Chapter 5: Reporter

316 37 4
                                    

Arah's POV

"Here. Thank you." Wika ko sa librarian matapos kong isauli ang libro na ginamit ko sa thesis namin.

Lumabas na ako ng library at sakto namang papasok si Dave. Mukhang kakatapos lang din ng practice nila.

Naka white t-shirt ito at suot ang pang basketball nitong shorts na green. Naka white sport shoes ito na malinis tinginan.

Oo na, gwapo na itong tingnan.

"You done?" Tanong nya.

"Yeah."

"Let's go."

"How's practice?" Tanong ko habang naglalakad kami palabas ng building.

"Eto pagod." Bigla naman itong ngumiti sakin kaya napa iwas agad ako ng tingin. They way kasi he smile, parang namamagnet ka.

"Oh! I forgot–" Bigla naman akong napa tingin sa kanya. Guess he forgot something dahil kumakapa ito sa bulsa nya.

"Why?" Tanong ko.

"Pwede bang dumaan muna tayo sa gym saglit? Naiwan ko kasi yung phone ko kay Alexander, teammate ko."

"Ok." Maikli kong tugon.

Ng makapasok kami sa gym ay natigilan ang lahat ng kasamahan ni Dave ng makita ako.

Problema nila?

"Pare, may bago ka palang girlfriend ngayon?" Bigla naman akong nagulat sa sinabing iyon ng medyo mayabang nyang teammate.

Lumapit naman si Dave dito kaya hindi na ako sumunod sa kanya. I just stood sa entrance ng gym kasi wala naman akong kakilala sa kanila.

Dave and that guy talked for a few seconds bago ito lumapit sa isa pa nyang kasamahan na iniabot sa kanya ang phone nya. That must be Alexander.

Matapos non ay umalis na kami saka nya ako hinatid sa amin.

***

"Ate! Nandito na yung Dave. Lumabas ka na jan!" Mabilis naman akong napa suklay ng buhok ko sa harap ng salamin.

"Oo. Lalabas na." Sagot ko kay Steve. Rinig na rinig ko nga mula sa kwarto ang halakhak ni mama tsaka ng unggoy na yun.

Ano na naman kaya ang pinaguusapan nila?

Nakilala na din nilang lahat si Dave ng maihatid ako kanina.

Naalala ko tuloy kung pano maging reporter si mama.

Flashback

"Good evening po." Magalang na bati ni Dave kay mama na kakauwi lang galing sa ospital.

"Ikaw ba si Dave? Pasok ka hijo." Anyaya naman ni mama sa kanya papasok sa loob ng bahay. Hindi naman ganun kalaki ang bahay namin. Dalawang palapag lang atsaka mga simpleng dekorasyon.

Tumango naman si Dave saka sumunod kay mama sa loob. Na ikwento ko kasi kanina sa call kay mama na darating ang kaibigan ko.

Nakita kong tinuturuan ni Steve si Fina sa may kusina.

Binigyan naman ako ng makahulugang tingin ni Steve na inilingan ko na lang.

Keeping You Forever✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon