“I love you, Enrique.” Bulong ni Aya na ikinabilis ng tibok ng puso ng binata. Naririnig ito ng dalaga kaya iniangat niya ang ulo niya at hinalikan ang binata sa pisngi. Matagal itong nakalapat sa pisngi ng binata at napa pikit pa ito. Pag kalayo niya ay naka pikit pa rin ang binata kaya hinawakan niya ito sa pisngi.

“I love you more, Aya.” sagot ng binata at niyakap ng mahigpit ang dalaga. Maliit ang katawan nito kaya sakop ng buong braso niya ang dalaga. Handa siyang gawin ang lahat maprotektahan lang ito. Hinding hindi niya ito iiwan. “I wish I could live in this moment…” bulong niya sa sarili. At ngumiti lang ang dalaga habang pinapainit ng binata ang kanyang malamig na pakiramdam.

Kinakabahan si Enrique at hindi niya alam kung bakit, pakiramdam niya ay may mangyayari na masama. Alam niyo yung pakiramdam pag may nangyari na maganda sa’yo, awtomatikong may mararamdaman kang masama na pakiramdam. Pag may nangyari na maganda, napapalitan ito ng panget na pangyayari,

“And I'll be right behind your shoulder watching you

I'll be standing by your side and all you do

And I won't ever leave

As long as you believe

You just believe

I'll make a wish for you

And hope it will come true

That life would just be kind

To such a gentle mind

If you lose your way

Think back on yesterday

Remember me this way

Remember me this way”

Sa gitna ng gymnasium may dalawang tao ang nag sasayaw ng mabilis kahit na mabagal ang tugtog. Masayang nag sasayaw si Kathryn sa piling ng kanyang matalik na kaibigan na si Lucas. Pareho silang nakangiti at nag eenjoy sa gabing ito. Wala silang kasintahan kaya silang dalawa na lang ang nag sama. Kahit na ganun, masaya naman sila sa sitwasyon nila. Ang isang kamay ni Lucas ay nasa bewang ni Kathryn samantalang ang isa naman ay hawak-hawak ang isang kamay din ni Kathryn. Nasa balikat ni Lucas ang isang kamay ni Kathryn at sila ay nag sasayaw ng masaya. May paikot-ikot pa silang nalalaman. Mas maliit si Kathryn kesa kay Lucas kaya nag aadjust ng kaunti ang binata.

Para kay Lucas, si Kathryn ang pinaka magandang estudyante sa kanilang eskwelahan. Kahit na naka salamin ito, ay maganda pa rin, idagdag mo pa ang katalinuhan niya. Medyo kulot ang kanyang buhok at may halong kulay tsokolate ang kanyang mga mata. Marami ang nahuhulog sa dalaga pero hanggang ngayon, hindi niya sinasagot ang tanung ni Lucas : “sino ba itong maswerteng lalaki na gusto mo simula dati pa?” . Wala siyang nakukuha na sagot bukod sa isang ngiti at simpleng salita na ‘Secret’ . Madalas niya itong isipin kung sino ang maswerteng lalaki na ito dahil sa kaniya inilalaan ng babaeng mahal niya ang puso nito. Oo, mahal ni Lucas si Kathryn pero hindi niya masabi dahil natatakot siyang mawala ito sa kaniya. Natatakot siya na baka maging iba ang trato nito sakaniya at iwasan na siya at hindi niya ito kakayanin.

“Ui Lucas ! Okay ka lang ba? Bakit bigla kang natulala?” tanung ng dalagang huminto sa pag sasayaw at humarap sa kaniya. Naka kunot ang noo nito at takang-taka dahil kanina lamang ay masaya ito. “Ahh. Wala-wala. Nag iisip kasi ako ng magandang step.” Sinungalin na isinagot ng binata. Sinutok siya ng mahina ni Kathryn sa braso at sinabing, “Ikaw naman oh. Akala ko may nakita kang multo diyan. Haha !” naki tawa na lang si Lucas sa kaniya. Naisip niya na, paano kung umamin na kaya siya? Paano kung siya lang din pala ang iniintay nito? Alam naman nating lahat na nasa huli ang pagsisisi at ito na ang huling taon na mag kasama sila dahil sa susunod na pasukan ay kolehiyo na sila at mag kaiba sila ng papasukan na unibersidad. Magkalayo pa ito at hindi niya alam kung mag kikita pa sila. Humugot siya ng lakas ng loob.

Already GoneNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ