Chapter 3: Annoying

397 38 0
                                    

Arah's POV

Pasalampak akong napa higa sa higaan ko ng maka uwi mula sa orphanage.

Gosh, I'm so tired.

I closed my eyes and tried to take a rest ng bigla ko na namang maalala ang nangyari kanina sa orphange.

Mabuti na lang at bigla kaming tinawag ni Dave ng founder at naiwasan ang awkwardness dahil sa sinabi ni Lyka.

Matapos non ay hindi na kami nakapag usap pang muli.

Maaga din natapos ang event at dumaan muna ako sa workplace ni mama para kunin ang pagkaing binili nya sa aming magkakapatid.

"Get some sleep Arah! Mukhang masisiraan ka na ng bait!" I scolded myself.

***

"Nakaka inis ka talaga ano?! Sinasadya mong matamaan ako ng bola mo!" Bulyaw ko sa unggoy na ngayon ay may ngisi sa labi.

Bad trip talaga! Sana hindi na lang ako pumayag sa inutos ng professor na yun kung alam ko lang na naririto ang unggoy na 'to at mag p-practice.

"Hey, I'm sorry.. 'di ko sinasadyang matamaan ka. Paharang harang ka kasi dyan. Kita mo namang naglalaro kami." Para namang may kung ano sa loob ko ang sumabog dahil sa narinig.

"Ang sabihin mo, gumaganti ka lang sa akin! Hindi ako paharang harang! Ikaw itong sumobra sa boundary mo!" Sigaw ko.

"You know what? Name-mersonal ka na. Tell me, may problema ka ba sa akin miss Fuentes at inis na inis ka kapag nakikita mo ako?"

"Ano kamo? Ako may problema? Baka ikaw? Anong name-memersonal? At bakit naman aber?"

"Well, I don't know? Bakit ba ang taray mo ha? Ganyan ka ba sa lahat ng kausap mo at sa mga taong nasa paligid mo o sakin ka lang ganyan? May attitude problem ka ba?" Napa halukipkip naman ako.

"Wala! Baka ikaw?" Mataray kong sagot.

"Alam mo, 'di talaga kita maintindihan. Kalian ka ba magiging mabait sa akin? Ha?"

"Alam mo, mister David James Montecillo, kahit kalian hinding-hindi ako magiging mabait sa mayayabang na kagaya mo okay? Adios!" Inis kong wika saka tumalikod na.

Bad trip talaga! Bad trip!

***

"Girl! Bongga ka talaga! Nakita kita kanina na nagtataray sa isang MVP varsity na si Dave. Gosh! Bakit ha?" Kinikilig na pangungutya ni Jelly sakin. Nasa cafeteria kasi kaming tatlo at kasalukuyang nag s-snacks.

"Duh! Naiinis ako sa kayabangan nya." Ani ko saka kumagat ng fries na binili ko.

"Bakit? Ano ba ang ginawa nya sayo?" Tanong naman ni Dina. Umirap muna ako bago sya sinagot.

"Eh kasi ang hambog nya kahit kalian! Una, nung aksidente kong natapunan ng juice ang damit nya dito sa cafeteria na inakala naman nyang nagpapa pansin ako sa kanya. Sana nga sa ulo ko na lang nya mismo naitapon ang juice na hawak ko! Tss! Tapos pangalawa naman dun sa meeting room, nung inasar nya ako. Pangatlo, yung sa orphanage. Tapos ito namang bola nya na alam kong sinadya nya talagang itama sa akin nung padaan ako ng gym!" Naiinis at nangigigil kong litanya sa atraso ng unggoy na yun sakin.

Natigilan naman si Jelly saka ako hinampas sa braso.

"Girl! Kung sakin lang nangyari yung sa orphange? I'm ready to die na!" Tili ni Jelly. Tsk, I regret telling them that awkward moment between me and that monkey.

"Pero okay na din yung napansin ka ng crush ng campus ano! Naku! Kapag sakin nangyari yun? Araw araw talaga akong magpapatama ng bola sa kanya!" Kinikilig pa nyang dagdag dahilan para masamid kaming dalawa ni Dina sa kinakain. 

"Wala na. Baliw ka na talaga Dina." Naiiling na sambit ni Jelly. Dina just laugh and winked at us.

"Tss! Ang sabihin mo, ang swerte lang talaga ni Arah." Sagot naman ni Dina sa kanya. 

"How come maswerte ako? Eh mukhang minamalas na nga ako simula nung 'aksidente' kong nabuhos ang juice sa kanya." Wika ko naman with matching taas kilay pa.

"Hays, kung alam mo lang kung gaano ka insecure sayo ang ibang babaeng students dito na matagal ng nag papapansin kay Dave." Napa ikot na lang ako ng mga mata.

"Oo nga girl! Nako yung cheerleading squad nga ng school inis na inis sayo eh. Buti 'di ka sinugod or what. Ako talaga makakaharap nila if ever that happens." Sambit ni Jelly sakin.

"Ewan ko na lang talaga."

"But wait... Hindi ka ba nagwa-gwapuhan kay Dave? Like wala bang sparks or anything?" I just rolled my eyes at Dina.

"What kind of nonsense question is that? Of course, I didn't, I wouldn't and will never be! Tsaka isa pa, magkaiba kami ng level sa buhay okay? Yung mga tulad nyang mayayaman, mahirap maintindihan ang ugali at iba ang perspective sa buhay. Mahirap i reach. Ganon." Sagot ko na tinanguan naman nila. 

"Right girl. Whatever you say. Ang talino mo talaga kaya hanggang ngayon NBSB ka pa rin." Naka ngiting saad ni Dina. Hinampas ko naman ito ng mahina sa braso.

"Hindi ko feel mag madali okay? I want kasi yung first boyfriend ko will be may last na din. Like Keeping him until I get older or until we don't love each other, ganon. Pero sana until forever na." Wika ko.

"Taray ng theme mo sis, keeping you forever lang ang peg."

"Something like that." Sagot ko naman kay Jelly.

"Basta, supportado ka namin always. Whatever you do l." Napa ngiti naman ako don.

"I know right."

And that is why I'm so grateful to have this crazy girls here.

Keeping You Forever✔Where stories live. Discover now