"Let's say that we'll have a date." Sagot niya.

"Date?" Pabebeng tanong ko. 'Yong mata ko nanlalaki pa.

"Yes, so is that a yes?"

"Ah, okay." Sagot ko; taray ko iniinvite-invite na lang for date. Haba ng hair ko.

"So where would I pick you up?" Parang ngiting-ngiti na tanong niya mula sa kabilang linya. Feeling ko ang ganda-ganda ko.

"Uhm, magkita na lang tayo sa bayan." Sagot ko.

"Okay, let's meet there at 6pm. Bye!" Wala na akong nasabi dahil naibaba niya na ang tawag.

Magpapaalam na lang ako mamaya kay Konsi. Andito naman na 'yon ng 5pm.

Nag-ayos na ako bandang alas kwatro ng hapon, tutal ay na kay Ate Fe si Cassia. Mga ala-sinco ay tapos na ako. Paglabas ko ng kwarto ay narinig ko na agad ang boses ni Konsi.

"Hi Aria? May lakad ka?" Tanong ni Konsi nang magkasalubong kami sa entrada ng hagdan.

"Oo e, magpapaalam pa nga lang ako sayo." Nahihiyang sabi ko.

"Of course, it's your right! Hindi naman kita inoobliga kay Cassia. Pero I am thankful sa pag-aalaga at pagmamahal mo sa anak ko." Nakangiting sabi niya. Dinisplay na naman niya ang perfect set ng mga ngipin niya. Pang toothpaste commercial.

"Wala yon Konsi, parang anak ko na rin si Cassia, mas malaki nga ang dapat kong ipasalamat sayo kasi kinupkop mo ako." Ngumiti rin ako sa kanya .

"Ay sige na h'wag ka naagdrama at baka malate ka sa gig mo." Natatawang sabi ni Konsi, kamuntik ko p siya mahampas sa braso. Mabuti't napigilan ko.

Tumango na ako sa kanya at hindi na tinama ang hula niyang may Gig ako.

"Mauna na ho ako Konsi." Paalam ko, pero natigilan sa pagtalikod dahil sa pagkunot ng noo niya.

"Anong Ho? Wag mo naman akong patandain masyado, I'm only 30," napapangiting sabi niya. "Konsehal ako ng bayang ito, pero wag mo naman akong ituring na matanda. Okay na sa'kin yong pagtawag mo ng 'Konsi' I actually like it." Ngumiti pa siya na may kasamang tunog. "Isipin mong housemate mo ako o parang kuya, isipin mong para kang si Rima sa akin. Kahit di ako n'un sobrang ginagalang." natatawang sabi niya, pero ang puso ko parang kinuyumos, 'kapatid' hanggang d'un lang kami.

"Aria? Aria?"  Napamulagat ako sa pagtawag na iyon ni Konsi, hindi ko namalayang napatulala ako.

"Ahm, oo, aalis na ako." pagkasabi ko noon ay nagmamadali akong lumakad papunta sa main door.

Halos iyon lang ang tumatakbo sa isipan ko habang ako ay naglalakad. 'Wag ka na umasa Ariana Reyly Trinidad, walang mangyayari sa totoong buhay, hanggang panaginip lang ang mga ambisyon mo. Hindi ka kasing ganda at kasimpalad ng ate mo!'

Umiling-iling ako para mawala iyon sa isip ko. Kailan man ay hindi ako nakipagkompitensya kay ate. Oo hindi ko narating ang mga narating niya, pero hindi naman ako pinabayaan ni ate.  Kinalma ko ang isip ko at pumikit habang naglalakad, huminga ako ng malalim. Ewan ko kung bakit biglang parang nakita ko ang nakangiting si Konsi, nung sinabi niya na gusto niya ang tawag ko sa kaniya. Dumilat ako at napa-iling ulit. Oo na, inaamin ko naman na crush ko na si Konsi. Ang pogi niya kaya, tapos ang bait-bait pa niya sa'kin, kahit sabihin pang kapatid ang turing niya sa'kin. Attracted pa rin ako sa kanya.

Natigil lang ako sa kilig na nararamdaman ko nang mag-ring muli ang cellphone ko.

May message ulit si Lucas.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz