36

1K 39 8
                                    

"Pwede na kayong magpahinga, tapos na ang shoot sa araw na 'to!"

Mabilis akong lumayo sa grupo ng mga modelo matapos sabihin iyon ni Star. Bukod sa pagod, labis na pagkailang ang nararamdaman ko mula nang shoot namin ni Cloud kaya naman hindi na ako nagpatagal doon.

Nakangiti akong sinalubong ni Azen nang makalapit ako sa kanya. Isang halik pa ang ibinigay niya sa akin, kahit na napakaraming tao sa paligid. But that alone helped me relax. Napawi ang lahat ng pagod at anxiety na naramdaman ko kanina. My heart will finally be at ease now.

"You did great," he whispered then gently tucked my hair behind my ear.

Ngumiti ako sa kanya, at sinuklian niya rin naman ako ng isang ngiti.

"I was really nervous," sagot ko na tinawanan niya.

"Nervous? That wasn't what I saw. You were amazing. And sexy... And so damn hot."

Mabilis ko siyang sinapak sa t'yan matapos niyang sabihin iyon.

Pwe! Bolero!

"Oh. Bakit?" painosente niya pang tanong, pero hindi ko na siya sinagot at naiiling na lang siyang hinila palayo.

Kahit kailan alam na alam niya talaga ang sasabihin... Sa pang-aasar man o sa pagpapakilig.

Bago pa matapos ang photoshoot, sinabi na sa akin ni Lewis na mauuna na siyang bumalik ng hotel. Gusto niya rin kasi kaming bigyan ng time ni Azen, kaya naman iyong natirang oras ng hapon na iyon ay ginamit namin para libutin ang beach. Naging paraan na rin namin iyon para malayo sa ibang modelo.

We went swimming, then he taught me how to surf. Nang magsawa kami, umarkila kami ng bangka at pumunta sa ibang mas maliit na isla malapit sa Batimor. We didn't waste a single second. Talagang wala kaming pinalampas hanggang sa dumilim ang langit ay lumamig ang ihip ng hangin.

It was almost 8 in the evening when we decided to go back. Suot lamang ang bathing suit at jacket ni Azen, naglakad ako kasabay niya pabalik ng hotel. Napakarami kong ginawa sa araw na ito, pero hindi ko alam kung bakit parang hindi ako napapagod. Parang ayaw pa ng katawan kong magpahinga, parang ayaw ko pang bumalik.

Kaya nang nasa tapat na kami ng hotel, napatigil ako sa paglalakad at ganoon din si Azen.

"Bakit?" tanong niya sa isang nag-aalalang tono.

Gusto kong sabihin na maglakad-lakad pa kami, na samahan niya pa ako. Pero ayaw kong maging makasarili. Alam kong pagod na rin siya. Alam kong gusto niya nang magpahinga. Kaya naman napagdesisyunan kong paunahin na lang siya.

"Wala, parang gusto ko lang maglakad-lakad pa. Mabuti pa mauna ka na, susunod ako after 5 minutes."

"Sigurado ka? Pwede kitang samahan."

"Hindi na. Susunod din agad ako."

Kahit na nag-aalangan, pumayag pa rin si Azen sa gusto ko. "Sige. Basta room 205, okay?"

"205? Hindi naman iyon ang room natin, ah?"

Nagtaka ako sa sinabi niya. Hindi kasi iyon ang room na ibinigay sa amin. Pero nang makita ko ang malawak na ngisi ni Azen, doon ko lang napagtanto ang lahat.

Kumuha siya ng kwarto na para sa amin lang.

"You really think I'd share a room with you and Lewis?"

Nag-init ang mukha ko sa di malaman na dahilan. Parang lalong nadagdagan ang rason ko para hindi muna bumalik ng hotel. Dahil shit! For the first time, magsasama kami sa iisang kwarto.

Alam ko wala ako sa lugar para mag-inarte dahil hindi naman bago sa akin ito. Madalas din akong pumunta noon sa condo ni Azen. Pero... Hindi ko lang mapigilang mahiya. Dahil ngayon lang kami magsasama sa iisang kwarto bilang magkasintahan.

"Bilisan mo, ha? Hihintayin kita," iyon na ang huling sinabi niya bago pumasok ng hotel.

Nang dahil sa mga sinabi niya, naglakad ako sa dalampasigan nang lumulutang ang isip. Kahit na napakaganda ng dagat, ng buwan at ng mga bituin, ang imahe ng kama lamang ang pumapasok sa utak ko.

Ano ba! Nagiging green minded ako dahil kay Azen!

"Kainis talaga 'yong lalaking 'yon."

Pero... Nang dahil sa kanya, naging masaya ang pagpunta ko rito sa Batimor.

Pumunta ako sa isa sa mga floating cottage na malapit lamang sa dalampasigan. Naisip kong magpalipas muna ng ilang sandali roon bago ako bumalik ng hotel. Gustong gusto ko kasi talagang makapasok sa isa sa mga iyon.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad nang makarinig ako ng mga boses. Kaya luminga-linga ako at nakita sa malapit sina Cloud at Alexis. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Shit.

Iyon agad ang naisip ko. Bakit kailangan ko pa silang makita ngayon? Gusto ko tuloy tumalikod at bumalik na lang, but it's too late. Nakalusong na ako sa tubig, at isa pa, baka nakita na rin nila ako. Kaya tumuloy na lang ako at nagkunwari na hindi sila nakita. Paraan na rin iyon para isipin nilang hindi ako umiiwas.

Na hindi na ako naaapektuhan pa.

"Relax, Serina. Just ignore them. Pagkalagpas nila, babalik ka na kay Azen."

Huminga ako ng malalim. Inilabas ko ang aking cellphone at nagpatugtog na lamang habang pinagmamasdan ang dagat. Nilibang ko ang sarili hanggang sa mawala sina Cloud at Alexis.

I waited... Patiently. Hindi ko alam kung ilang minuto akong​ naghintay, pero pakiramdam ko ay napakatagal noon. Halos magdasal pa nga ako na bilisan nilang maglakad at lagpasan na ang kinaroroonan ko. Na sana ay h'wag nila akong pansinin, lalo na ni Cloud, at magpatuloy na lang sa paglalakad nang sabay hanggang sa hotel.

Pero hindi iyon ang nangyari.

Alam ko, dahil nang tumingin ako sa daan pabalik ng hotel... Si Alexis na lang mag-isa ang naglalakad.

Inisip ko pa... Baka may binalikan lang si Cloud, tapos tatakbo na lang siya para maabutan si Alexis.

Pero nang bahagyang lumubog ang floating cottage, doon na malakas na kumabog ang dibdib ko.

"Sel..."

Nanigas ako sa kinauupuan nang marinig ang boses na iyon sa aking likuran. Sandaling tumahimik ang paligid nang mamatay ang kanta sa aking cellphone. Walang nagsalita sa aming dalawa. Parehas lang kaming nakikiramdam sa isa't isa.

Gusto kong isipin na ibang tao ang tumawag sa akin. But I know better. Dahil bukod sa mga kamag-anak ko, si Cloud lamang ang tumatawag sa akin ng Sel.

"Sel... can we talk?" muling pagsasalita niya.

Pumikit ako nang mariin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto kong umalis na sa cottage na ito, pero iisa lang ang labasan, iyon ay ang direksyon kung nasaan si Cloud.

Bakit pa kasi siya nandito? Hindi ba siya makaramdam na ayaw ko siyang makausap? Ni ayaw ko siyang makita!

"About what?" inis kong sagot nang hindi siya nililingon, nakatuon lamang ang paningin ko sa dagat.

"About us."

Teka, tama ba 'yong narinig ko? About us? Us? Mayroon pa pala no'n?

Kahit na nagwawala na ang puso ko sa kaba, nilingon ko si Cloud. Nangako ako sa sarili ko noon na hindi na ako magpapaapekto sa kanya, kaya iyon ang ipinakita ko.

His dark eyes than I've always loved looked straight into mine. Pero ngayon, hindi saya kundi galit at pait ang naramdaman ko nang makita iyon. Parang biglang buhos ng ulan kong naalala ang mga pinagsamahan namin.

Pero iyong partikular na araw, iyong araw na mas pinili niya si Alexis ang nanatili sa utak ko.

- - -

Hello guys! Taas ang kamay ng mga #TeamCloud dito! Hahaha

Zenna: The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon