Chapter 22: Space

63 6 0
                                    

Dave's POV

"Sige na naman Jelly, sabihin nyo naman sakin kung nasaan si Arah! Please!" Paki usap ko sa kaibigan ni Arah.

"Just leave Dave. Ayaw ka ng makita ni Arah at ganun din kami. She suffered enough dahil sa ginawa mo. Kaya please lang, just let her go." Pagtataboy sakin nito. Nagulat pa nga ito ng makita ako sa harap ng bahay nya.

I know. Who wouldn't be? Ang laki na ng pinagbago ng hitsura ko the last time they saw me.

And who wouldn't be? Kung halos libutin ko na ang buong syudad at bansa makita ko lang si Arah?

"No! I know I'm wrong! Kaya nga ako nandito ngayon at patuloy na hinahanap si Arah. I know everything! It's all my fault! Kaya please tulungan nyo akong hanapin at maka usap sya! Kahit na huli na ang lahat! I just wanted to see her and ask for forgiveness.... please..." Naiiyak kong paki usap.

I know I truely deserve their hate towards me. Sino ba naman ako para agad nilang patawarin diba? Sinaktan ko ang kaibigan nila.

At ganon din naman ang ginagawa sakin ni Jake. Hindi na nya ako pinansin mag mula nung umuwi ako sa bahay at nagpa party dahil naka pasa ako sa board exams.

Ang totoo nyan, I am aiming for top 1 but everything felt nothing after what happened. Ni hindi ko na nga feel sumagot sa exam dahil sobrang lutang ko at hindi ako makapag focus.

Himala pa nga at naka pasa pa rin ako kahit hindi na top 1.

I can still remember everything back then. The last time I saw Arah.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong tanong kay Kate. Kahit na gustong gusto kong saktan ang babaeng 'to dahil sa ginawa nyang pag sira sa relasyon namin ni Arah ay pinipigilan ko lang ang sarili.

My parents already knew everything that happened at gaya ng mga kaibigan at pamilya ni Arah, nagalit din sila sa akin but still they tried to understand and explain everything to me.

Mula sa mga bagay na hindi ko naiintindihan hanggang sa napunta sa usapang negosyo kung saan may kinalaman ang ama ni Kate.

That our family and Jacinto Lim– who's one of the biggest shareholder of the company ay nagkaroon ng hidwaan ng malaman ni dad na ang ama ni Kate ay palihim na nakikipag kita sa kalaban ng kumpanya at nag bebenta ng confidential products sa mga ito.

Dad called out Jacinto during shareholders meeting at marahil ito ang dahilan para isama na ng Jacinto na yun ang anak nya sa pag hihiganti kay dad maging sa akin na anak nya. Hindi lang yun, dad also found out na kalahati ng pera ng kumpanya ay dahan dahan at patagong nililipat ng Lim's ang mga ito sa kanilang private account and right now, dad is helping me deal with them.

I also did my own research and found out that during these 3 years, may mga tauhan si Jacinto na nawala na lang bigla at hindi na nakita pa.

Malakas ang kutob ng mga pamilya ng mga biktima na may kinalaman si Jacinto sa pagkawala ng mahal nila sa buhay but they can't make a complaint dahil hindi naman sila pinapansin at wala naman silang pera.

Alam kong hindi basta basta ang pamilya nya kaya hindi ko pa sya pwedeng galawin ngayon dahil isa ang ama nya sa tatlong malalaking stock holder sa kumpanya ni dad. Kasalukuyan pa akong nag hahanap ng mga ibedensyang magagamit ko para mapatalsik ang ama nya sa pwesto at makulong hanggang sa wala ng pwedeng mag protekta sa kanya kung hindi ang sarili nya. Kaya nga nagawa nyang manipulahin ang gagong Ryan na yun.

Naghahanap pa ako ng pagkakataon para maibunyag sa lahat ang baho ng kanilang pamilya.

"What's wrong with you pretty boy? Ayaw mo ba akong makita?" Malandi nitong tanong sakin.

Keeping You Forever✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon