Chapter 15: Trust

67 11 5
                                    

Arah's POV

Dial lang ako ng dial kay Dave but no one's answering. I'm starting to get annoyed dahil halos dalawang oras na akong naka tayo sa waiting shed kung saan nya dapat ako susunduin.

Sinabi nya kasi na may dadaluhan kaming party.

Nasa harapan ako ng building ng isang news station dahil nag observe kami kanina kasama ng school's journalists at 3 hours ago, Dave told me na susunduin nya ako and it's already 9pm.

Ng hindi ko ma contact si Dave ay dinial ko naman ang number ni Jake. Baka kasi magkasama silang gumala, imposible naman kasing tulog na si Dave sa oras na 'to dahil nga sinabi nyang susunduin nya ako.

Besides, 10-11pm natutulog ang damuhong yun dahil nag te-text pa kami.

Ilang segundo bago ni Jake nasagot ang tawag.

[Arah?] Wika nya sa kabilang linya. Rinig ko ang maingay nyang background music.

"Hello Jake? Is Dave with you?"

[Ah si Dave? Oo, he's with me. Parang naglalasing nga ata eh.] Sagot nya naman. My forehead creased.

"Kanina pa ako tumatawag pero walang sumasagot. Nasaan ba ang phone nya?"

[Hindi ko alam. Gusto mong kausapin sya?]

"Nope. Nasaan ba kayo ngayon?" I started to hail a cab.

[Nandito sa birthday party ni Alexander. Yung basketball mate nga ni Dave.]

"That P.D.A entertainment bar?" So he'll bring me on a birthday party.

[Oo.]

"Sige. Thank you. Bye." Sumakay na ako sa loob ng taxi at sinabi ang paroroonan. I don't know what's going on with Dave's mind at naglalasing ngayon.

He told me he don't drink that much lalo na kapag nasa party sya ng myembro ng basketball team.

Ng makarating kami ay agad akong pumasok sa loob na sinalubong naman ng nakaka binging ingay at usok mula sa mga sigarilyo at vape.

"Ang ingay naman dito." Bulong ko sa sarili saka nakipag siksikan para maka alis sa entrance ng lugar.

I breathe a sigh of relief ng makalabas sa masikip na entrance na yun. No wonder why there's a lot of people here, may disco din kasi sa gitna. May mga nag sisigawan din mula sa 2nd floor at sa mga tables.

And I can see some familiar faces din. Yung iba junior pa lang ang iba naman senior students ng school.

I spotted Alexander and his other friends so I started walking towards their direction ng may makapukaw ng atensyon ko 'di kalayuan mula sa kung nasaan ako.

Pinapalibutan sila ng mga estudyante ng school. Because I'm curious, lumihis ako ng lakad saka ito pinuntahan.

Nakita ko din si Chelsea and her other cheerleading squad with their boys.

I am shocked at the scene happening in front of me. It's Dave with that Kate girl who approached me at the grocery.

"Kiss me...." I heard her say flirtatiously kay Dave.

Nanatili lang akong naka tayo sa harapan nila. Dave's back is facing my direction kaya hindi ko kita ang reaction nya while I can clearly see how Kate become a worm na grabe kung maka pulupot sa batok ng boyfriend ko.

Gumigiling giling pa ito while Dave's hands were into a defensive stance. I smiled.

"No, you're drunk. You should take a seat. I'm going. I have to get my girlfriend." I heard Dave replied. Hindi muna ako pumagitna sa kanilang dalawa. I wanted to see how Dave would react. It's not like I don't trust him. I fully trust him. It's the girl that I don't trust.

Keeping You Forever✔Where stories live. Discover now