Epilogue

92 1 0
                                    

Dave's POV

They say, you can be as bad as you want. Do whatever you want and be who you want. But you can't be like that forever.

Dahil darating ang panahon na, may magbabago at makapagpapabago sa lahat ng mga bagay na nakasanayan mong gawin. Na may mangyayari para mag bago ka.

I was that hot-headed, arrogant badboy everyone knew. Iba't ibang babae ang kasama araw araw.

Party dito, party doon. Gala dito, gala doon. Away dito, away doon.

Lahat na siguro ng masamang gawain nasa akin— maliban na lang sa pag d-droga at pagkaka sangkot sa mga illegal na gawain.

My parents almost gave up on me, dahil sa mga kabulastugang ginagawa ko behind their backs. Lucky for me at bawi naman ako sa pagiging isang BBMVP ng school. Plus points na lang din siguro ang pagkakaroon ko ng utak. But yeah, hindi ko pwedeng gamiting rason ang mga yan.

When Arah came into my life, everything changed. She made me changed and become a better person. She's the one who guided me to look for myself. Kung ano talaga yung gusto ko. Pinakita nya sakin yung mundo kung saan hindi lahat ng gusto natin, masusunod. Na hindi lahat madadaan sa pera at pa pogi pogi lang.

She also taught me na kapag wala kang kapangyarihan, hindi mo magagawa ang mga gusto mong gawin. Katulad ng pag tulong sa mga nangangailangan.

And that I shouldn't play with girls hearts because karma hits more than once.

I am a wrecked when I met her and she made my life complete.

She's my inspiration to do this things I'm doing now.

"Thank you so much for helping this organization Dave. Sobrang laki ng utang ng loob namin sayo." Naka ngiti at naiiyak na saad ni Sister Rosella sakin. Ibinalik ko ang ngiti sa kanya.

"Buong puso po akong tutulong ano mang oras, Sister Rose." Tugon ko naman sakanya.

"Salamat hijo, salamat." Tumango ako sakanya at tumingin sa harapan.

"S-sir Dave? Kayo po ba s-si sir Dave?" Tanong ng isang lalaking sa tingin ko ay nasa 40 pataas ang edad.

"Opo. Bakit po?" Mabilis nyang hinawakan ang kamay ko at nag simulang umiyak.

"Ako po si Luis.. Maraming salamat sir. Salamat... Dahil sa inyo gumaling ang asawa ko. Wala kaming pera pang pa chemo nya at hindi na namin alam ang gagawin kung hindi kayo dumating." Ngumiti ako sa kanya.

"I was once on you shoes too. Yung babaeng mahal ko may sakit din tulad ng sa asawa mo. Before I met her, I am not like this. Alam nyo yun, bulag sa katotohanan at reyalidad ng mundo. Sya yung nag turo sakin kung pano maging isang mabuting tao. She's so lovely and one of the most important to me. Kung hindi siguro dahil sa kanya, hindi ko alam kung ano ako ngayon...." I smiled.

"Mabuti ka pong tao sir at maswerte kang nakilala mo sya." Tumango ako kay manong Luis habang naka ngiti.

"Sobra po manong." Sagot ko.

"Sya ang dahilan kung bakit ko 'to ginagawa. Dahil sya ang inspirasyon ko." Dagdag ko pa.

"Sana po makilala ko sya at para mapasalamatan namin sya ng asawa ko sa personal." Ngiti lang ang sinukli ko sa sinabi ni manong.

Ilang minuto pa akong nag stay sa cancer center na ipinatayo ko sa pangalan ni Arah bago ako tuluyang nag paalam at umalis kasama ng anak ko.

"Pupuntahan na po ba natin si mama, papa?" Curious na tanong ng anak ko. Anak namin ni Arah.

"Opo." Malambing kong tugon habang nag d-drive. Dumaan muna kami sa isang flower shop at kinuha ang in-order kong bulaklak na paborito ni Arah.

Ang Lycoris flower.

Keeping You Forever✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat