// 10. Chatting

2K 34 2
                                    

Gumising ng maaga si Marian at syempre, kinagulat niya talaga ang message ni Kurt. Saka niya nakita ang friend request. She never declined if she knows someone. Kabastusan din kung hindi man lang siya magreply ng kahit pormal lang.

Okay lang kuya. Kayo po?

Natural na pagbigay galang lang. Hindi na niya hinintay ang reply dahil alam niyang busy ito. Pero ang hindi niya alam, hinintay din ni Kurt ang reply niya. Hindi na nga lang niya nakita dahil hindi na din niya chineck. Afterwards, she sent Patricia into school. Regular day and regular moment. Everytime na susunduin niya si Patricia sa tanghali ay nagpapalit siya ng damit. Pagkauwi niya ng tanghali ay nakita niya si Richard.

"Hoy, maglinis ka naman." She commanded but Richard ignores her. Sanay na siya sa kapatid. Naisipan niyang tignan ang Facebook. Nabasa niya ang chat ni Kurt.

Kurt: Ang aga naman.

Kurt: Busy ka nga din pala. Always take care sa paghatid. Nalaman kong ikaw na ang naghahatid sa pamangkin mo. Cheche told me that.

Kurt: I'm sorry if I chat you. Ganito lang talaga ako lalo pag nag aalmusal. Walang magawa

Hindi naman nainis si Marian pero nagtaka siya. Sanay na siya sa mga lalaki na magchat ng nonsense. But this time, mukhang makakareply siya.

Marian: Okay lang kuya.

She didn't want Kurt becomes disappointed after all. Crush din naman niya ang lalaki. Kahit may asawa na, hindi mabigat ang dugo niya. Naranasan na din niyang kumulo ang dugo niya sa lalaking may asawa na, nangbobola pa.

Pero mabilis na nakapagreply si Kurt.

Kurt: Is it okay na ichat ka?

Aalis na sana si Marian nang marinig niya ang buzz. Bumalik siya.

Marian: Okay lang naman.

She smiled. Naisip niyang magiging Facebook friends sila kahit friend na sila. Iba pa din 'yung close sila sa Facebook. There's nothing wrong. Chat lang naman.

Kurt: Musta araw?

Narealize ni Marian na hindi lang pangangamusta ito dahil halatang gusto din siya nitong ichat.

Marian: Mabuti kuya. Nasa work ka diba?

Kurt: Yeah pero hindi naman sagabal ang chat kung paminsan minsan. Tinitignan ko lang sila. I'm supervising those employees. Nothing to worry.

Marian: Nasabi nga sakin ni Cheche na mataas ang katungkulan mo

Kurt: Hindi naman. Napromote lang as general manager. But dati naman akong assistant.

Alas dose ang uwian. Kailangan na niyang sunduin si Patricia.

Marian: Susunduin ko na si Patricia. Mamaya nalang kuya.

Hindi na pinansin ni Marian pero pag-uwi niya ay nabasa niya ang reply.

Kurt: Salamat sa time. Hindi ko expected na ichachat mo ako.

Napangiti lang siya.

Marian: Okay lang. Basta may time akong magreply

Marian didn't ask Kurt about his wife. Feeling niya, labas na sa usapan ang asawa nito para tanungin pa niya. Siguro naman alam ni Kurt ang ginagawa niya. Aalis na sana siya dahil kailangan na siya sa palengke nang nagreply agad si Kurt.

Kurt: Talaga? Actually, wala akong kachat. Naglilibang lang ako minsan kaya nachat kita. So, pwede pala akong mag chat sayo anytime?

And again, Marian simply smiled.

Marian: Basta hindi din ako busy. Mamaya nalang kuya. Pupunta na akong palengke. Sa pwesto namin.

Hindi muna umalis si Marian para mabasa ang reply. Alam niyang magrereply ito.

Kurt: Okay, take good care.

Umalis na si Marian after niyang iseen si Kurt. Baka magreply pa kaya hindi na niya chinat.

Regular routine.

Umuwi na sila. Pumasok agad siya sa kwarto. Hindi niya inaasahan na may reply uli si Kurt.

Kurt: Basta pag wala kang magawa, chat mo ako o ichachat kita. Reply ka lang.

Mabilis siyang nagreply.

Marian: Sige, okay lang. Wala din akong kachat.

Marian was giving a reason but Kurt doesn't believe. Sa ganda niyang 'yan, walang kachat? Natuwa si Kurt habang naglalakad sa loob ng company na pinagtatrabahuhan niya. He was in 52th floor.

Kurt: Ganun ba? So, tayo nalang magchatmate.

Kurt was projected what happened. Alam niyang willing si Marian na ichat siya dahil madali sa babaeng dalaga na makahanap ng kachat. Pero sinabi nito na wala. Natuwa siya habang naglalakad. Papirma lang ang mabigat na trabaho niya dahil lagi siyang naglalakad o pwede namang umupo na lang. Sakto na magkaroon siya ng kachat. Even it's just in a phone.

Marian: Okay lang kuya. Kesa lagi akong nakatingin sa mga friends ko.

Humaba ang usapan. May sariling computer si Marian sa kwarto niya. Walang makapigil. Naging close sila ni Kurt hanggang sa tanghali kinabukasan ay may nabasa siya.

Kurt: Bakit wala kang boyfriend. Ang ganda ganda mo pa naman.

Ugali na ng lalaki pero hindi niya inaasahan sa chat na 'yun.

Marian: Ayoko pa. Walang magustuhan.

Nakatingin si Marian sa picture ni Kurt lalo na nung nagswimming sila. Kita niya ang perfect shape ni Kurt. Kung magkakaboyfriend siya syempre, ganung lalaki ang gusto niya.

Kurt is typng...

Nakita niya ang oras. 11:45 am. Tumayo siya. Nakita niya si Richard. Kung nauutusan lang sana ang kapatid niya, hindi siya mabibitin sa chat. Nakaisip siya ng idea..

"Tisoy!" Timingin ito sa kaniya. "Bigyan kita 50, sunduin mo si Patricia."

"Ayoko nga."

"Ang tamad mo talaga." Bumalik siya sa kwarto.

Kurt: Ang ganda mo kasi eh. Pasensya na ah. Ugali na naming mga lalaki na maging open sa babae. Hindi bola yun. Sana wag kang mainis kung pinupuri kita. Totoo naman kasi.

Nakaramdam ng kilig si Marian. Naalala niya na tama ang kaibigan niya na kahit may asawa na ang lalaki, basta gwapo, nakakakilig parin. Pero hanggang doon na lang.

Marian: Alam ko yun kuya. Kahit yata hindi mo sabihin, alam kong walang lalaki ang hindi nagagandahan sakin jk

Kurt is typing...

Tumawa si Marian after that and hindi niya magawang magpaalam. Lumabas siya ng kwarto.

"Tisoy, isang daan na. Dali na. Tinatamad lang ako." Naisip lang ni Marian na minsan lang naman. Nag-enjoy lang sa topic.

"Ayoko!"

Hindi niya mapilit si Richard. No choice na.

Kurt: Hahaha! Oo nga naman. Bakit ba sinabi ko pa?

Marian is typing. She already typed... 'Mamaya nalang uli' but Richard went to her room. She doesn't enter it yet. "Sige Ate, pwede na 'yan." Ngumiti si Marian. Hindi biro ang isang daan na pangdagdag sa baon. Nakamotor naman at walang kahirap-hirap. Kalaban lang ay katamaran.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum