12 Guilty as Hell!

En başından başla
                                    

"O-oo, salamat sa tulong mo."

Ininspeksyon siya nito. "Hmm... Mukhang 'di ka tagarito. Bagong salta ka ba? Saang club ka ba magtatrabaho?"

Club? "Hindi ako nagpunta rito para magtrabaho dito. Ano kasi, naghahanap ako ng makakainan at murang matutulugan ngayong gabi."

"Ganoon ba? Akala ko bagong recruit ka. Maganda ka pa naman. Teka, magkano ba ang budget mo para sa motel at pagkain?"

Sinabi niya ilang pera ang natitira sa kanya at napailing ito. "Tsk, tsk. Walang ganyang ka mura para makahanap ka ng murang hotel room dito. Kahit siguro pagkain kulang pa 'yan. Eh, kung umuwi ka na lang kaya sa inyo?"

"Gusto ko man pero, hindi ko alam saan ako nanggaling."

"What?! Eh, kung 'di mo alam bakit ka nandito?!"

"Masyadong mahabang kwento."

Natigil ito at napaisip. "Sige, tutulungan kita. Kawawa ka, eh. Baka ano pa mangyari sa'yo dito."

"Talaga? Maraming salamat!" Nabuhayan siya ng loob sa sinabi nito.

"Halika, sa akin ka muna tumuloy. Huwag kang mag-alala, ako na din ang bahala sa pagkain. Hintayin mo muna ako dito sa labas at magpapaalam lang ako kay bossing. Diyan ka lang."

"Sige. Maghihintay ako."

Ilang minutong paghihintay sumabay siya rito. Hindi gaano kalayo ang tinitirhan nito. Pumasok sila sa isang maliit na gusali at ng makarating na sila sa tinutuluyan nito, maliit lang espasyo pero merong telebisyon, lamesa, maliit na paliguan at double deck na higaan.

"May roommate ako at nagtatrabaho siya sa kabilang club. Ilapag mo na ang mga gamit mo sa gilid. Nga pala, self-service ka na lang. kahit anong kainin mo diyan, kumuha ka lang o magluto ka. Diyan ka din matutulog sa higaan ko. 'Pag okay ka na, pwede ka ng magpahinga. Nakalimutan ko, ako pala si Alice."

"Salamat talaga sa tulong. Kanina pa talaga ako nagaalaa saan ako matutulog at kakain. Alana po pala ang pangalan ko."

"Nice to meet you, Alana. Sus! Huwag kang mag-alala, dinaanan ko din 'yan. Buti nakaraos din. Oh siya, maiwan nakita. 'Di na ako pwede magtagal, umeskapo lang ako sa trabaho. 'Pag balik ko, usap tayo ulit, ah? Sige, magpahinga ka na." tiyaka umalis agad ito.

Sa ngayon, ligtas siya at makakapagpahinga ng maayos. Buti na lang may tumulong at inalok pa ang munting tahanan para sa kanya.

Kahit maayos ang kalagayan niya ngayong gabi, papaano naman bukas?

[ROMAN]

"We're so happy na sumabay ka sa amin mag-dinner ngayon, Howard."

"How sweet of you, Tita. And salamat po Tito sa pagimbita ninto. Dahil nga marami akong tinatrabaho ngayon eh, 'di ko na kayo nakukumusta. Ngayon, babawi po ako."

"Naku! Ikaw talaga! Hindi naman kami nagtatampo sa 'yo, hijo. 'Pag may libreng oras ka lang naman, pwede ka bumisita sa bahay."

"Sure, Tita. I will do that."

Kapag si Howard na ang humarap sa kanyang mga magulang, nagiiba ang atmosphere. Sa galing pa naman mambola nito, di lang mga babae ang nahuhumaling nito.

Nalaman na lang niya pagdating sa restaurant na inimbitahan ng parents niya si Howard. Magkababata sila at parehas ng kinuhang kurso. Malapit na magkaibigan din ang mga magulang nila kaya kung may gustong itanong o kumuha ng balita about sa kanya, si Howard agad ang tatawagan. They're very close friends pero ibang-iba naman silang dalawa. He is concentrating on his company habang ito naman ay busy sa pagde-date ng iba't ibang babae. Models, actresses, personalities, named it makukuha nito ang amor ng mga babaeng gusto nito. May isang pangyayari na sa sobrang galit niya, sinuntok niya ito dahil sinet-up siya sa isang female model sa hotel room para makipag-s*ex. That's horrible! He punched Howard so hard and pagkatapos noon, hindi na ito umulit pa at hindi na ito gumagawa ng prank para inisin siya.

The Billionaire's AdoptedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin