// 42. Revenge

3.6K 39 9
                                    

"Carla, maniwala ka sa'kin. Wala na kaming relasyon ni Kurt." sabi ni Marian. Nasa isang restaurant sila ngayon.

Carla doesn't smile unlike when they met before. Nakaramdam naman ng awa si Marian. "Pero mahal ka niya. Nawala na ang pagmamahal sa'kin ng asawa ko ng dahil sa'yo."

"Gagawa ako ng paraan." Hinawakan ni Marian ang kamay ni Carla. "Hindi ko alam kung tama ba na humingi ako ng sorry sa'yo. Wala na din kasing silbi."

"Marian, alam mo ba kung gaano ko kagustong saktan ka. Hindi ko lang magawa dahil kay Kurt. Lalo niya akong iiwan kung guguluhin pa kita. Pero masisisi mo ba ako? Sabihin na nating tapos na nga kayo. Paano mo ibabalik ang pagmamahal ng asawa ko?"

Nalungkot si Marian. Maayos naman magsalita si Carla. "Gagawa ako ng paraan."

"Kaya nga nakikiusap ako sa'yo. Kung sa tingin mo na may gusto pa sa'yo si Kurt, gawin mo ang lahat para iwasan siya. Kaya kita kinausap ngayon ay dahil hindi ako nagtitiwala sa'yo."

"Magtiwala ka lang." Niyakap ni Marian si Carla. "Kasalanan ko ang lahat. Basta ibabalik ko kayo sa dati."

"Ano ang gagawin mo?"

"Hangga't makakaya ko, iiwasan ko siya. Higingi ako ng tulong sa Ate ko."

"Marian, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na maibalik ang pagmamahal niya."

Walang magawa si Marian kundi lumuha na din. Umuwi siya na malungkot. Nasalubong niya si Richard. Tumingin lang ito sa kaniya at lumampas na. Alam niyang miski si Richard ay may tampo dahil sa ginawa niya kaya sinundan niya ito sa kwarto.

"Tisoy, I'm sorry." Hindi nagsalita si Richard. "Alam kong binigyan kita ng matinding kahihiyan."

"Ate, wala akong pakialam sa kahihiyan dahil kapatid kita. Nalulungkot lang ako dahil wala na kami ni Cheche."

Hindi inaasahan ni Marian ang dahilan ni Richard.

"Ganun ba?"

"Oo, ni ayaw niya akong kausapin. Tapos na kami. Bakit kasi sa dami dami ng lalaki diyan, doon ka pa pumatol sa boss niya." Dismayadong sagot ni Richard.

"Hindi niyo kailangang madamay pa."

"Damay na kami. Tumatayong magulang niya si Ate Carla. Paano na kami? Masisisi pa ba kita?"

"I'm sorry." Walang masabi si Marian.

"Pero Ate hindi naman talaga ako galit sa'yo. Naiinis ako sa sumpa sa pamilya natin. Ngayon ko naisip na totoo ang sumpa."

Marian didn't speak until she left Richard. Nakita niya ang nanay niya at umiyak dito. Pinagtapat niya ang lahat mula sa pag-uusap nila ni Carla hanggang sa problema ni Richard.

"Yanyan, huwag kang mawalan ng pag-asa. Ang lahat ng bagay ay napapag-usapan ng maayos. Pwede pa din naman na maging masaya si Richard basta tanggalin lang nila ang galit sa puso nila. Pag-usapan ng maayos ito. Kailangang makausap natin si Kurt. Hindi pwedeng maging kayo pa. Masyadong mahalay sa hinaharap."

"Paano, nay? Hindi naman lahat ng tao, nadadaan sa pakikipag-usap."

"Ipagdasal natin. Kahit ano pa ang maging nakaraan natin, makakalimutan ito basta huwag ilagay sa mali. Ang kapatid mo'y malungkot. Tama naman siya pero kung mapapag-usapan ng maayos ito, pwedeng hindi na sila idamay pa. Walang problemang hindi naaayos sa maayos na pag-uusap. Gumawa ka ng paraan para makausap natin si Kurt."

Kinabukasan ay nakatanggap na naman ng tawag si Marian mula kay Kurt. "Kurt, mag-usap kayo ng ni nanay. Ayusin natin ang lahat."

"Hindi pwede Marian. You know I love you. Nothing will happen aside for making us separated. Alam ko na ang sasabihin niya."

"Kurt, tigilan mo na ako. Maawa ka sa asawa mo."

"Alam kong mahal mo parin ako Marian. Magsama tayo. Sige, bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon para makapag-isip. Maghihintay ako. Basta no matter what happens, iiwan ko na si Carla."

"Huwag mong gagawin 'yan. Hindi parin ako sasama sa'yo. Kawawa naman ang pamilya mo."

"Hindi ko na mahal si Carla."

"Pag-usapan natin ito nila Ate. Kurt, huwag na huwag mong iiwan si Carla. Paano na ang mga anak niyo?"

"Pwede naman 'yun eh. They were able to live without my presence. Suportado ko sila. Mahal kita Marian. Ayoko nang mawala ka sa'kin."

"Kurt."

"Basta, alam kong hindi agad kita makukumbinsi nowadays. But hindi ako titigil. Alam kong mahal mo parin ako Marian. Hihintayin kita. Hihiwalayan ko si Carla kaya wala ka nang magagawa kundi sumama sa'kin."

"Utang na loob. Huwag mong gagawin 'yan nakikiusap ako. Ayusin natin ito."

"Hindi ako papayag Marian. Magkita tayo." Binaba ni Marian ang telepono. Hindi siya mapakali. Hindi siya natatakot ngayon kay Kurt dahil alam niyang may tutulong sa kaniya.

__

Nagkasalubong si Kristop at Kurt bago umuwi. "Kurt, nakausap ko si Rony. My ghad. Ano ba ang pinag-gagagawa mo!"

"Kris, pwede ba. Huwag ka munang makialam."

"Hindi pwedeng hindi. Babaero ako oo alam ko. Pero hindi ko kayang iwan ang taong pinili ko. Tayo ang pumili sa kanila. Hindi natin sila mapapang-asawa kung hindi dahil sa'tin. Umayos ka."

"Hindi ko na siya mahal."

"Stupid! Hindi ka tunay na lalaki. Anong klaseng lalaki ka? Alam ko naman ang problema niyong mag-asawa. Bakit ayaw niyong ayusin? Hindi tayo ang dapat mang-iwan dahil tayo ang nanligaw. Sila ang dapat na umiwan sa'tin. Asawa natin sila."

"Bakit? Naranasan mo bang lokohin. This is what the retaliation can do. This is what I can do. Sa tingin mo ba papayag na lang ako ganun ganunin?"

"Kurt, listen.. nagsisi na ang asawa mo. Kung hindi mo naman pala kayang patawarin siya, sana hindi mo na binalikan. Aminin mo na kasing nagmahal ka lang ng iba. Kung iiwan mo si Carla, apektado ang anak niyo. Magbabago ang paniniwala nila ng dahil sa'yo. Hindi porke hindi lang ikaw ang nang-iwan sa mundo, pwede mo nang gawin ito. Mag-isip isip ka hangga't hindi pa huli ang lahat. Dahil kapag nangyari ang kinatatakutan ko, magsisisi ka."

"Huwag ka munang makialam Kris. Please lang. May kaniya kaniya tayong buhay na kailangang ayusin."

Kurt walked towards his car but Kristop utters words. "Ang bagay na pinagsisihan ay kailangang ihingi ng tawad para mabura. Pero kung hanggang ngayon ay ganiyan ka, gaganti sa'yo ang kapalaran. May anak ka." Napatigil si Kurt sa pag-lalakad saglit. Tumingin siya kay Kristop. Sumakay ng kotse at pinaandar na.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Where stories live. Discover now