// Epilogue

7.8K 74 25
                                    

Naging maayos naman ang lahat. Maging si Cheche ay pinaglaban kung ano talaga ang dapat. Ang mali ay kayang gawing tama at ang tama ay nagiging mali. Kailangan lang na maayos itong ipaglaban. At dahil lulong tayo sa bugso ng damdamin ay nagiging tama sa paningin natin ang isang mali.

Pauwi si Cheche galing school. She's now second year college student. Her phone rang before she enter to get home. "Hello Tisoy, andito na ako sa bahay." sagot niya dahil kilala niya ang tumawag. Hindi na niya inintindi ang sinasabi ng kausap dahil sinalubong agad siya ni Mika.

"Hi, Ate Cheche!"

"Hi Baby!" Hawak niya ang phone pero na kay Mika ang atensyon niya.

"Hinatid ako ni Tito Tisoy!" Masiglang sabi ni Mika.

"Ah talaga?" Niyakap niya ang bata.

"Hoy hoy!" Narinig niyang sabi ng isang babae na humabol sa tatlong taong gulang na bata. "Hindi ka nagpapaalam sa'kin. Nakita mo lang na bumukas ang gate tumakbo ka na! Maglaro muna kayo dito ni KC."

Tinuloy ni Cheche ang pakikipag-usap kay Richard. "Sorry, andito na pala si Mikay. Sinalubong ako. Maaga kasi ang uwian kaya hindi na ako nagpasundo sa'yo. Hihintayin pa kita sayang ang oras."

"Saglit lang naman ihatid si Mikay, sana hinintay mo na ako."

"Okay lang 'yun."

"May pasok kasi ako this Sunday kaya hindi tayo makakaalis."

"Edi pumunta ka dito!"

Pumasok siya sa loob at naghubad ng sapatos.

"Grabe naman. Hindi ako makakaninjamoves!" Binirahan ng tawa ni Cheche. "Bakit?"

"Ewan ko sa'yo. Bakit kasi nahihiya ka pa kay, Ate?"

"Saka na paggraduate ka na din. Baka pwede na kitang yakapin sa harap niya. Baka ano isipin nun. Gusto talaga niyang makatapos ka."

Matapos nilang mag-usap ay hinarap niya ang mga dapat aralin at tinulungan niyang maghain si Carla dahil parating na ang Kuya Kurt niya. Carla treated Mika as her daughter so hindi talaga siya pumapayag na hindi pauwiin si Mika kapag Sabado at Linggo. Pumayag naman si Marian na mahiwalay sa Anak para din maging malapit ito sa Ama.

The End

Naging maayos ang lahat dahil sa maayos na pag-uusap lang. Hindi naman kasi kailangang paguluhin pa ang magulo na. Lahat ng bagay ay pwedeng ayusin basta magkasundo lang at walang away. Hindi mo dapat ipagdasal na mapahamak ang taong nagpahamak sa'yo. Hindi mo dapat sila pinaghihigantihan dahil may Diyos tayo na magbibigay ng parusa sa mga taong masasama. Pinagbawal Niya sa'tin na magdasal ng masama.

Salamat sa lahat ng nagbasa. Sana nagustuhan niyo at nakapulutan ng aral.

Written by: iLoveNinjaMoves

April 22, 2017

🎉 Tapos mo nang basahin ang Unfaithful Husband: Retaliation [Completed] 🎉
Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon