// 34. Hacking

1.7K 26 4
                                    

Kristop is willing to keep what Carla said in him. Naghihinala na din kasi siya kay Kurt. Para sa kaniya ay mali ang pumatol sa maling babae. Rule kasi ng mga playboy ay gawing laro ang pag-ibig. He's not the type of playboy na minamahal ang babae kaya hindi siya kailangang mahalin. Para walang masaktan. Babae lang, walang personalan.

But Kurt was telling a lot of things. Baka nga naman babae na ni Kurt ang kinukwento nito sa kaniya na maling mali dahil dalaga at matino ito. Walang alam sa laro.

"Kurt, kamusta?" Nagkita sila sa office gaya ng madalas mangyari.

"Nagkape ka na?!" tanong nito at umupo para magkape.

"Kamusta gising?" Inulit niya ang tanong niya.

"Okay naman."

Lumapit ito sa mesa ni Kurt at tumayo na nakapamulsa. Medyo yumuko pa.

"Mukhang may chicks ka na." Ngumiti si Kristop at napatingin naman si Kurt sa kaniya kaya pansamantalang tinigil ang pagtipa sa phone.

Nilapag ang phone sa mesa at seryosong humarap kay Kristop. "Actually, may sasabihin ako sa'yo."

"Ano naman 'yun?" Nakangiti lang si Kristop.

Kinuha uli ni Kurt ang phone. "Hindi naman siguro masama kung minsan magsaya ako."

Tila kumislap ito sa mata ni Kristop.

"Do you mean, napasagot mo na 'yung girl?"

"Oo." Namilog ang mata ni Kristop. Medyo napatigil siya. Napaiwas ng tingin si Kurt sa kaniya.

"Wow! Okay lang sa kaniya?" Kristop asked while Kurt doesn't want to answer it. "Parang...."

"Ah Kris, pwedeng huwag na nating pag-usapan pa. Sinabi ko lang sa'yo. Pero hindi ko pinagyayabang."

"Okay." Kahit inaasahan ay hindi parin makapaniwala si Kristop.

Meanwhile on their house. Rony visits Carla again.

"Alam mo bang may naisip ako?" Rony said as she's sipping a juice.

"Ano naman yan?" sagot ni Carla. Sila lang sa garden.

"Primary suspect is Marian."

"Parang hindi naman niya magagawa yun?"

"Think of it, Carla. Siya sa ngayon ang pinaka malapit na babae kay Kurt 'di ba?"

"Pero maraming babae sa office na hindi natin nakikita. At isa pa..."

"At isa pa ano?"

"Ayoko nang pag-usapan 'yan. Baliwala na. Pinapahirapan ko lang ang sarili ko. Gusto kong maging peaceful. Ayoko na ng may bumabagabag sa isip ko. Miski si Kristop naiintindihan ako kasi alam niyang buntis ako."

"Paano kung sabihin ni Kristop kay Kurt na nag-usap kayo?"

"Ayos lang. Atleast naman alam ni Kurt ang pinagdadaanan ko."

"No, baka makapaghanda siya."

"No, hindi ako iiwan ni Kurt."

"Si Marian lang ang may kakayahan na agawin siya sa'yo!"

Carla's thinking for a while. "Hindi nga si Marian. At kung si Marian man, alam niyang may asawa si Kurt. She's never been in a relationship. NBSB!!"

"Yan ang mga mapanganib. Hindi pa kasi sila nasasaktan at hindi pa nila kayang kontrolin ang damdamin nila."

"Alam mo, Rony, tama na. Imposible."

"I don't be a villain this time. I can be a savior. Wala namang masama kung alamin natin para sure. Kasi kung tama ako.. katapusan mo na. Marian is damn pretty. Conservative. NBSB. Hindi pa niya kayang masaktan kaya hindi niya kakayaning mawala si Kurt."

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Where stories live. Discover now