Chapter 4: Interview

320 35 2
                                    

Arah's POV

Matagal kong pinagmasdan ang sarili sa salamin.

I'm confident naman that I'm beautiful, you know. It's just that, na se-self conscious na ako these past few days for unknown reason.

Kung puriin nga ako ng mga tao sa labas, mas maganda pa daw ako sa mga sikat na commercial model ng shampoo dahil sa makintab at mahaba kong buhok.

May time nga, habang nag g-grocery ako, may biglang lumapit sakin na isang babae. She told me she's one of the biggest CEO of a modeling company ng bansa and want me to be her international muse.

Dahil sa facial feature ko, balingkinitang katawan, maputi, makinis, matangos ang ilong, makakapal na kilay at mahabang pilik matang mayroon ako.

Can't argue with that dahil isa namang dayuhan ang papa ko sa mga litratong pinapakita ni mama.

But even though mukha akong mayaman at malaki ang chance kong maging successful dahil sa mga offers sakin sa modeling and even entertainment industry, mas gugustuhin ko pa rin ang maging simpleng tao.

"Ate, ang ganda mo na ok? Baka mabasag pa ang salamin na yan kung hindi ka pa aalis sa harap nyan." Napa baling naman ako sa kapatid kong lalaki na si Steve. Gwapo din ito at kamukhang kamukha si papa kung si mama ang tatanungin.

I'm sure maraming babae ang nagkaka gusto sa isang 'to. Sana lang wag sya matulad sa unggoy na yun na napaka hangin at arogante.

Ikalawang nakababata kong kapatid si Steve na nasa 4th year highschool na. Habang grade six naman ang bunso na si Fina.

Napahalakhak naman ako saka sya nilapitan at inakbayan. Halos magkasing tangkad lang din kami ni Steve.

"Kunwari, pag nagka bf ang ate, payag ka ba?" Tanong ko dito.

"Oo naman, basta 'di ka lang sasaktan at paiiyakin. Kundi, makakatikim sya sakin ng suntok." Napangiti naman ako sa sagot nya.

"Naks naman Steve ha!"

"Bakit ate? Do you like someone? May nanliligaw na ba sayo?" Curious nyang tanong dahil alam nya kasing sa dami ng manliligaw ko, ni isa sa mga ito ay wala akong nagustuhan.

Isa kasi sa greatest turn off ko when it comes into boys eh yung may hikaw sa tenga, mataas ang kuko tsaka may mabahong amoy.

Like, I'm a girl who also had my own standards din naman.

First is yung ear piercing, may mga guys naman na nababagay sa kanilang ang piercing pero mas prefer ko walang abubot sa tenga o mukha except for bracelets, rings, or necklace.

Second is yung hindi ginugupitan yung kuko, its eww. Mas gusto ko yung malinis ang kuko. Nakaka attract yun para sakin.

Lastly, the smell. I hate the smell of bungang araw or whatever na amoy that will definitely prove na ilang araw walang ligo. Mas prefer ko yung amoy ni Dave– wait nope. Mas prefer ko mababango. Basta, they take care of their body.

"Wala naman.. pero malay mo 'diba? May manligaw sakin at magugustuhan ko." I shrugged.

***

Keeping You Forever✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon