// 12. Into Her

2.1K 31 2
                                    

A/N: Basahin iyo 'yung 'UNFAITHFUL WIFE: THE BETRAYAL' diyan niyo unang makikilala si Carla, Kurt at Cheche.

__

"Partner!! Naligaw ka?!" Nagulat si Coleen at Marian dahil narinig nila si Makoy na nagsalita. Si Richard lang naman ang tinatawag nitong partner. Hinanap nila si Richard. Napansin nilang papalapit ito.

"Hi, Mak!" Nakipag apir pa ito.

"Kamusta mga chicks natin?" Minasahe pa nito si Richard.

"Wala!!" Nagtitinginan ang mga tao kay Richard. Lalo na ang mga babae. Minsan lang ito magpakita sa pwesto. Alam nilang emergency.

"Tisoy! Anong kailangan mo? Pera na naman? Na-sa'yo na ang allowance mo ah." sabi ni Coleen.

"Ate, hindi 'yun. May sasabihin lang ako kay Ate Yanyan!" Nagtaka si Marian, sinenyasan siya ni Richard. Lumapit siya dito at binulungan. "Te, need ko ng dagdag 100, ako na ang susundo kay Patricia." bulong ni Richard.

"Sira ka talaga. Isang beses lang 'yun. Hindi na mauulit."

"Bahala ka, isusumbong kita kay Ate Coleen." Sumama ang tingin ni Marian.

"May nakachat lang akong classmate ko noon."

"Lalaki?"

Binatukan nito si Richard. Nahalata ni Coleen. "Ano ba 'yang pinagbubulungan niyo?" tanong nito. Maraming tao pero inaasikaso saglit ni Coleen at Makoy.

"Wala 'to Ate," sabi lang ni Richard at binalik ang tingin kay Marian. "50 pesos. Pwede na 'yun."

"Bakit ba may pera ka naman, nanghihingi ka pa ng dagdag?"

"Basta, sayang din 'yun eh."

"Sige, umuwi ka na. Hintayin mo ako."

"Thanks, Ate."

Alam ni Marian na makakachat niya si Kurt kaya pumayag siya. Isa pa, kapatid naman niya ang bibigyan niya ng pera. Wala naman siyang obligasyon bukod sa pagtitinda. May sweldo siya sa Ate niya.

Umuwi si Marian. May nabasa agad siyang chat.

Kurt: Sana makachat uli kita.

Hindi niya maintindihan dahil medyo nag-iiba na si Kurt. Hindi na libangan 'yun. Parang sapilitan na. Alam naman ni Kurt na busy din siya at walang connection sa palengke.

Marian: Wala ka bang ginagawa diyan pag ganitong oras?

Habang kachat niya si Kurt ay umalis na si Richard. Dating gawi, nagulat na naman si Cheche. Nakita niyang sa kaniya lumapit si Richard. Napag-usapan pa naman nila ni Marian si Richard. Sabi sa kaniya ni Marian na hindi na si Richard ang susundo kaya nakahinga siya ng maluwag but now, she could see Richard na lumalapit sa kaniya.

"Maaga pa ba?" Tanong ni Richard sa kaniya.

"Malapit na ang labasan." Nahihiya niyang sagot.

"Pamangkin mo pala 'yung kambal?"

"Ah, oo!"

"Pareho tayo." Nilalaro-laro pa ni Richard ang susi ng motor sa palad niya.

May lumapit. "Hi!" Bati ni Richard sa kasambahay na lumapit. Nakilala niya ito kahapon lang.

"Ikaw na naman." Medyo malambing ang boses ng kasambahay kaya nairita si Cheche.

"Oo, may ginagawa si Ate." Nakangiti lang si Richard. Nakikita ni Cheche. Alam niyang mabait ito dahil namamansin talaga ng mga kasambahay pero hanggang doon lang siguro, hindi nakikipag tropa sa kagaya niya. Kailangang 'wag malaman na kasambahay siya. Para iba ang maging tingin sa kaniya nito. And since Richard did respect people, nawala na ang kaba niya. Basta 'wag lang malaman na kasambahay siya. Alam na rin ni Marian ang gagawin kaya hindi siya mabubuking.

Naglabasan ang mga bata. "Tito Tisoy!" tawag ni Patricia. At dahil sinabayan ni Richard si Cheche. Hindi na siya umiwas. Nag-uusap din kasi ang mga bata.

"Walang boyfriend si Tita Cheche!" Nagulat si Cheche kay Karyl kaya sinaway niya ito. Tumawa lang si Richard.

"Si Tito Tisoy ko, walang girlfriend." Hiyang hiya si Cheche sa mga sinasabi ng mga bata pero hindi naman niya maawat.

"Hoy Patricia, ikaw ah. Boto ka kay Tita Cheche nila." Pagbibiro ni Richard. Lalong namula si Cheche. Parang gusto na niyang aminin na kasambahay siya.

"Eeeh lagot ka kay Mommy pag nanligaw ka." sabi ni Patricia dahil lagi niyang naririnig ang pangaral ni Coleen kay Richard.

"Si Tita Cheche pwedeng magboyfriend sabi ni Mommy." Si Karyl naman.

Kinurot ni Cheche ang pisngi ni Karyl.

Nang makauwi si Richard, pumunta agad ito sa kwarto ng Ate niya at hiningi ang 50 pesos. "Bukas uli Ate ah."

"Hoy sumosobra ka na! Mauubusan ako sa'yo ng pera."

"Umaga pa lang ihahatid ko na. 50 pesos lang."

Pinag-isipan muna ni Marian dahil alam niyang umaga pa lang nagchachat na si Kurt. Tinignan niya muna ang chat ni Kurt.

Kurt: Ang ganda mo talaga. Kung binata lang ako, baka nanligaw na ako sayo.

Alam na niyang pwedeng sabihin ni Kurt 'yun pero medyo kinilig siya dahil ang gwapo ng nagsabi sa kaniya. Nagreply siya.

Marian: Text nalang tayo kung gusto mo.

Binigay niya ang number niya. Dumiretso sa palengke. Medyo mabagal ang reply niya kahit mabilis ang reply ni Kurt. Nagkita uli sila ni Richard.

"Ano Ate, payag ka?"

"Huwag na." Magkatext na kasi sila ni Kurt.

"Tita, kasi kinakausap niya si Ate Cheche." Napakamot ng ulo si Richard sa sinabi ni Patricia. Buking.

"Huwag kang maniwala diyan." Angal ni Richard. Buti hindi narinig ng Ate Coleen niya.

"Ikaw ah. Kaya pala ah. Crush mo si Cheche no?"

"Hindi ah. Nagandahan lang. Alam ko naman na kasambahay siya eh."

"Pa'no mo nalaman?"

"Siya 'yung sinasabi mo 'di ba noon na gusto mong ipakilala sa'kin."

Naalala nga ni Marian 'yun. Pero hindi alam ni Cheche.

"Ganito na lang, pag nagkita kayo, kunyari wala kang alam."

"Oo nga, Tita ang tawag sa kaniya ng kambal eh."

"Ayaw niya kasing ipaalam sa'yo. Nahihiya." Ngumiti si Richard.

"Paano kami magkikita?"

"Hatid mo si Patricia, gumising ka ng maaga."

"50?"

"Neknek mo."

"Ate naman eh."

"Gusto mo naman 'di ba?"

"Medyo."

"Ano ba ang plano mo?"

"Wala."

"Baka ligawan mo si Cheche tapos hindi mo seryosohin."

"Kakaibiganin ko lang."

"Pwes, bahala ka."

"Ate naman, sige na."

Dumating si Coleen. "Ano ba 'yan? Bakit narinig kong si Tisoy ang gustong sumundo?"

"Kasi dahil sa bayad." sumbong ni Marian.

"Magkano ba ang hinihingi ng mokong na 'yan?"

"100!"

"50 lang Ate, grabe ka!"

"Kulang ba ang baon mo?"

"Hindi naman, sayang din eh."

"Ako na ang magbibigay. Para may ginagawa ka naman."

Nainis si Marian dahil balik siya sa dati. Hindi siya talaga tamad. Medyo pumayag na rin siya para may ginagawa si Richard. Katext na sila ni Kurt kaya hindi na siya kailangan pang mamalagi sa computer. But sa gabi ay sobrang tagal nang magreply ni Kurt. Kasama na kasi nito ang asawa niya. Alam naman ni Marian 'yun.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Where stories live. Discover now