// 25. Feelings Be Like

1.6K 21 3
                                    

"Nakakapagtaka lang," Kurt said. Habang kausap niya si Marian sa kabilang linya. "Minsan ka lang kasi magyaya ng ganito."    

"Boring kasi eh." sagot ni Marian. Currently her breaktime and does eating with her friends. Wala naman silang pakialamanan kahit kumakain pa at may kaniya kaniyang kausap sa phone.

"What if I'm not able?"

"Bakit?"

"Well, hindi ko inaasahan na 'yan ang isasagot mo."

"Bakit uli?"

"Dahil akala ko 'okay lang' ang isasagot mo but I will be able."

"Eh 'yun naman pala eh."

"Wala lang. Masama bang mag-expect? At isa pa, pipilitin mo ba ako kung ayaw ko?"

Ngumiti si Marian. "Kung may lusot ka o magdahilan. Siguro papayag naman ako. Pero madaling malaman sa'yo o sa tao kung ayaw. Kaya malalaman ko kung nagpapalusot ka lang."

Si Kurt naman ang tumawa. "Hey, alam mo naman na confidential tayo. Pwedeng malaman mong ayaw ko dahil kaibigan mo na ang asawa ko. It was a valid reason kaya tingin ko may magandang dahilan naman 'di ba? Pero okay, sasamahan kita kahit saglit lang."

"Wala naman sigurong masama doon." Tumingin saglit si Marian sa mga kasama niya na tila inaalam kung nakikinig ba sa kaniya kahit hindi naman talaga alam ng mga ito ang tungkol sa pinag-uusapan nila.

Meanwhile, naglalakad sa mall si Richard kausap si Carla. Nauuna si Cheche at ang mga bata. Walang kibo si Cheche. Masyado na siyang hirap sa sitwasyon kaya gusto na niyang matakasan pa ang lahat. But Richard is still smilling at her everytime magkakabanggaan ang paningin nila. "Ate, hayaan mo na siya. Basta alam ko naman ang totoo." Richard said to Carla. Pabulong lang silang mag-usap para hindi marinig ni Cheche.

"Nahihiya lang kasi sa'yo."

"Naiintindihan ko 'yun, Ate kaya hindi ko agad sinabi sa kaniya."

"Sana kasi sinabi mo na para hindi siya nagkakaganiyan."

"Alam ko naman po sa sarili ko na hindi ako magbabago kaya ko ginawa 'yun."

"Ma'am," tawag ni Cheche. Tumingin sila. "Kakain ba muna tayo o mamimili na?"

Sumagot si Carla. "Baka unahin na natin kumain. May pasok pa si Richard."

Once again their eyes meet again. Pero halata parin ang pag-iwas ni Cheche kay Richard. Naging seryoso na si Richard. Hanggang sa pagkain nila. Halos matapos na silang kumain nang magyaya si Carla sa mga bata.

"Mga bata, saglit muna tayo sa Toy Kingdom," Napatingin lang sila. "Mag-usap muna kayo."

"Ate wa--"

"Sige na."

Iniwan sila sa fast food. Wala nang nagawa si Cheche.

"Maya maya uuwi na ako. Text text na lang uli." sabi ni Richard.

"Iwasan mo na muna ako." Seryosong sabi ni Cheche. Saglit silang nagkatitigan.

Alam ni Richard ang dahilan pero kailangan niyang makakuha ng eksaktong sagot. "Iniiwasan mo na nga ako?"

"Hindi naman sa ganun." Cheche didn't say directly what she wants. She doesn't have a courage or hindi niya talaga kayang sabihin dahil naiiyak na siya sa lungkot tapos magsisinungaling pa siya.

"May dahilan pa bang iba?" Medyo natakot din naman si Richard dahil iniisip niyang baka anuman ang mangyari ay umayaw na si Cheche. Basta gusto lang niyang patunayan na mahal niya ito at kung aayaw pa si Cheche ay wala na siyang magagawa.

"Kasambahay ako ni Ate Carla," tumingin siya ng seryoso kay Richard. "Close kami, parang mag Ate na kami dahil pareho kami ng ugali. Kaya ko siyang sakyan sa gusto niya at ganun din siya sa'kin kaya magkasundo kami. Kaya akala mo... akala mo siguro, Ate ko siya. Nagpanggap ako para tanggapin mo ako bilang kaibigan. Kahit man lang doon ay maging masaya ako. Pero hindi.. hindi ko akalain na liligawan mo ako." Seryoso din si Richard pero biglang ngumiti. Doon na nagtaka si Cheche. Hindi niya alam kung ano ang kahulugan ng ngiti na 'yun.

"Ano ang gusto mong palabasin? Niloko mo ako? Sinasabi mong may kaya ka sa buhay na hindi pwedeng ikahiya?" Suddenly Cheche wants to cry. "Hindi ko alam na ugali pala ng babae ang magpanggap para lang masabing deserving sila." Tahimik lang si Cheche. Nasasaktan sa katotohanan na narinig niya. "Kaming mga lalaki ay hindi lahat ganiyan. May mga lalaki na totoo at may lalaking hindi na kailangan pang magpanggap. Kung ayaw mo na sa'kin naiintindihan ko. Pero pwede bang bigyan mo pa ako ng kahit konting chance? Hindi ako gaya ng iniiip mo, Cheche. Totoo ako. Pag sinabi kong mahal kita, kahit sino ka pa, totoong mahal kita."

Napatingin si Cheche kay Richard. Nakatingin siya ng diretso na kanina pa niya hindi magawa. Tumulo ang luha niya. Luha na hindi na kailangan pang ikahiya dahil nagsinungaling siya. Miski siya ay hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon.

"Ngayong alam mo na. Mahal mo pa ba ako." Cheche need to clarify everything.

"Matagal ko nang alam 'yan."

Muli na naman silang nagkatitigan. "Alam ang ano?"

"Si Ate. Kinikwento ka niya sa'kin. May Facebook kaya nakilala kita. Makulit ka sa Facebook kaya ayaw kitang kilalanin pa. Pero nang makita ko ang seryosong version mo, Cheche, iba ka pala. Napatunayan kong gusto kita. Kahit gusto ni Ate ang ugali mo. Kahit namention ka niya sa'kin. Kahit sinabi niyang maganda ka at kahit sinabi niyang hindi ka maarte. Baliwala lang sa'kin 'yun. Pero nang makilala kita. Gusto na kita. Ayokong gawin na magsundo sa bata dahil hindi ako sanay. Pero ginawa ko para sa'yo."

Hindi nakapagsalita si Cheche. Pinunasan ang luha at tumayo. Hinabol siya ng tingin ni Richard. "Richard,"

"Bakit?"

"May pasok ka pa. Lika na. Mauna ka nang umuwi."

Lumakad si Cheche na tila hindi na tinapos ang pag-uusap nila. Sumunod naman si Richard na nabunutan ng tinik. His imaginations are expelled in his mind. Nasabi na niya ang dapat sabihin na matagal na niyang naiisip.

"Uy." Tawag niya pero mabilis maglakad si Cheche. "Mag-uusap pa tayo ah."

Tumigil si Cheche. "Late ka na. Bukas na lang."

"Text tayo."

"bahala ka."

Hanggang makarating sila sa Toy Kingdom. "Ate, uuwi na si Richard."

"Ganun ba?" sagot ni Carla.

Napakamot ng ulo si Richard dahil may oras pa naman. Pero need na niyang umuwi dahil hahanapin na si Patricia. Maraming pwedeng dahilan pero ngayong nagkaalaman na ay excited na siya at lalong nagkaroon ng pag-asa.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Where stories live. Discover now