man sya nalalagi?" Nagkasalubong naman ang mga tingin namin at ako na ang unang umiwas. Yung titig nya kasi nakaka tunaw. 'Di ko keri.

"Pretend girlfriend to be exact." Wika ko saka sya inirapan. He just shook his head.

"Marami ka pang gagawin?" Bigla nyang tanong.

"Bakit?"

"Gala sana tayo sa labas. Nakakabored kasi dito sa campus."

"San naman tayo mamamasyal?" Taas kilay kong tanong.

"Akong bahala. Halika na. Kakatambay mo dito sa library nagmumukha ka ng nerd." Nagsimula na kaming maglakad papalabas ng school.

"Magandang nerd kamo." Saad ko saka sya sinapak ng mahina gamit ang librong hawak ko. Natatawa naman itong umiwas.

May sumasapak bang mahina?

"Oo na."

"Let's go." Wika nya saka hinawakan ang kamay ko. Habang tumatagal nasasanay na tuloy ako sa gestures nya.

"Dave.." Tawag ko ng bigla syang huminto sa paglalakad.

"Baby, babe, hon or honey. Yan ang itawag mo sakin, not Dave." I frown.

"Ano ba yan, ang sagwa pakinggan." Angal ko. I saw him raised his eyebrows.

"Then what do you want to call me?" Malambing nyang tanong. Ngumiti naman ako sa kanya.

Tumawid kami sa kabilang kanto kung nasaan ang plaza.

"Unggoy." I replied as I saw how his facial expression changed.

"What?" Napa halakhak na lang ako.

"Bae. Mas better. Hindi cringe pakinggan." Saad ko.

"Fine. Pero ayaw mo ba nung honey? Hon?"

"Ayoko. Ikaw, bakit gusto mo?"

"Sweet kasi kapag hon. Hindi ka pa kasi nagkaka boyfriend kaya naaasiwa ka pa sa tawagan na ganyan."

"Bakit, ano ba kita? Hindi ba kita boyfriend para sabihing hindi pa ako nagkaka boyfriend?" Bigla naman nya akong inakbayan. Para tuloy akong nakuryente sa biglaang pag dikit ng katawan namin. And I almost forgot that everything we have here is just pretensions.

"What I mean is, past relationship. Not now, ok?" Tumango naman ako.

"Bae." Tawag ko.

"Hmmm...?" Malambing nyang sagot.

"Ano yun?"

"Wala. I'm just trying to call you Bae."

"Good. Sa umpisa lang naman yan nakaka cringe pakinggan. If I ever heard you calling me Dave again, kahit maraming tao hahalikan talaga kita." Hinampas ko naman sya sa braso.

"As if naman kaya mo."

"Do you think hindi ko kayang gawin?" Huminto sya sa paglalakad kaya napa hinto na rin ako.

"Yea-" Nanlaki naman ang mga mata ko ng bigla nya akong halikan sa kalagitnaan ng plaza.

Ohmyfreakinggosh!!!!!!

"Talaga ba?" Bumitaw na sya sa paghalik sakin at ngayon nasilayan ko na naman ang pilyong ngiti nya.

That's my freaking first kiss!!!!!!

Bigla kong tinakpan ang mukha ko dahil sa hiya at pasimpleng tumingin sa paligid. May mangilan ngilang naka tingin samin. Siguro nakita nila yon.

"Sira ka talaga!" Saad ko saka nauna ng maglakad sa kanya.

"Bae~ hintay!" Tawag nya sakin saka ulit ako inakbayan at hinawakan sa kamay.

"Nakaka inis ka. Alam mo namang maraming tao dito! Why did you kiss me?!" Mahina kong bulyaw.

"Ayaw mo kasing maniwala eh. Gusto pa ng sample." I stared at him, unbelievable.

"Sige, pag wala na lang tao, gagawin ko ulit yun." Hinampas ko ulit sya.

"Well, hindi na yun mauulit. I assure you." Wika ko.

"Owws? Gusto mo ulitin ko ulit-"

"Shut up kung ayaw mong umuwing may black eye." Banta ko. Teakwondo player kaya ako. Black belter at hinding hindi ako magsisising bigyan ng black eye ang Dave na ito.

Bibigyan mo ng black eye ang boyfriend mo? Saad ng boses na nasa utak ko.

Whatever.

Humalakhak na lang si Dave. I can see amusement dancing in his eyes.

"Don't try me miss Arah. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin." Wika nya. Omg! Bakit ang hot nyang pakinggan?

Pull yourself, Arah!

"Bahala ka nga jan." Aalis na sana ako ng bigla nya akong hinila saka hinawakan ulit sa kamay.

"May pupuntahan pa nga tayo." Hindi na lang ako nagreklamo at nagpahila na lang sa kanya.

***

"Anong bibilhin mo Bae?" Tanong ko ng makapasok kami sa loob ng mall. Sumulyap naman ito sakin saka ngumiti.

Gosh, I can't believe nag cutting ako for this. Sabagay, worth it naman.

"Mamili ka ng stuffed toys. Sa tingin mo alin ang magugustuhan ng kapatid mo at mamili ka din ng sayo." Nabigla naman ako sa sinabi nya.

"Wag na. Nakaka hiya, tsaka marami namang-"

"Mamili ka na lang please?"

"Alright."

Matapos naming mamili at makapag ikot ay dumiretso naman kami sa loob ng dunkin donut saka bumili ng makakain.

Keeping You Forever✔Where stories live. Discover now