// 4. She Caught His Glance

3.6K 40 4
                                    

Naghahalungkat si Marian ng damit para isuot. Nakita niya ang isang masikip na pantalong hindi na niya sinusuot. Sinukat niya. Napansin niyang komportable siya pero hindi gaanong attractive dahil simpleng t-shirt lang naman ang suot niya. Naalala niya ang sinabi ng Ate niya.

"Magsuot ka ng maiksing shorts. Ipakita mo 'yang hita mo. Mahiya ka naman sa sarili mo!"

Back then, she didn't appreciate her Ate because, mas nahihiya siyang magpasexy. Ngayon alam na niya ang kahulugan ng lahat ng sinasabi ng Ate niya. Mismong ang sarili niya ang napapahiya sa mismong sarili din niya dahil ang isang gwapong lalaki na dapat ay binigyan siya kahit man lang ngiti dahil nagbatian ang mga bata sa harap nila ay hindi nangyari dahil nga hindi siya pansinin. Medyo maliit na nga siya, parang daig pa ng isang babaeng may asawa ang pormahan niya.

She anyway won't care before but now it happened to break it. Hindi kailangan pero mali pala na hindi ipakita sa tao kung ano ang merong ipagyayabang ka. Kung sabagay, hindi naman siya kilala sa school kaya hindi na maninibago ang mga tao doon kung bigla niyang ibuyangyang ang maputi niyang hita. Walang peklat, makinis and it has a good shape as well na kakabaliwan ng marami.

Ginupit niya ang pantalon dahil wala naman siyang maiksing shorts. May oras pa naman. Then nagtry siyang isuot.

Mukhang napaiksi yata. Nainis siya pero wala nang second chance dahil bukod sa walang available na pantalon para gupitin, sayang ang shorts na ito kung hindi niya gagamitin. Nakakapanghinayang ipamigay dahil may tatak ang pantalon. She tries to have it on then tumingin siya sa salamin. Kalahating katawan lang niya ang nakikita pero alam niyang okay naman kung titignan pa niya sa ilalim.

Nakikita niya ang sarili niya sa ibang babae na may maiksing shorts. Pero masyado siyang magiging concious dahil hindi siya sanay. She wears fit shirt. Kita ang ganda ng katawan niya. She says 'Bahala na' basta lang hindi siya magmukhang kawawa sa paningin ng Kurt na 'yun. Inaasahan niyang magkikita sila. Pumikit muna siya at nag sign of the cross bago lumabas ng bahay.

"Wow sexy ah!" Bati ng kapit bahay nila na babaeng kaclose naman niya.

"Ayy pwede ba! 'Wag mo nang punain? Minsan lang 'to!" Nairitang sagot niya pero nakangiti.

Masyado nang natural ang biruan na ganun sa lugar nila but now parang nahiya si Marian kahit hindi niya pinahalata.

"Tama 'yan Yanyan. Paarawan mo naman 'yang balat mo!"

Gumaang ang loob ni Marian dahil hindi naman ganoon ka daring ang dating dahil sa biro sa kaniya. Naisip niyang, nasa panahon siya ng makabago, hindi sa makaluma. Makabagong kasuotan at makabagong pananalita. Kahit may pagkamakaluma ang Ate niya, hindi naman ito magpapahuli sa mga sinusuot.

Pagpasok sa gate para sunduin si Patricia ay taas noo siyang naglakad. Hindi pa kasi siya gaanong kilala pero na-aalangan nga lang siya dahil feeling niya, sinusundan siya ng tingin ng mga lalaki. Si Kurt lang naman ang dahilan niya pero naisip niyang ituloy-tuloy na dahil iba pala ang pakiramdam. Isa pa sa nakikita niya ay may ibang kapwa babae niya ang naiinggit. Hindi sa pagyayabang pero masarap sa feeling ng may kapwa babaeng humanga sa katawan mo dahil wala itong halong pagnanasa.

Sakto lang ang oras dahil marami na siyang nakitang magulang na nakaabang. Ginala niya ang tingin niya, nilibot niya nang biglang magtama ang paningin nila ng taong nagngangalang Kurt. Umiba agad siya ng tingin. Sakto!! Napangiti ang kunsensya niya habang seryoso naman siyang nakatingin sa nagtuturo na Teacher.

Lumipad ang utak niya. Hindi pa siya kuntento sa sulyap ni Kurt dahil kahit alam niyang nakita na siya nito, gusto niyang makita si Kurt na nasesexihan sa kaniya. She doesn't know why she feels it but she means nothing. Siguro nachallenge lang siya. Gusto niyang balikan ng ngiti si Kurt pero nahiya na siya. Baka nahalata ng mga malalanding magulang sa paligid ang nangayari.

"Tita!!" Bati sa kaniya ni Patricia dahil labasan na. Kinuha niya ang malaking bag nito at binitbit. "Hoy Karyl, nagpapakarga ka na naman. Hindi ka naman baby!!" Pang-aasar pa nito sa kaklase.

Napalingon siya. Napansin niyang nakangiti si Kurt sa kaniya. "Gusto kong karga eh!" Maarteng sagot ni Karyl. Tinaasan siya ng kilay ni Kurt pero papaalis na siya. Ngumiti lang siya tapos tinuloy ang paglalakad.

She wondered why Kurt has smiled at her? Maybe dahil sa mga bata pero pakiramdam niya, nakasunod sila sa kaniya. "Carlo, walang kakarga sa'yo!" Patricia yelled.

Malimit nang mag-usap usap ang mga bata paglabasan. Hindi lang naman si Karyl at Carlo ang binabati ni Patricia pero nagkataon na malapit ang kambal kaya habang naglalakad ay dama ni Marian na malapit lang sila Kurt.

"Nahihirapan si Mommy magtulak ng bag mo oh. Help mo dapat siya." Suddenly Kurt uttered and she heard it coming from her back. Kailangan niyang lumingon at ngumiti para hindi naman gaanong mapahiya si Kurt.

Ganoon na nga ang ginawa niya but another sudden moment. "Hindi ko po siya Mommy! Dalaga pa si Tita. Si Mommy may sakit." sabi ni Patrcia gamit ang malakas ng boses kaya ngumiti siya uli. Everytime na magbabanggaan ang tingin nila ni Kurt ay nahihiya siya. Hindi niya inakala na iisipin ni Kurt na siya ang Mommy. Ang bata niyang tignan.

"Ay sorry sorry, oh my god, I thought she's your Mommy." Nakatingin sa kaniya si Kurt habang nagsasalita ito. Regular smile. Cute even he doesn't wanna be. Hindi mo iisiping nagpapacute dahil all arround cute si Kurt.

Nakarating sila sa kalsada. Nag-abang siya ng masasakyan. "Where's your bike?" Rinig niyang tanong ni Karyl. May pagkamadaldal din.

Inunahan na siya si Patrcia na sumagot. "Hindi po ako marunong magmotor." in a childish tone with a smile at nagbanggaan na naman ang tingin nila ni Kurt. Umiwas na naman agad siya.

"Saan ba kayo? Idadaan na namin kayo." Unexpected words came from Kurt. She has to refuse it dahil nakakahiya na.

But... "Sakay na kayo!!" Aya ni Karyl. "Di ba pareho lang tayo ng dadaanan?"

Napansin niyang napatingin si Patricia sa kaniya. "Tita, noon sumabay kami sa kanila nung walang dalang motor si Mommy."

Hindi pa siya nakakatanggi ay nakangiti na sa kaniya si Kurt. Paano ba siya tatanggi kung gusto niya. Paano ba siya tatanggi kung mukhang bukal sa loob ni Kurt na isabay sila? "Sumabay na sila noon. Taga doon sila." Tinuro ni Karyl 'yung daanan.

"Okay, if you want?" Tumingin sa kaniya si Kurt. Nakakahiya nang tumanggi. "For making not our kids get bored on the way." nakangiti sa kaniya si Kurt.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Kde žijí příběhy. Začni objevovat