// 14. Getting A Job

1.6K 28 3
                                    

Carla caught Cheche while smilling. "Hoy!" Ginulat siya ni Carla.

"Ma'am!" Nagulat naman siya habang pinupunasan ang mga hinugasang plato.

"Bakit nakangiti ka? May naalala kang nakakatuwa?"

Mabuti at ganoon ang sinabi ni Carla kaya mabilis na naka-isip ng palusot si Cheche. "Kanina, natawa ako sa lalaking nadulas."

Nagtaka si Carla. Bakit ngiti at hindi mukhang natatawa si Cheche? "Sinungaling ka."

"Ma'am, hindi ah."

"Ngiti 'yan eh. Hindi ka natatawa." Sumandal si Carla sa pinto.

"Ngiti lang para hindi OA."

"Sus!" Nakangiting umalis si Carla. Naiwan si Cheche. Hindi malimutan ang text sa kaniya ni Richard. Alam niyang may text na ito pero plano niyang 'wag munang basahin. Nalungkot siya dahil kung hindi sana siya kasambahay, may kapal siya ng mukha para sabayan ang pangbobola ni Richard. She plans to text him but not for a long time that Richard possibly wanted.

Nabasa na nga niya.

Richard: Nakauwi ka na? Text ka naman.

Maraming beses na siyang nakabasa ng ganoon sa lalaki pero mga hindi naman niya gusto. Kung hindi niya nakita ang lalaking nagtext na ito, malamang hindi siya kikiligin.

She replies..

Cheche: Nakauwi na ako, kanina pa. Mamaya na kita itetext. I'm busy!

Siguro naman hindi porke busy, katulong na agad. Hindi ba pwedeng may importante lang na gagawin. Cheche tries to feel not guilty at all. Professional ang peg. After that, she still waits a reply from Richard.

Richard: Text mo ako mamaya ah.

Ugaling pangit ang itsura pero super gwapo ng nagsabi nun kaya iba ang epekto. Allowed siyang magtext o magchat gamit ang phone pero sarili na lang niya ang pinagbawalan niya. Magaang at halos walang ginagawa sa bahay dahil linis, laba lang ang ginagawa niya sa araw araw bukod sa paghatid sundo sa mga bata. Wala naman siyang halos lilinisin dahil malinis naman ang lahat. Kaya kung nakatunganga lang siya, natutulog o may mga bagay siyang ginagawa kahit hindi kailangan. Like, magpunas ng ilalim ng upuan na hindi naman nakikita.

Meanwhile, Marian feels contentedly happy. Laging excited na mabasa ang chat o text ni Kurt. Parang binata kung ituring niya ito. She found herself thinkin' about what happened if the friendship is going further. Never naman niyang inisip na magboyfriend ng may asawa before but now, nagdadalawang isip siya. Paano nga kaya kung maging sila? Patago syempre. Kaso, baka malaman ng Ate niya, nakakahiya. Isa pa, alam na niya ang resulta, hindi magiging kaniya si Kurt pero sasaya naman siya. Tutal may sumpa naman, lulubus lubusin na niya at least sumaya siya. Masktan man, nakahanda na siya sa posibleng mangyari. But para sa kaniya, mabait si Kurt. Hindi nito magagawang manligaw sa tulad niya. more on advises lang and kwentuhan. Pwede pa nga siyang ipasok sa trabaho pero umayaw siya sa hindi din niya alam na dahilan. Ayaw niyang mapalapit kay Kurt dahil kung makakagawa sila ng kasalanan, madali silang mahuhuli. Ganiyan mag-isip si Marian. She even think what happened in the future. Hindi mangyayari pero hindi imposibleng mangyari dahil gwapo si Kurt. Feeling niya, walang babaeng makakatanggi sa taong ito. Hindi naman niya pinagdadasal na 'wag manligaw si Kurt, pinagdadasal naman niyang sana ay kapareho ni Kurt ang mapang-asawa niya. Kaya kailangan na niyang gumawa ng paraan. Hinanap niya ang envelope kung saan nakatago ang mga requirements niya. Plano niyang mag-apply ng trabaho. Noong una, mas gusto niya sa palengke pero nagbago na ang lahat.

She'll try to get a Job to experience herself brings together with other people. She has to go through. Pasimple niyang chinat ang iba niyang kaibigan at nakakita nga siya kung saan pwedeng mag-apply. Pwede naman dahil payag ang Ate niya.

Kurt is always busy with his phone when the time that he has started become Marian's textmate even chatmate. Kaya napansin na din ni Carla.

"Bakit ba lagi kang nakasilip sa phone mo?" She curiously asked.

"Wala lang, nawiwili ako sa Facebook. Ineenjoy ko lang tumingin ng mga posts." nasa kwarto sila kaya agad niya itong niyakap.

Umagang-umaga ay nakaporma si Marian. Target niyang maging counter sa isang department store sa isang mall. Naranasan naman niyang magcollege. Kung tutuusin, pwede pang mag-aral kaso siya na ang umawat sa sarili niya. Bukod sa stable na ang buhay nila, baka maging taong bahay lang siya pag nabuntis.

Requirements na lang ay pasok na siya. Maganda kasi siya kaya unang kita pa lang ay tipong kahit wala nang formal interview, start na. Umuwi agad siya. Plano niyang kinabukasan na kumuha ng requirements. Nagtext kay Kurt sandali at dumiretso ng palengke. Nasabi niyang nakapag-apply siya at syempre, she even told where she would've be working.

Kurt: Minsan dadaanan kita.

Napakasimple pero naisip niyang, bright idea pala ang ginawa niya. Aside of improving what she is being a girl, may chance din na magkita sila ni Kurt. Naiimagine na niya 'yun. 'Yung tipong sa counter niya ito pupunta kahit mahaba ang pila tapos mag-uusap saglit tapos aalis na.

Ilang araw pa naman ang lumipas. Wala namang ibang nangyari. Tuloy parin naman si Cheche sa pagtanggap ng text mula kay Richard na may halong pangbobola. Pero hindi na lang siya nagpaapekto dahil nagkukunwari lang siya.

"Maghahanap tayo ng tindera dahil magtatrabaho na ang Ate mo. Baka mag stay in siya galing probinsya. Kaya Tisoy ah, maglinis ka naman minsan. Hindi 'yung laging pag-uwi namin si Nanay pa ang magwawalis." Utos na lang ni Coleen kay Richard.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Where stories live. Discover now