Unang Kabanata

Zacznij od początku
                                    

“Uhhh. Kathryn?” tawag niya sa dalaga pero hindi siya narinig nito dahil biglang nag salita ang emcee sa harapan kasabay ng hiyawan ng mga tao dahil sasabihin na kung sino ang nanalo.

“Good evening handsome men and beautiful women ! Im here to announce to you the King and Queen of the night !” at nag palakpakan ang mga tao. Ang iba ay may pumipito pa. “I  got the two names here in my hand.”

Binuksan niya ang sobre at nag sigawan ang mga babae. Napahigpit naman ang kapit ni Kathryn dahil alam niyang kasama siya sa pinagpilian. Ayaw niyang manalo kaya siya kinakabahan dahil mayroon siyang kaunting stage fright.

“Wag kang kabahan. Nandito lang ako para sa’yo.” Bulong ni Lucas habang hawak ang kamay ni Kathryn.

“First, let’s call on for the King of the Night…”

Kanya-kanyang hiyawan sila ng iba’t-ibang pangalan.

“Our King of the Night is….. Mr. Enrique Mari  Gil.”

At nag talunan ang mga kabarkada nito. Kahit na ang nobya niya ay humalik sa kaniya sa sobrang tuwa. Tinutulak siya paakyat ng kanyang mga kaibigan hanggang sa nasa taas na siya ng stage. Tumayo siya sa tapat ng upuan at isinuot sakaniya ang simpleng korona na gawa ng head students. Kinamayan siya ng emcee at kinawayan niya ang mga kaibigan niya na nag sigawan na naman.

“Now, every King has a Queen…”

Paulit-ulit nilang isinisigaw ang pangalan ni Aya at Kathryn na talagang nag laban sa iisang posisyon. Hindi man sila mag kakilala, alam nila kung sino ang isa’t isa sa itsura.

“The number of vote was very near. The winner was over one vote on the runner-up. Let’s not wait any longer, Our Queen of the Night is… Kathryn Chandria Bernardo.”

Kasabay ng malakas na hiyawan ng kanyang mga kaklase ay ang pagkahina ng kanyang mga tuhod ant ang pagka lamig ng kaniyang mga palad. Pinalakpakan din siya ni Aya at naka ngiti pa ito sa kaniya dahil sa eskwelahan nila ay hindi uso ang mga away.

Tinapatan siya ng ilaw at agad naman ngumiti si Enrique ng makita ang magandang mukha ng dalaga. Hindi niya ito ka-close pero kilala niya ito dahil naririnig niya na ang pangalan nito at minsan na niya rin itong nakasama sa mga contest at school events nila tulad ng cheering. Active na student si Kathryn kaya siya siguro ang nanalo.

Dahan-dahang nag lakad si Kathryn paakyat ng stage at nasa may hagdanan na si Enrique. Nasa harapan niya ang kamay ng binata, at hinawakan niya ito at sabay silang tumayo sa harapan ng dalawang upuan. Sinuotan siya ng magadang korona at binigyan din siya ng bulaklak. Magka hawak pa rin ang kamay nilang dalawa at ang takot ni Kathryn ay nawala.

Gumaan ang pakiramdam niya. Mabilis ang tibok ng puso niya dahil napaka saya niya ngayon. Sa unang pagkakataon, nalapitan niya ang lalaking nagpapatibok ng puso niya simula ng pumasok siya sa eskwelahan na ito. Napansin niya ito nung unang linggo pa lang niya dahil tinulungan siya nito ng malaglag ang mga gamit niya mula sa locker. Hinding-hindi niya makakalimutan ang magandang ngiti nito. Hanggang ngayon, pag na aala niya ito ay nakakaramdam siya ng init sa kanyang pisngi.

“You may have the last dance…” sabi ng emcee sa dalawa. Nagulat naman si Kathryn dito at hindi niya alam kung tatanggapin  niya ba ito. Kinuha ni Enrique ang hawak-hawak niyang bulaklak at ipinatong sa upuan at inalok niya ang braso niya sa dalaga. Walang ibang nagawa si Kathryn kungdi humawak sa braso nito at sabay silang bumaba ng stage at pumwesto sa gitna.

Nasasaktan si Lucas dahil nakuha na niya ang sagot sa tanung na matagal na niyang iniisip. Kilalang kilala na niya si Kathryn kaya alam niya kung anu ang ibig sabihin ng mga nigiti nito.

Inilagay ni Enrique ang kamay niya sa bewang ng dalaga at niyakap naman ni Kathryn ang braso niya sa leeg ng binata. Pakiramdam niya ay bumabagal ang oras. Dahan-dahan silang sumusunod sa isang kanta na hindi niya marinig dahil nakatuon ang atensyon niya kay Enrique.

“I wish we have more time together…” bulong ni Kathryn kay Enrique na ikinangiti ng binata.  “Malay mo in the future, tayo ang magkasama..” namula si Kathryn sa sagot na binigay ng binata at napayuko siya ng kaunti. Sunod niya ginawa ay inihiga niya ang ulo niya sa dibdib ng binata at ipinikit ang mga mata. “Sana nga….”

Napadilat ang mga mata ni Kathryn at napahinto sila sa pag sasayaw. Tumigil din ang tugtog at lahat ng estudyante ay napahinto sa kanilang ginagawa. Tumahimik sa buong gymnasium.

Isang malakas na alarm ang nakapag pagawa nito sa kanila. Humiwalay si Kathryn kay Enrique at lumapit siya kay Lucas. “What’s that?” tanung niya na may halong takot. Ngayon lang nila ito narinig at nakakapag taka dahil halos hating gabi na. Hindi ito ang tunog na naririnig niyo tuwing may sunog. Hindi rin ito ang naririnig niyo tuwing tapos na ang klase. Ito ang klase ng ingay na naririnig niyo pag may panganib tulad ng biglaang kalamidad o isang gera.

Nabalot ng takot ang buong gymnasium na kahit ang mga guro ay hindi alam kung anu ang sasabihin sa mga estudyanteng naka abang sa pintuan. Parang alam na nila na may papasok dito at sasabihin na tapos na ang kanilang masayang pagsasama.

“Everyone please… s-stay calm. I’m sure there’s a b-big explanation for what’s going o-on.” Halatang kinakabahan ang kanilang punong guro.

Nabaliwala ang lahat ng sinabing iyon ng may biglang pumasok sa loob ng gymnasium na estudyante at umiiyak. Sumisigaw siya ng tulong. Makikita mo na maganda ang dalagang ito at ang puting gown niya ay ngayon isa ng pula. Hawak-hawak niya ang kanyang leeg at napaluhod siya sa gitna. Tumakbo ang mga guro sa kaniya pati na rin ay tatlo nilang gwardya. Hinila palayo ni Lucas si Kathryn at narinig ni Enrique ang mga sinabi ni Lucas na ikinatakot niya. Pareho sila ni Kathryn na napatakip ng bibig.

“Kailangan na nating umalis. People are dying outside.”

At saktong pag labas ng mga salitang yun sa kaniyang bibig, ay biglang nagwala ang dalagang duguan. Nagulat sila ng makitang nangagat ito ng kaibigan. Lahat na sila ay nag umpisa ng lumabas. Hindi na nila pinakinggan ang mga tawag ng guro.

Napatigil ang mga kabataan ng makalabas sila ng kanilang paaralan. Mga kakaibang tao ang bumungad sa kanila. Sa isang iglap, nag bago ang buhay nila.

~~~

Heyyy yow !! Hahaha so here is the first chapter !! Nag enjoy akong isulat ito at hindi ko alam kung bakit. Hahaha

So like what I said, slow update po ito ah and please share it to your other friends :D !

Thaaank you J xoxox

~S ;) 

Already GoneOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz