// 28. Forbidden

2.9K 34 6
                                    

"Baka magising ang asawa mo?" Mahina lang ang boses ni Marian. Kausap niya si Kurt habang nakahiga siya sa kwarto.

"Nah, nanonood lang ako ng TV ngayon. Malayo ako sa kaniya." sagot ni Kurt na totoo naman na nanonood. They didn't fall asleep yet after what happened.

"Baka lang. Natatakot ako." 

"Huwag kang matakot."

"Lagot ka, Kurt." Sinubukang biruin ni Marian si Kurt.

"Bakit naman?"

"Nangbabae ka." Pasimpleng ngumiti si Marian.

Napangiti din naman si Kurt. "I don't know. Ang ganda mo kasi. Love mo naman ako 'di ba?"

"Natukso lang po. Wala nang bawian eh. Ikaw kasi."

"Ako ba ang dapat sisihin?"

"Opo ikaw, ikaw ang nagdala sa'kin doon."

"Kasalanan mo... bakit sumama ka pa?"

"Hindi ako sumama no. Dinala mo ako. May tanong ako." Pag iiba niya ng usapan.

"Ano naman 'yun?"

"Sino pipiliin mo samin ni Carla?"

Hindi alam ni Kurt ang isasagot niya. "Ewan, ayoko nang ganiyang tanong."

"Sino nga?"

"Sino ba ang gusto mo?"

"Kahit sino."

"Ikaw."

"Bakit ako? Asawa mo siya."

"Kung siya ang pipiliin ko, baka naman magalit ka."

"Hindi ah," Narinig ni Kurt ang mahinang pagtawa ni Marian. "Kesa naman mapunta ako sa lalaking hihiwalayan din ako. Sa'yo na lang ako. Atleast sumaya ako kahit saglit lang. Hindi ko pipilitin ang sarili ko sa iba diyan na hindi ko gaanong gusto."

Tumawa si Kurt. "Parang sinabi mo na gusto mo talaga ako."

"Oo na. Alam mo Kurt, crush talaga kita. Hindi nga lang tayo pwede dahil may asawa ka na. Madalas akong kiligin sa'yo pero ayokong maging malapit sa'yo. Tapos wala naman sa ngayong lalaki na magugustuhan ko na katulad mo. Magboboyfriend ako tapos wala akong kasiguraduhan kung sasaya ba ako habang buhay. Pinili ko na lang na magsaya kahit saglit lang."

"Pasensya na ah. Ngayon lang kita nakilala."

"Wala kang kasalanan. Kung meron man, kay Carla 'yun. Aakuin ko ang lahat kung malaman niya. Ako ang bahalang umayos ng lahat para hindi masira ang Pamilya mo."

Hindi makangiti si Kurt. Nagawa niya ang lahat dahil sa mga advice ng kaibigan niya. Lahat ng senyales ng sinasabi ni Kristop ay nakikita niya kay Marian. Nalulungkot siya dahil may sariling buhay si Marian. Pero kung lolokohin din lang si Marian ng iba ay mas maigi nang siya na ang mauna. Hindi niya mapigil ang sarili niya.

Araw araw silang nagkikita. Pero hindi sa loob ng mall. Ayaw niyang nagkikita sila sa loob ng mall dahil baka mahalata miski ng mga kasamahan niya. Alam niyang malakas ang pakiramdam ni Adang. Baka isipin nito na may tinatago siya. "Kurt, next week na tayo magkita." Isang araw na pauwi siya.

"Bakit?"

"Baka mahalata tayo. Palamig lang. Alam mo naman na close kami ng asawa mo. Para lang sure."

"Okay, bahala ka. Pero matagal din 'yun ah."

Ingat na ingat si Marian maging sa Ate niya. Nakahiga siya. Naisip niyang mahirap para sa kaniya ito. Hindi malaya pero masaya siya kay Kurt. Alam niyang balang araw ay maghihiwalay din sila.

Meanwhile. Nakahalata na si Carla kay Kurt. "Hon, may sasabihin ako sa'yo. I hope you'll say the truth. Hindi naman ako magagalit." Carla said when they were lying in the bed and begun to rest. Medyo nabawasan na kasi ang atensyon na nakukuha niya kay Kurt pagdating sa kama.

"Ano naman 'yun?" Medyo kinabahan si Kurt. Pero nakatalikod siya kay Carla. Matutulog na sana siya.

"May babae ka ba?" Napalingon si Kurt kay Carla. "Hindi ako magagalit. Ang akin lang, ipagtapat mo." Kurt sighed. Keeping his reaction doesn't be guilty even he is not sure by this. Feeling niya nakahalata na si Carla pero gagawin niya ang lahat para itago. Hindi siya pwedeng umamin.

"Wala. Bakit?" Kunyari ay nagulat siya sa tanong pero ang totoo ay nagulat talaga siya.

Ngumiti si Carla. "Kurt, alam kong ayaw mo kaming mawala. Kaya aminin mo na."

Niyakap niya si Carla. "Wala akong babae."

"Naisip ko lang." Yumakap din si Carla.

"Mahal ko kayo. Huwag kang magpapaniwala sa instinct niyong mga babae." After he said it. Kurt felt he's an antagonist protrays on any movies. Napapikit siya. He was sure that his face reactions didn't do well. Hinaplos niya ang buhok ni Carla. Masaya naman siya kay Carla pero bakit ba kasi nakilala pa niya si Marian?

Couple of days passed. Abala si Marian sa trabaho ng makita niya ang pamilyar na kasuotan ng isang lalaki na nasa harap niya. Tumingin siya sa mukha nito. Ngumiti siya. "Kurt?" Bulong niya.

Tinaasan siya nito ng kilay. Umiling siyang tinanggap ang binili nito. Nang paalis na si Kurt ay sumenyas pa ang bibig nito na 'I love you' kaya sinimangutan niya. Gumanti siya ng 'Umuwi ka na' kaya tumawang umalis lang si Kurt. Wala silang usapan ngayong araw na ito. Pwede sana pero kasama 'yun sa pag-iingat ni Marian.

Naglalakad siya ay may nagtext sa kaniya.

Kurt:
I'm here away at your back.

Lumingon siya sa likod at nakita nga niya si Kurt. Nakilala niya ito kahit malayo at maliit tignan. "Ano kayang ginagawa niya dito? Ilang oras na ba siyang nakatambay?" Dahil wala naman siyang kasama ay kinausap niya ang sarili niya. Imbis lumapit ay nagreply siya.

Marian:
Diba sabi ko sayo, bukas na tayo magkita?

Nakatingin siya habang nagbabasa si Kurt ng reply niya. Nanatili siyang nakatayo. Pwede silang mag-usap ng malapitan pero ayaw ni Marian. Sumenyas si Marian na huwag lalapit but she smiled.

Kurt:
Namiss kita. Pwedeng ngayon na?

Napangiting dismayado si Marian na kulang na lang ay magkamot ng ulo. Tumingin kay Kurt ng masama. Napansin niyang nilagay nito ang phone sa tenga niya. Nagring ang phone ni Marian. Sinagot niya habang nakatingin parin siya kay Kurt.

"Hello, bakit ba hindi ka makapaghintay?"

"Bahala ka, lalapit ako sige." Kita ni Marian ang pagngiti nito.

Wala na siyang nagawa kaya nagkita sila sa labas. Tumingin sa paligid at sumakay sa kotse ni Kurt.

Niyakap agad siya ni Kurt. Pinupog ng halik sa leeg, sa labi bago niya pinaandar ang kotse. Wala na talagang makapigil sa relasyon nila. Hanggang sa magkasama sila sa isang kama na parehong nakahubad.

"Mahal mo ba ako?" tanong ni Marian habang kayakap niya si Kurt.

"Oo naman."

"Paano na ang asawa mo?"

"Huwag mo muna siyang isipin sa ngayon. Basta ang importante ay masaya tayo." Ngumiti si Marian at hinalikan sa labi si Kurt.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ