// 17. Phone Call Request

1.7K 31 3
                                    

Umupo si Richard sa sofa kung saan umupo si Cheche. Nakangiti lang siya. "Hanggang 3pm lang naman ako kasi may pasok pa ako mamayang four." sabi ni Richard.

"Gusto ka lang namang makilala ni Ate." sabi ni Cheche at maya maya lang ay dala na ni Carla ang meryenda.  

"Hi Richard." bati nito. "Ang gwapo mo ah. Don't you expect me to be nice with you just because you're gwapo! Baka lokohin mo ang KAPATID ko."

Napangiti si Richard. "Ate, hindi ko po lolokohin si Cheche." Napatingin si Richard kay Cheche na pilit ang ngiti.

"Ate naman, magkaibigan lang kami." Cheche said and she turned her head to the window, she strongly closes her eyes.

She didn't want Richard on this house even entertain him seriously because she's hiding something inside on her personality but Carla wants to know Richard. Richard didn't feel chaos. He knew anything from Cheche already. Cheche has no choice.

Masaya si Richard sa ginagawa niya. Hindi kasi katulad ni Cheche ang mga babaeng nakikilala niya sa university na pinapasukan niya. Pino kumilos pero may pagkapilya minsan. Ang babaeng nahahati sa dalawang uri.

Modernong babae pero ugaling probinsya, at babaeng nahihiya sa sitwasyon na mahalay pero hindi sa sitwasyon na alanganin.

Ganiyan niya maisasalarawan si Cheche. Walang confident kaya ang sarili niya ang kailangang lumapit dahil siya mismo ang taong kailangan ni Cheche. Kilala niya ang sarili niya kaya alam niyang pipigilan ng isang babaeng na katulad ni Cheche ang umibig sa kaniya. Pero hindi lahat ng katulad niya ay nagpapapalit-palit ng babae. Kilala niya ang sarili niyang kaya niyang mahalin si Cheche kahit kasambahay pa ito.

Dumating ang gabi. Humiling si Marian kay Kurt ng konting pag-uusap para tanungin ng ilang bagay. Hindi naman siguro sila mahuhuli ng asawa ni Carla agad agad. Gusto niyang linawin ang lahat sa pagitan nila. It doesn't clear yet. She knows she can take Kurt for granted if her thought was right. But yet she needs a clarification in between.

"Bakit naman kakausapin mo ako ngayon?" tanong ni Kurt. May pagtataka man, may tonong pagka-excited.

"Gusto ko lang makausap ka ng tahimik. 'Yung walang makakarinig at walang pipigil sa'yong magsalita dahil walang tao sa paligid." sagot ni Marian.

"Ano naman ang sasabihin mo? Tell me directly. I wonder what it is?"

"Hindi naman seryoso pero sana sumagot ka ng tama."

"Okay."

"Malungkot ka ba?"

"Bakit mo naman naitanong?" Ngumiti si Kurt.

"Wala lang. Mukhang may gusto ka kasing gawin. Parang hindi ka masaya sa katayuan mo. Kaya gusto kong alamin. Hindi sa ayoko sa'yo. Iiwas ako kung kinakailangan dahil ayokong makasira ng pamilya. Baka pagtumagal ang pagkakaibigan natin, pag-isipan pa tayo ng masama."

Kurt's still smilling. "Masaya ako sa buhay ko. Nagkataon lang siguro na nakilala kita. Wala akong ibang gusto."

"Sigurado ka?"

Naisip ni Marian na naintindihan ni Kurt ang tanong niya o gusto niyang malaman. "So yeah! I know what to do. I know what I'm gonna do. Alam ko din na panandalian lang ang lahat sa'tin. Hindi naman ako katulad ng ibang lalaki na mapagsamantala." Ayaw sabihin ni Kurt ang bagay na 'yun dahil iba ang gusto niyang gawin. Naalala niya ang sabi ng kaibigan niya sa kaniya. 'Hindi lahat ng matino ay hindi pumapatol sa may asawa. Diskarte lang minsan ang nagdadala.'

Pero mukhang wala na siyang magagawa pa dahil mismong si Marian na ang nakakahalata. Minadali niya kasing mambola.

"Hindi sa gusto kong lumayo ka ah. Mas maiging dumistansya muna tayo. Nakakahiya sa mga nakakakita. Baka maulit na naman na aksidenteng magkita tayo, may makakita sa'tin aksidente din. Machismis tayo, ano pa ba ang negatibong epekto?"

Natawa si Kurt dahil hindi talaga aksidente ang pagkikita nila ni Marian. Sinadya niya ito sa mismong mall. "Salamat sa'yo Marian, you care to the situation we have. Hindi ko naisip 'yun. Oo nga pala dalaga ka. I'm very sorry. Hayaan mo, hindi na mauulit."

Kailangang ilagay ni Kurt sa tama imbes pilitin pa si Marian o sabihin na 'wala naman silang ginagawang masama' kaya alam niya ngayong wala na siyang pag-asa. Papanindigan na lang niyang hindi siya ang klase ng lalaki na tutuksuhin siya dahil hindi na manghihinayang mawala siya kung hindi niya mapapapayag. Mas pinili na lang niyang maging maayos sila.

"Sorry din kasi napag-isipan kita ng masama." Nasa loob ng kwarto si Marian kaya walang makakarinig na sinasabi niya. Si Kurt naman ay nasa garden na karaniwan niyang ginagawa dahil minsan may nakakahsap siyang kasamahan sa trabaho. Importante o hindi.

"Hindi ka dapat nagsosorry, wala eh. Nagandahan lang siguro ako sa'yo. Hindi ko inisip ang kapakanan mo. I'm sorry talaga."

"Baka naman hindi ka na magchat." Tumawa si Marian.

"Magchachat ako. Kwentuhan parin minsan. Wala akong malungkot na buhay kaya nagchachat ako okay? Magkataon lang na nakilala kita."

"Salamat, Kurt. We're friends. Wala namang masama siguro doon. Pero kailangan lang ng konti.. konting konti lang naman na pagdistansya."

"Akala ko naman ayaw mo nang kausap ako. Kinabahan ako doon ah."

"Gaya nga ng sabi mo, masaya ka sa buhay. Kahit mawala ako, siguro okay lang sa'yo pero inaamin kong masaya akong kachat ka. May kailangan lang talagang isa-alang alang. Siguro kung binata ka, baka hindi lang sa pagiging magkaibigan. Kung may anak ka na at walang asawa, pwede siguro na kahit magdate tayo." Tumawa si Marian.

Marian has a crush on him kaya nasasabi niya 'yun. Nag-isip mabuti ng isasagot si Kurt. "Nakakaawa ka naman kasi ang bata mo tapos may anak ako. Hindi din siguro." Alam ni Kurt na hindi naman nangyari kaya sumagot siya ng matuwid para hindi na mag-isip ng malisyosong bagay si Marian.

"Bakit naman? Ikaw talaga. Okay lang kung wala kang trabaho o hindi mo kayang mag-asawa. Walang masasabi sa'yo ang tao dahil babae ako. Pwera na lang kung lalaki ako at gwapo tapos maraming nagkakagusto. Papatol sa may anak na babae, kahit walang masama, may tao parin na mag-iisip ng iba. Di katulad ng sitwasyon natin, maganda ako, pero may pera ka naman kaya mas konti ang porsyento na kokontra ang tao. Bulungan lang 'yun, Kurt."

Napatingin sa taas si Kurt. Alam niyang walang kaplano planong patulan siya ni Marian pero dahil sa narinig niya, feeling gwapo ang peg niya.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon