// 11. Meeting Cheche

2K 29 4
                                    

Nakatayo si Cheche habang inaabangan ang labasan, nang nakarinig siya ng bulungan sa paligid.

"Ang gwapo!!"

"Sino 'yan?"

"Ewan, ngayon ko lang siya nakita."

Napatingin si Cheche sa mga Nanay na nagsalita. She's curious. Tinignan niya ang lalaki. Nagulat siya dahil kilala niya si Richard. Nagtago siya sa dingding kung saan hindi siya makikilala. Hindi niya friend sa Facebook si Richard pero hindi imposibleng kilala siya nito dahil kausap niya lagi si Marian sa comment box. Kinakabahan siya. Hiyang hiya. Sinilip niya, nakita niyang seryoso lang itong kinakausap ng ibang sumusundo na medyo bata pa. May kasambahay, may batang Nanay, may Tiyahin na medyo bata pa. Narinig niya ang boses ni Richard. Sa totoo lang, malaki ang pagkakacrush niya sa taong 'yun, kaso, college at halatang maraming kaibigan kaya nahihiya siyang i-add o ichat.

Naglabasan ang mga bata. "Tito Tisoy! Tito Tisoy!" sigaw lang ni Patricia ng makita niya ito. "Bakit ikaw ang sumundo sakin?"

"Basta, nagtanong ka pa." sagot ni Richard.

"Pat! Tito mo siya?" tanong ni Karyl nang hindi pa nakakarating kay Cheche habang hinila na niya ang bag ni Carlo.

"Oo." sagot lang ni Patrcia.

Nagtatago si Cheche. Nakita niyang nauna nang naglakad si Patricia kasama si Richard kaya lumabas na siya. "Tita ang tawag niyo sakin ah." Utos ni Cheche dahil ayaw niyang mabuking na kasambahay siya. Nang makita niyang wala na si Richard ay lumabas na sila.

Pero laking gulat niya. "Pat!!" tawag ni Karyl. Hindi pa pala nakakaalis si Richard dahil may tinetext pa ito habang nakasakay sa motor at nakaangkas na si Patricia.

Napatingin si Richard kung saan nanggaling boses. Kaya nagkatinginan sila. Iniwas niya ang tingin niya. Tinuloy niya ang paglalakad. "Hi po!" bati ni Karyl kay Richard kasi nakatingin ito sa kaniya.

"Hello." balik ni Richard.

"Karyl! Bilisan mo!" Angal ni Cheche dahil nakipagdaldalan pa kay Patricia.

"Wait lang Tita Cheche." tumingin uli siya kay Patricia. "Bye po!"

"Gwapo ng Tito Tisoy ko no?" Habol ni Patricia.

"Maganda naman si Tita Cheche!" Nagstart na ang motor pero nagbanggaan na naman ang tingin nila.

"Oo nga, maganda ang Tita mo." Sabi ni Richard at ngumiti. Hiyang hiya si Cheche. Alam niyang maraming gwapo ang nagkakagusto sa kaniya pero mahirap aminin kay Richard na kasambahay siya. Wala siyang nagawa kundi ngitian si Richard. Dinaan ni Richard ang motor sa kotse nila habang sumasakay. "Bye!" Nginitian ni Richard si Cheche. Maganda kasi talaga si Cheche. Sexy pero simple lang manamit. Napagkakamalan pang kapatid niya si Carla.

"Ooy si Tita Cheche, crush 'yung Tito ni Patricia!" Pang-aasar pa ni Karyl.

"Tumigil ka nga." Saway ni Cheche pero sumulyap siya kay Richard. Umiling at ngumiti at umalis na si Richard. Pinaandar ang motor.

Umandar din ang kotse. Mabilis ang pagpapaandar sa kotse kaya medyo nasabayan nito ang motor na madalas nangyayari nung si Coleen pa ang gumagamit ng motor.

Nakita ni Cheche na kumakaway sa kanila si Patricia habang umaandar. Napansin na naman siya ni Richard. Nagkatinginan na naman sila pero this time umiwas na talaga siya. Hiyang hiya talaga siya. Hindi naman talaga siya mahiyain pero pinanghawakan niya ang sinabi sa kaniya ni Marian na imposibleng mautusan si Richard na sumundo kaya hindi na siya umasa. She didn't expect that Richard came into school for Patricia. Hindi siya handa, hindi naorient whatever.

Nagkataong medyo natraffic kaya nagkasabay na naman ang motor at Kotse. Pwede namang lumusot na sa gilid pero mas pinili ni Richard ang tignan si Cheche. Kitang kita ang dimple, maputing mukha at mapulang labi. Lalaking pinagtitinginan kahit saan mo dalhin kaya bagsak si Cheche sa confident level.

After the intense moment ay nakahinga na ng maluwag si Cheche. Wala nang pressure sa itsura niya. Naalala niya sa isip niya ang gwapong mukha ni Richard. Nakakapanghina ng loob kausapin lalo pa't kasambahay lang siya. Alam na niya ang tipo ng mga katulad ni Richard. Pwedeng ma-in love sa kaniya kung malalaman nito ang totoong ugali niya pero ugali lang 'yun. Iba ang katayuan sa buhay. Kilala niya ang sarili na maganda siya pero alam niya kung anong level lang siya kaya no self confident and abashed ang peg. Too diffident.

Meanwhile, Richard is already done. Sinilip niya ang kwarto ng Ate niya na busy sa kakachat. "Ate, andito na si Patricia."

Nagulat pa si Marian. "Ah sige, aalis na ako," Sabi niya dahil iniiwan na niya si Patricia para dumiretso sa palengke. Minsan kasama pa si Patricia dahil may tatambayan naman ang bata doon habang busy sila. Nagreply siya kay Kurt at umalis na.

Wala naman silang pinag-usapan na iba para sabihin na lumalandi na siya pero andoon ang excitement niya kada chat ni Kurt. Naghintay siya ng reply.

Kurt: Okay, mamaya nalang uli.

Umalis na siya. Alam niyang hanggang doon lang 'yun. Wala namang masama kung maging magkaibigan sila kahit man lang sa Facebook.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon