Napatigil siya sa paghagikgik. Nakaramdam siya ng tension. Kunot na kasi ang noo ni Leo. Medyo padabog na nga ang tono noon.

Humugot siya ng huminga at bahagyang ngumiti.

"Hindi mo naman nakuha ang puri ko, grabe ka kasi. Hindi naman ikaw ang nauna, wala nang nawala. Hindi ako si Maria Clara na kailangang panagutan no. Hindi naman na ako deserving para sa ganoon chovalu dahil di naman talaga karespe-respeto.."

"D*mmit." Nahampas ni Leo ang manibela kaya natigil siya sa pagdada.

"Huy Leo! Problema mo?”

Napatitig tuloy siya dito. Ewan ba niya kung bakit mas hot nito magalit. Seryosong nakatikom ang mga labi. Medyo namumula na ang balat. Sabulong ang kilay at yung mga mata, kapag tumitig, aapuyin ka sa lagnat.

Whoo. Tubig. Tubig. Nakakapang-in-- ay naman! Ano na?!

Kalma, Carmelita. Kalma. Nadidistract ka!

Maya-maya ay huminga ito ng malalim. Mukhang binabawi na ang inis at tumuloy nalang sa pag-park sa gilid ng kalsada.

Teka, bakit nga ba nagagalit ang isang to?

"Listen," naramdaman niya ang palad nito sa kaliwang pisngi. Marahan siyang pinaharap.

"Don't ever belittle yourself because of one f*ck up asshole who took your virginity for some stupid dare. It does not define you, ok?"

Napanganga siya. Ano ba itong pinagsasabi ni Leo?

"You deserve every respect in this world, Babe. You deserve everything."

Lumapit ito sa kanya at nag-kiss. Slight lang. Halos dumampi lang sa kanya pero para na siyang lalagnatin uli.

"L-Leo..."

Kumunot ang noo nito. "Hey, ok ka lang? Mainit ka.”

Oo, nag-iinit ako sayong leche ka!

Alam niyang namumula ang buong mukha niya ngayon pero di niya alam ang gagawin.

"Car?"

"Ano ba kasi?!" Tili nalang niya. Naitulak pa niya si Leo at nasampal.

"Aw. What was that for?"

Ay shet. Napalakas yata.

Kasi naman grabe magpakilig.

"Bababa na ako!" Aniya. Agad niyang tinanggal ang seatbelt at binuksan ang pinto.

"Sandali, sasama--"

Mabilis ang kinilos niya. Lumapit siya at hinalikan ito. Sa lips. Mabilis lang din, para lang mapigilan.

"Hindi nga pwede! Wag makulit."

"Babe naman--"

"Shhss," pinigilan niya uli. Isa pang kiss. Parang bata. "Leo, ikaw naman ang makinig ngayon, ok."

Tumango naman ito.

"Pag pumunta ka doon tapos biglang bubulaga nalang at magpapakilalang boyfriend ko, patay ka sa mga tito ko. As in literal na patay ha? Kriminal ang mga yon. Halang ang bituka. Gets?"

Tumango uli at napalunok.

"Ayoko lang na mapahamak ka," huminga siya nang malalim. "Ipapakilala din kita. Bigyan mo ako ng time."

Pero yung oras nang iyon ang pinakamalaking problema niya. Lalo nga't eto, nagpupumilit na sumama sa kanya. Hindi pa nga niya nasasabi yung taning niya dito sa Pilipinas.

Basta, bahala na si Batman.

"Text nalang kita mamaya." Sabi niya at ngumiti.

"O-Ok, mamaya.." Sagot naman ni Leo na halos di mawala ang titig sa kanya. Parang natuklaw na naman ng kung ano. Kiniss lang naman niya.

Umiling nalang siya at bumaba.

"I l--"

Naisara na niya ang pinto bago pa nakumpleto ni Leo yon. Nagkibit-balikat lang siya. Baka naman di importante yun kaya hinayaan nalang niya.

Kumaway siya sa kotse habang na naglalakad na papalayo. Papunta sa na sa kanto ng compound nila.

Nagtataka lang siya kung bakit maraming kotseng nakaparada sa paligid. Natatanaw din niyang bukas ang gate ng compound nila. Nakakarinig pa siya ng kumakanta sa videoke. Napairap nalang siya.

Jusko. Di parin sila tapos?

Mabilis siyang naglakad papalapit. Ang daming tao. Pamilyar ang mukha pero di niya kilala. Or di niya lang matandaan ang pangalan.

"Oh, andyan na pala si Carrie!" Sigaw nung isa. Nagkapalakpakan pa.

Seryoso. Who are these people?

"Alay naku," singit naman ng Tsong Chi Chi niya. May hawak itong itim na box. Mukhang bago. Mukhang alak. Yung ibang nandoon, ganoon din. May mga hawak na lata ng spam. Yung iba chocolates.

"Ika'y pumaroon na sa loob at mauubusan ka ng pasalubong!"

Anong pasalubong?

"Carmelita!" Tawag naman ng Tita Ana niya. Agad siyang pinalapit at halos itulak na sa loob ng bahay nila. Bukas lahat ang ilaw. Maingay. Parang may party.

"Anong meron? Ba't ang daming tao? Bukas pa naman natin susunduin si Ate--"

"Beh!”

Natigil nalang siya ng may isang blonde na babae ang biglang yumakap sa kanya.

Hmmm amoy imported.

"I miss you na!”

Oh my ghad.

"Ate Rose!"

The Bully and the BeastWhere stories live. Discover now