// 1. Brother And Sister

12.2K 84 9
                                    

She's a single Mom. Her name is Coleen. Ang babaeng naniniwala sa sumpa. Unlike her siblings, masyadong makaluma ang estilo niya. Isa siya sa dahilan kaya asensado sila ngayon. Papalapit siya sa kapatid niya na si Marian na busy sa pagchochop ng manok sa palengke. Sinuot niya ang apron.

"Oh Ate, Kuya, sariwa pa mitras maaga!" She yelled while setting those meats that mess. Marian feels her but she ignores Coleen's appearance 'cause she busies herself with her doing.

Apat na silang tao sa pwesto nila sa palengke. Isang lalaki, tatlong babae. Ang isa ay si Marie na Ina nila at ang trabahador nilang lalaki.

"Ate, parang ang matamlay ka?" tanong ni Marian pero sige parin ang pag chop sa manok.

"Oo nga eh, ewan, lalagnatin yata ako." hinipo niya ang sarili.

Nang dumating ang hapon ay kumonte na ang mga tao sa palengke kaya wala na silang masyadong ginagawa.

"Kung masama ang pakiramdam mo, utusan mo si Richard na gumising ng maaga para siya na muna ang maghatid kay Patricia." Their Mom said. Nakaupo lang si Marian at umiinom ng sofdrinks.

"Oo nga, wala nang ginawa ang lalaking 'yun. Porke nag-aaral, aasta nang senyorito!" pataray ni Marian.

"Asa naman kayo sa lalaking 'yun. Laging puyat 'yun. Palibhasa hapon ang pasok. Ikaw na lang Yan!" Utos ni Coleen.

"Hay naku!! Hindi ako sanay sa chismisan sa school!" Sagot ni Marian. Yanyan for short.

Tumahimik sila saglit. Si Makoy naman ang nagsalita. "Yan, nakita mo ba 'yung chicks ko kahapon?" Pagmamalaking tanong ni Makoy.

Umirap lang si Marian. "Haay isa ka pa, Makoy. Ayusin mo ang pagpili sa babae. Ang hilig mo sa achay!" Pang aasar ni Marian.

"Sexy naman. At mabait."

Sumingit ang Ina nila. "Maigi na sa katulong pumatol! Dilis at tuyo lang pwede nang ipaulam. Hindi maaarte na tulad niyo!" tinuro niya ang dalawang anak.

"Ma, 'wag mo akong itulad sa dalawa kong kapatid!" Coleen said.

"Ate, isa ka pang maarte diyan." Umirap si Marian.

"Yanyan! Nung araw, mga bata pa kayo, dinanas namin ni Nanay ang hirap, baka akala mo! Bumabawi lang ako ngayon."

Nagsalita lang sa hangin si Marian. Tatawa tawa lang si Makoy. "Tama si Ate Marie. Apir!" Nakipag apir ito kay Marie.

Close nila lahat miski ang katabi nilang tindahan kaya mga nakangiti lang ito habang nag-uusap usap sila. Dumating ang oras na umuwi na sila. May tindahan sila sa bahay na binubuksan nila sa t'wing uuwi sila sa hapon. Sinalubong sila ni Richard na papasok pa lang.

"Mother earth! Baon ko!"

"Hoy Tisoy!! Kung ikaw ba binubuksan mo ang tindahan, at nagtitinda ka, nakatulong ka pa!" Marian said to her brother.

"Paki mo ba? Alam mong busy ako sa assignment."

"Puro ka dahilan."

"Pwede ba? Hindi lilipas ang isang araw ng hindi kayo nag-aaway!" Pagalit ni Marie.

"Sitahin niyo 'yan si Ate Yanyan! Siya lang naman ang madalas magalit eh." Pinalo lang ni Marian sa balikat si Richard. Madalas silang magkasagutan pero most of the time ay bestfriends sila. Apat na taon lang naman ang pagitan nila. 23 and 19. 29 ang Ate nila na si Coleen.

"Pag nag-asawa ka, doon ka sa katulong para hindi magastos! Para hindi ka na rin kumuha ng katulong!" Pang aasar ni Marian.

"Yabang mo Ate ah. Makalait ka sa mga katulong."

"Bagay kasi sa'yo! Ang tamad tamad mo."

"Hoy Ate!! Kung inaasar mo ako, hindi ako naaasar! Mas maigi pang pumatol sa katulong kesa sa'yo na ubod nang arte." hinabol ni Marian si Richard. Lagi siyang asar talo sa nakababata niyang kapatid.

"Ano ba kayo?!" Sigaw ni Marie. "Pumasok ka na nga Richard!"

Hindi na sila pinapansin ni Coleen. Sanay na sa ingay nila. Kahit kasi medyo asensado na sila, hindi sila naging mapagmataas o umastang mayaman kaya kuntento na sila sa lugar kung saan maraming tao. Si Marian naman ay hindi na nagtapos ng college dahil sa hirap ng buhay nila noon. Nang lumago ang negosyo ng Ate niya sa palengke, pinagawa nila ang bahay nila tapos tumulong na lang siyang magtrabaho sa negosyo ng Ate niya sa palengke.

10PM, dumating si Richard galing school. "Richard, gumising ka ng maaga, ihatid mo si Patricia! May sakit ang Ate Coleen mo kaya hindi siya makakatrabaho." Utos ni Marie kay Richard.

"Ano ba 'yan!" Angal ni Richard. Kumamot pa ng ulo.

"Hoy Tisoy, sumunod ka na lang." Sabi ni Marian.

"Ikaw na lang Ate."

"Anong ako? Tumigil ka."

"Ate ikaw na please!" Niyakap siya ni Richard.

"Basta kahit sino sa inyo, ihatid si Patricia ah. Hindi pwedeng aabsent ang bata."

"Ate please, ikaw na."

"Tisoy, tigilan mo ako." Kumawala ito sa yakap ng kapatid.

"Ate naman eeeeeh! Nakakainis ang mga tao doon."

"Baket aber? Ayaw mo lang gumising ng maaga eh."

"Ikaw na nga Marian! Baka malate pa si Patricia pag 'yan lokong 'yan ang naghatid. Kami na ni Makoy bahala sa umaga sa palengke!"

Naisip ni Marian na pareho din naman. She woke up everyday morning. Her Mom was right. Tumingin siya ng masama kay Richard. "Ate tama si Mother earth."

"Ewan sa'yo!" Iniwan niya ang kapatid at natulog na.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu