// 20. Retaliation No More

2K 30 2
                                    

"Mas maigi ngang nakatayo na lang tayo dito sa labas." sabi Kurt. Sa mga oras na ito ay magkasama sila ni Marian. Pareho naman silang busog kaya they decided to drink while they were talking. Nakangiti naman si Kurt. Itsurang parang napadaan lang dahil naka office attire and Marian's wearing her working uniform.    

"Okay lang naman siguro kung ganito para wala nang mag-isip ng iba kung sakaling makita tayo. Tambay mode lang."

Ngumiti at tumingin si Kurt sa malayo. "Are you going to meet my wife? May attitude ang wife ko pero kung gusto niya ang tao, mabait siya." Naging seryoso ang itsura nito.

"I'll try na lang. Sa totoo lang, kinakbahan ako. Kaso, mas maganda kasing close ko siya."

"Bakit naman?"

"Wala lang. Masaya kasi ako sa friendship natin. Siguro, mas maiging tropa din kami ng asawa mo."

Hindi sila nagkakatinginan habang nag-uusap. Nakatingin sila sa malayo. Sa malayo pero malapit lang ang mga sasakyan na dumadaan dahil sa pagitan ng parking lot. Malapit lang. "I'm being guilty everytime magkatext tayo. Hanggang ngayon. Parang wala ngang pormality ang pagiging friends natin. Kailangan sigurong maging family friend namin kayo."

"Pwede."

Tumingin si Kurt kay Marian. "Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan ang kalagayan natin. Text and chat lang naman sana tayo. Kahit alam kong pwedeng mangyari, natuwa lang naman ako kaya I'm just hoping na may katulad mo ang pumayag na maging friend ako."

Napangiti naman si Marian. "Oo naman." Napailing na parang ang stupid ng sinabi ni Kurt.

"Iba kasi ang ugali ng tao ngayon. Malalim na mag-isip masyado. Hindi ba pwedeng maging friend ang isang tao? Alangan naman na makipag friend ako sa lalaki? Kailangan sa babae 'di ba?" Nagkatinginan sila. "Bawal bang makipag friend sa babae kahit may asawa na ako? Bawal bang humanap ng bagong friend na babae kahit may mahal na ako? Kaya masaya ako dahil tanggap mo ako bilang kaibigan." Napatingin si Marian kay Kurt.

Sa ngayon ay wala naman ibang plano si Kurt. Hindi lang niya maintindihan ang sarili niya kung bakit masaya siyang kasama si Marian. "Na-gets na kita." Umiwas ng tingin si Marian. "Mahirap nga naman 'yung ganito. Kaya lawakan na lang ang pang-unawa. Maybe iniisip ng iba na gusto mong mangbabae o kung meron mang babae na magkakagusto sa'yo, tatanggapin ka niya bilang kaibigan na may malisya. Hindi mo naman pwedeng gawin 'yun dahil halata sa'yo na wala kang bakak mangbabae." Ngumiti si Marian.

Napahinga ng malalim si Kurt. "Kaya medyo nalungkot ako sa mga sinabi mo last time tungkol sa pagdistansya natin sa isa't isa." Nagulat si Marian pero mas pinili niyang huwag nang tignan si Kurt. And now she understands what happens. Nakaramdam siya ng guilt na baka iniisip ni Kurt na isa siya sa mga babaeng pinag-iisipan si Kurt na gustong mangbabae.

"I'm sorry. Mahirap lang--"

"I understand." Humarap si Kurt. "But we since here now, I know na gusto mo akong maging kaibigan. Mahirap lang tanggapin ang fact na nagdadahilan ang tao kaya inu-unti unti ang pag distansya. They were not directing to the point what they purpose sometimes. Akala ko, sinasabi mo 'yun para iwasan na ako." Tumingin uli si Marian kay Kurt. Umiwas naman si Kurt ng tingin at humarap uli sa mga nagdadaang sasakyan. "Hindi naman ako manhid para itext ka pa ng itext."

"Pero hindi 'yun ang gusto kong mangyari."

"I know. Nagkamali ako. Sana pala nagpatuloy na lang akong kausapin ka." Ngumiti sila pareho.

"Pwede mo akong ichat. Itext, gaya ng dati. Walang problema. Pasensya na talaga."

"I always jump to conclusion." Mula kasi nang magawa ni Carla na magkamali noon. Naintindihan na ni Kurt na lahat ng bagay ay posibleng mangyari. He wants to retaliate but it was horrible. Nagdadalawang isip parin siya. Iba kasi ang lalaking nang babae lang kesa sa babae na nanlalaki dahil may puwang sa puso nito ang lalaking karelasyon. Mas masakit para sa kaniya 'yun. Hindi naman kasi talaga malandi si Carla. Nagawa nitong manglalaki sa driver nila noon dahil gwapo at bata ito. Hindi niya matanggap na nagmahal ng iba ang asawa niya sa maiksing panahon.

Umuwi na siya. Nasa isipan parin niya si Marian. Kung papayag ba itong maging babae niya ay sure siyang may damdaming involve. Retaliation will be found. Kawawa ang babaeng maiiwan. Pwedeng maging sila ni Marian at iwan niya si Carla. Naniniwala kasi siyang pwedeng mangyari ang iniisip niyang may feelings na sa kaniya si Marian. Para sa kaniya, imposible na maging friends sila ng ganun ang pag-uusap. Imposible para sa kaniya. Kawawa si Marian dahil hindi niya pwedeng iwan si Carla.

"Hon." tawag ni Kurt sa asawa niya.

"Why?" Habang busy ito sa pagliligpit ng kinainan kasama si Cheche.

"May friend akong babae na gusto kang makilala."

Nagtaka si Carla. "Sino naman?"

"Kilala ni Cheche."

"Sino Sir?" tanong ni Cheche.

"She's Marian. Nakilala ko siya nung sabay kaming naghatid sa mga bata at nagkita uli kami nung namalengke ako. Sa kanila ako bumili. Medyo nagkapalagayan kami ng loob."

Nagtaka si Carla. "Bakit naman kikilalanin pa ako? Kurt ah. I don't want you to meet another close friends specially girls. Kikilalanin pa ako. What is it all about?" Nag-iba ang timpla ni Carla. Nakakapagtaka nga naman.

Ngumiti si Kurt. "We're just friends. Kung gusto mong iwasan ko siya, okay lang. Kung may gusto akong gawin, hindi ko na sasabihin sa'yo 'to. We're just friends kaya siya na mismo ang gustong kilalanin ka."

Sumingit si Cheche. "Mabait si Ate Marian. Kapatid ni Richard."

Lalong nagtaka si Carla. "Talaga? Kaya pala sa school kayo nagkakilala." Nakatingin siya kay Kurt.

"Sinasabi ko lang sa'yo kasi naging kaibigan ko siya. Mabait kasi pero ang gusto ko lang ay tumagal na maging kaibigan ko siya. Kaya gusto ko siyang ipakilala sa'yo ay para wala kang isiping iba. Naiintindihan mo ba, hon? Nagbaka sakali lang ako. Pero kung ayaw mo.." Kumuha ng tubig si Kurt. Nakatingin sa kaniya ang dalawa. Uminon muna bago nagsalita. "Pwedeng itigil na. Alam ko nanang pag-iisipan mo ako. Mas maigi na 'yung alam mo na may new friend ako. Pero tandaan mo hon.. kung may gagawin akong kalokohan, hindi ko na siya ipapakilala pa sa'yo. Kilala niya akong may asawa na."

Nagsalita na naman si Cheche. "Kahit ilang araw ko lang na nakakausap si Ate Marian, alam kong hindi siya gagawa ng kalokohan." Binatukan siya ni Carla kaya napatingin siya dito.

"Wala akong iniisip na ganun!!" Galit galitan si Carla.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Where stories live. Discover now