Chapter 6: Dinner

308 35 3
                                    

Arah's POV

Sa isang sikat at mamahaling restaurant napili ni Dave na mag dinner kami. First time ko din makapasok sa ganito kagarang restaurant.

Hanggang yaki mix lang kaya ako. But anyways, gusto ko ang ambiance ng lugar.

Tahimik, formal at very cozy.

May nag p-play din ng piano 'di kalayuan sa kung nasaan kami.

Pinaupo muna ako ni Dave saka sya umupo sa kanyang upuan.

"Umorder ka na." Aniya saka nilagay ang table napkin sa collar ng polo nya. Tumingin naman ako sa menu na nasa mesa at halos malaglag ang panga ko sa nakita.

Geez, masyado namang expensive ang prices sa menu nila. Made in gold siguro yung mga utensils and stuffs.

Narinig ko namang napa tawa si Dave sa harapan ko.

"Don't worry, si dad ang may ari ng restau na ito. Pick what you like." Wow. Grabe. Mukhang mas mayaman pa ang mga Imperial kesa kay Bill Gates eh.

"Sabi mo eh." Wika ko saka nag simula ng pumili at sinabi sa waiter ang gusto ko.

Ilang minuto lang ang lumipas ng dumating ang order namin kaya nag simula na kaming kumain.

"I like your mom, she's kind." Pag umpisa nya. I smiled.

"Ganon talaga yun, lahat ng mga visitors ko iniinterview nya ng bongga." Sagot ko saka sumubo ng dessert.

"Bakit? Madalas ba bumisita suitors mo?" Napa tigil naman ako sa pagkain at napa tingin sa kanya na ngayon ay naka tingin din sa akin.

There is really something on the way he stares at me. Hindi ko lang masabi kung ano yun.

And wait, why do I see jealousy on his eyes? Geez, Arah. Nababaliw ka na. Bakit naman magseselos si Dave? Kayo ba?

I shook the thought out to my head saka tumikhim.

"Nope. Isang beses lang naman sila bumibisita. Pag hindi ko gusto, pinagsasabihan ko para hindi na umasa. That's why, I don't have that constant suitors you're talking about." Saad ko at uminom ng tubig.

Bigla naman itong ngumiti na ikinataas ng kilay ko.

"Ganon?"

"Yes."

"Hanep ha, you're too frank. Hindi mo na binibigyan ng chance yung guy."

"What can I do? Wala akong natipuhan. I can't teach my heart who to love, can I?" Tumango naman sya saka kami bumalik sa pag kain.

"Naka ilang boyfriends ka na ba?" Bigla nyang tanong.

"Fictional characters ba or reality?" Bigla naman syang humalakhak.

"I get it that you're in love with reading and all, pero boyfriend in real world." I just rolled my eyes at him.

"I've never had any boyfriends." Sagot ko na naka tuon lang sa pagkain ang tingin. Ramdam ko namang napa hinto at titig ito sa gawi ko.

I'm not ashamed na wala pa akong naging boyfriend since. I'm just proud to say na nag hihintay lang ako. Kung wala namang dumating, hindi ko pipilitin.

Pero 'di pwedeng wala no.

"What? Wala ka pang naging boyfriend ever since?" Hindi makapaniwalang tanong nya sakin.

"Oo nga. Bakit ba? Required ba lahat ng girls magkaroon ng boyfriend?"

"Hindi naman. But, I think hindi naman strict yung mom mo and your brother Steve. So bakit 'di ka pa nagkaka boyfriend?"

"Wala lang. Ayoko lang. Disturbance lang kasi, isa pa, ewan, wala talagang akong nagugustuhan sa mga nanligaw sakin."

"Pihikan ka ba sa mga lalaki? Sa ganda mong yan? Akala ko nga naka ilang relationships ka na." Bigla naman akong nabulunan sa sinabi nya. Mabilis nya akong inabutan ng tubig na tinanggap ko naman.

Nakaka shock naman ang lumalabas sa bibig ng taong 'to.

Boys and their lame lines.

"I'm not pihikan. Wala naman sigurong masama na kahit maganda ka wala kang boyfriend, right?"

"Sabagay." Kibit balikat nyang sagot. Ibinaba ko naman na ang hawak kong utensils.

"So, can I have an interview with you na?"

"Sure. Mag tanong ka na." I play the record button ng phone ko saka sya sinimulang tanungin about his sports life.

Minsan inaasar nya pa ako kaya natatagalan sya sa pag sagot sa isang tanong. Can't deny na nag enjoy naman ako kahit napipikon ako.

"Dave?" Tawag ko sa kanya. Napa titig naman sakin si Dave.

"Wow, first time kong narinig na tinawag mo ako sa pangalan ko ha."

"Sige, mr. Imperial na lan–"

"Oh wag na! Dave na lang. Hi Arah!" Parang adik nitong wika na may pa kindat pang nalalaman. I rolled my eyes.

"Arah pala ang nickname mo, nice bagay sayo." Dagdag nya pa na inilingan ko na lang.

"Thanks, but last question." Wika ko. All ears naman itong naka tingin sakin.

"Sure, what is it?"

"Kelan nga pala ang finale ng game nyo?"

"2 weeks from now, its November 9."

"Anong school ang makakalaban nyo?"

"B.U."

"B.U? Hindi ba, sila yung nanalo last semester?"

"Oo nga, sila. Pero binawi kaagad namin."

"Didn't they won 3 consecutive championships for the past few seasons?" Kunot noo kong tanong. Nalaman ko lang din ito kay Dina, dahil isa sa basketball player ng B.U ay naging boyfriend nya.

"Yeah, I was still in highschool that time. But when I arrived, that's the time where we started winning." Pagyayabang nito na may bahid namang katotohanan. Napa ikot na lang ako ng mga mata.

"Yabang mo talaga David James Imperial."

"Totoo naman. Maki update ka para malaman mo ang lahat." Naka ngiting saad nya.

"Tsk. Alam ko naman na kung sinong team ang mananalo." Wika ko saka pinindot ang end button ng voice recording.

"Who do you think?"

"Ang B.U syempre. Pa chamba chamba lang naman yung satin. Naka 2 consecutive champs kayo tapos nabawi naman agad nila and at the end of the last semester, kayo na naman. I'm sure babawiin na naman yan ng B.U." I said.

"No way. I won't let them win." Madiing wika nya. I smirked.

"What if you lose?" Pang aasar ko. His face turned dark.

"We will win." Kumpyansa at matatag nitong sambit.

"Owss.. pano nga kung matalo kayo?" Pilit ko pa. Hindi naman sa wala akong tiwala sa Blazing Wildcats na nag rerepresent ng school namin. Gusto ko lang talaga mapikon ang unggoy na ito.

"Mananalo kami. Gusto mo pustahan tayo?" Pang hahamon nya.

"Oh sure. Pag natalo kayo, you'll do everything I want." Wika ko. Game naman ako sa mga ganito dahil alam kong ako ang mananalo. And I'm not scared.

"Sure. I will be your servant and you will be my beloved highness, pag natalo kami. But if we win, you....." Turo nya sakin habang may ngisi sa mga labi.

"What?"

"You will be my girlfriend for all the time I want... Deal?"

Keeping You Forever✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon