// 46. The End

6.3K 55 13
                                    

Matapos mag-usap ni Carla at Kurt ay hindi na mapakali ang huli dahil sa natanggap na katotohanan. Walang dahilan para magsinungaling ang asawa.

Nasa office siya ng tawagan niya si Coleen.

"Hello Kurt, kamusta na si Carla?" answered by Coleen.

"She's okay,"

"Bakit ka napatawag?"

"May gusto lang akong linawin."

"Tungkol saan?"

"Hindi ko na guguluhin pa si Marian pero totoo bang buntis siya?"

Ilang segundo bago sumagot si Coleen. "Paano kung hindi?"

"So, totoo nga na buntis siya? Coleen, humihingi ako ng dispensa sa laki ng damage na nagawa ko sa pamilya mo pero sabihin mo ang totoo."

"Kurt, daanin natin ito sa maayos na pag-uusap. Walang magiging problema."

He sighed. "Malamang mapatay na ako ng taong nagmamahal kay Marian. Ang Tatay niyo. Ngayon ko naisip ang lahat. Patawarin mo sana ako, Coleen."

"Walang pinag-iba ang mangyayari kung papatawarin kita o hindi. Hindi na mababago pa ang nangyari. Wala na akong pagpipilian kundi patawarin ka. Oo buntis si Marian. Pero ilang buwan na naman ang lumipas. Natanggap na niya ang lahat."

"I'm very sorry."

"Pag-uusapan natin 'yan. Sana maging maayos na kayo ni Carla. Magiging maayos ang lahat."

"Pwede ko bang makausap si Marian?"

"Huwag muna sa ngayon. Huwag mo munang isipin ang kalagayan niya dahil ligtas siya. Kaya naming palakihin ang bata. Palalakihin namin siya ng parang isang ordinaryo lang. Parang walang nangyari. Magiging maayos ang lahat kaya sana si Carla muna ang pag-tuunan mo ngayon dahil baka kung ano ang mangyari sa kaniya. Huwag mong hayaan na may mangyaring mas malala pa."

Matapos nilang mag-usap ay napansin ni Kristop si Kurt na nakatakip ang mukha gamit ang dalawang palad. Nakaupo ito habang dinadaanan ng mga tao.

"Kamusta na si Carla?" tanong ni Kristop kaya tinanggal ni Kurt ang kamay niya para tignan ito.

"Kasalanan ko." Binalik niya ang kamay niya sa mukha.

"Sana mapatawad mo siya sa ginawa niya."

Napasandal si Kurt at tumingin sa harap niya. "Ako sana ang mapatawad niya."

"Sa tingin ko nama'y wala nang problema kundi ang kaligtasan ni Carla."

Lumakad ito para iwan si Kurt. "Wait."

Napatigil ito sa paglalakad. "Bakit? May sasabihin ka?"

"Wala kang isusumbat sa'kin?"

Napangiti si Kristop. "Kailangan mo ng karamay at hindi ang taong susumbat sa'yo."

Tumayo si Kurt. "Akala mo kung sino kang magaling. Nakahanda na ako sa sasabihin mo."

Lumingon si Kristop. "Wala akong oras para diyan. Masaya na akong mabalitaan na maayos si Carla. Sisisihin pa ba kita?"

"Masaya ka para sa'min pero ikaw ano? Kung iniisip mong nagsisisi ako dahil hindi ako nakinig sa'yo, oo tama ka. Alam ko na ang laman ng isip mo."

"Mali ka, Kurt. Alam kong hindi malabong mangyari sa'yo 'yan. Alam ko na ang kalakaran ng inosente sa marunong maglaro lang. Oo inaamin ko na babaero ako pero mabuting asawa ako. Alam ko ang resulta ng mangyayari hindi katulad mo. Alalay lang ako sa pag-gawa ng kasamaan pero dadating din ang araw na titigil na ako. Forever dapat ang pag-aasawa tandaan mo 'yan at hindi kung hindi mo na mahal ay hihiwalayan mo na. Sagrado ang pag-aasawa. Hindi alam 'yan ng karamihan. Masaya ako dahil may pag-asa kayo ni Carla. Hindi basehan ang ugali tandaan mo 'yan. You chose what you deserve. Hindi 'yung gagawa ka ng ikasasaya mo para lang saktan ang asawa mo dahil hindi mo gusto ang ugali niya."

Iniwan na niya si Kurt. Walang nasabi si Kurt pagtapos.

Kausap ni Marian ang kapatid niyang si Coleen. Hapon na.

"Ate, gusto ko nang tumulong sa inyo." Marian said.

"Saka na. Kapag nakapanganak ka na. Baka manariwa sa mga tao doon ang nangyari."

"Ayoko lang ng laging nakakulong dito."

"Kailangan ko pa bang sabihin sa'yo na kagagawan mo naman 'yan? Pagtiisan mo muna at para din naman sa'yo 'yan."

"Kamusta na si Carla."

"Mabuti na siya. Nagpapahinga na lang," Marian is so sad at this moment. "Hayaan mo na muna ang lahat. Hindi ka na guguluhin ni Kurt. Alam kong kailangan niyong mag-usap pero hindi pa ngayon. Pag nanganak ka na at maayos na ang lahat."

Iniwan na ni Coleen si Marian para dumiretso sa kwarto.

Meanwhile. Napansin ni Carla ang pagdating ni Kurt. Komportable itong pumasok sa loob ng bahay. Nakita siya ni Carla sa bintana. Nasa loob ng kwarto niya si Karyl.

"Andiyan na ang Daddy mo." Nakangiting sabi nito sa anak kaya tumakbo agad si Karyl para salubungin ang Daddy niya. Pumasok si Kurt sa kwarto na karga karga si Karyl.

"You're not a baby although you're still my baby. Doon muna kayo sa baba ni Carlo ah. Maglaro muna kayo. Mag-uusap lang kami ng Mommy mo."

Lumabas si Karyl.

"Hayaan mo muna ang mga bata na makasama ka. Ilang buwan din silang nangulila sayo." Medyo pasungit na sabi ni Carla.

"Gusto kong kausapin ka."

"Tapos na tayong mag-usap, Kurt."

"Hindi pa."

"Nakausap mo si Marian?"

"Hindi din pero nakausap ko si Coleen. Aayusin natin ang lahat."

"Ngayong alam mo na. Ano ang plano mo?"

"Wa-wala. I mean, hindi na dapat nating ungkatin pa 'yun. Mali na kung mali pero hindi na mababago ang plano kong hindi umalis dito."

"Pa'no si Marian?"

"Paano ka? Mahal kita. Isang kasalanan si Marian sa buhay ko at ganun din ako sa buhay niya. Hindi pwedeng maging kami. Kahit anong gawin mo hindi ako aalis. Ikaw ang mahal ko dahil asawa kita."

"Matapos mong gumawa ng ganiyan, magiging maayos pa ba?"

"Gaya nga ng sabi ni Coleen ay makakayang isa-ayos ang lahat basta nasa pag-uusap lang."

Naalala ni Carla ang sinabi sa kaniya ng Nanay ni Coleen.

"Tapos? Iiwan mo si Marian na single Mom?"

"Walang pinag-iba ito sa paghihiwalay natin. Isang kasalanan lang pero kung iiwan kita para sa kaniya, doble ang kasalanan namin. Kasalanan sa'yo ni Marian at kasalanan ko din ito sa pamilya ko. Mahal kita Carla. Magiging masaya na tayo basta kalimutan na ang nangyari."

"Paano ang anak mo kay Marian."

"Pag-uusapan natin 'yan."

Tumingin si Carla kay Kurt. "Are you sure?"

"Oo. Aayusin natin ang gulo. Mahal kita. Napatunayan ko 'yan dahil akala ko mawawala ka sa buhay ko. Pinagbigyan ako ng Diyos na ayusin ang lahat. This is my last chance. A second chance na akala ko ay naibigay na sa'kin pero ito pala ang pinakamalala." Lumapit ito kay Carla. "I really love you, Carla and even thousand times I say it to you, I'll never get tired."

Umiyak si Carla. "Thanks, Kurt. And also this is my second chance. Binigyan tayo ng God ng pagkakataon. Ayusin mo ang problema kay Marian. Ituring mong anak ang anak niyo. Mahal din kita Kurt. Handa akong mawala ka dahil wala na akong sama ng loob. Pero mahal parin kita."

Nagyakap sila. "Hindi tayo maghihiwalay."

"Ayoko din, Kurt. Hangga't may pagkakataon, ituloy natin. I love you."

"I love you too my wife."

____

Next chapter 'yung prologue and then wait niyo 'yung epilogue. Almost finish na po. Sana may natutunan kayo.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Where stories live. Discover now